╰35th Catch╮

4.8K 147 3
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰35th Catch╮

BEFORE Pearl proceeds to the library, she tells her that she'll just send a message once she's done. They are both in a good mood, hence they are getting along so far.

Habang nasa library ang kapatid, nagpasya siyang gumala muna sa RDGU. At habang naglalakad-lakad ay tinext niya si Andy para ipaalam nasa unibersidad siya. Napadpad siya sa field at naupo sa wooden bench habang hinihintay ang reply ng kaibigan. 

Ngunit nagsisimula na naman siyang makaramdam ng pagkadismaya habang nakatitig sa home screen ng cellphone. Sapgkat hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang natatanggap na kahit ano mula kay Arq.

"Lara!" Pukaw ng isang pamilyar na tinig.

Paglingon niya sa kanyang likuran, nakita niyang nakatayo at nakangiti si Zach. Ngumiti siya nang pilit pero kaagad din siyang nagbawi ng tingin. Ilang segundo lang ay naupo na sa kanyang tabi ang binata.

"Hi! Mag-isa ka lang ba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung mag-isa lang ako. Depende siguro sa nakikita mong hindi ko nakikita. Atsaka, wala kang pakialam kung anong ginagawa ko dito. Naiinis niyang naisaisip. Mabuti na lang talaga ay natututunan na niyang mag-filter ng mga sasabihin.

"I'm with my sister kaya lang may ginagawa siya. Kaya dito muna ako sa field kasi mabo-bore lang ako sa library." Sagot niya.

Sa tingin niya ay hindi na niya kailangan pang pagsinungalingan ang dahilan kung bakit nasa unibersidad siya. Hindi naman iyon malaking bagay na dapat pang itago kay Zach.

"Ah, ganon ba? Ako naman kaya nandito dahil sa soccer practice namin. May hinihintay lang kaming iba pang players. Gusto mo bang manood?" Anyaya nito.

"Huh?" Naguguluhan siyang napatingin kay Zach.

Narinig naman niya ang sinabi nito subalit tila nahirapan siyang intindihin dahil sa ibang iniisip.

Natawa nang bahagya si Zach. "Alam mo, pansin ko lagi ka nalang nagugulat sa mga sinssabi ko. Or maybe you're spacing out everytime I see you."

Napansin na pala nito ang ganon niyang habit sa tuwing nagkakausap sila. Ang totoo kasi ay hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pakikipag-usap sa binata lalo na't alam niyang nagiging mayabang ito katagalan.

"Nagkakataon lang siguro na marami akong iniisip kaya hindi ko napapansin 'yong mga sinasabi mo." Palusot niya.

Tumango-tango ito. "Ganon ba? So, ano namang iniisip mo ngayon? Or sino? Si Rogue ba?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napataas ang isang sulok ng kanyang kilay sa mga tanong na iyon ni Zach. Bukod sa may kayabangan ito ay may pagka-tsismoso rin pala. Kalalaking tao pero ang daming tanong. Atsaka, pansin niyang hilig nitong tawagin si Arq sa first name.

Nakakaramdam man ng inis sa dami nitong tanong, nanatili pa rin siyang kalmado. "Hindi. School stuff lang. Medyo marami kasing gagawin next week."

"Chill ka lang. Sabado pa lang kaya. Dapat ini-enjoy mo muna ang weekend!" Usal nito bago tumayo. "Tara sama ka sakin sa soccer field para hindi ka nag-iisa dyan." Anyaya pa nito sabay lahad ng kamay.

Napatingin siya sa kamay ng binata. Hindi niya alam kung maganda bang ideya ang pagsama niya rito. Kung sabagay, nag-iisip talaga siya ng magagawa dahil malapit na siyang ma-bored. At hindi naman siya ilalayo ni Zach sapagkat tanaw niya mula sa kinalalagyan ang soccer field. 

Nais niyang iwaglit sa isipan si Arq sapagkat wala naman itong pakialam sa kanya. Mabuti pa nga sigurong aliwin muna niya ang kanyang sarili sa panonood ng practice ni Zach kahit pa hindi niya ito gustong kasama. Wala naman siyang pagpipilian lalo na't wala siyang kasama.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now