╰31st Catch╮

4.5K 158 0
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰31st Catch╮

KOMPORTABLE naman siya sa suot na dress, kaya lang ay hindi niya maiwasang hindi ma-conscious lalo na't kasama niya si Arq. Kaya kahit nakakairita ay hila siya nang hila pababa sa dulo ng kanyang suot na akala naman niya'y hahaba pa. 

Nang makasakay na sila sa sasakyan ni Arq, lalong hindi siya mapakali. Maliit masyado ang bag niya kaya hindi niya masyadong matakpan ang exposed na parte ng kanyang binti. Para siyang may bulate sa pwet dahil hindi siya mapakali sa kinauupuan habang sila'y nasa byahe. Nang mapagtanto ang bagay na iyon ay bigla rin siyang nakaramdam ng hiya.

Nais sana niyang magsimula ng mapag-uusapan nilang dalawa, kaya lang ay tila ba wala si Arq sa mood para makipagkwentuhan. Tuluyan na lamang siyang nanahimik. Subalit nang tumikhim ito, umasa siyang meron itong sasabihin. Sa kasamaang-palad ay hindi naman ito nagsalita. Sa halip ay binuksan nito ang stereo kaya kahit papano medyo na-relax siya.

*Smile ~ Uncle Kraker.*

Lihim siyang napangiti dahil sa kanta. 

Although it's not one of her favorite songs, she knows the song very well.  But it looks like it will be one of her favorite songs starting today because she now appreciates the lyrics. Especially when she suddenly hears Arq singing along with it.

Kahit pa matigas ang boses nito, hindi ito tunog sintunado. Hanep! Magaling na sumayaw, artist tapos singer pa?! Ano-ano pang mga talent ni Arq ang madi-discover ko sa pagdaan ng araw?  

The ravishing enigma will no longer be a mystery for her soon.

Para siyang hinihele at nais na lamang matulog sa pagkanta ni Arq. 

It seems like she's having an eargasm.

°Lara, kung ano-ano ng natututunan mo, ah!° Sita ng kanyang ego.

Napairap na lamang siya, bago palihim na sinulyapan si Arq.

Arq is driving with one hand while nibbling her fingers on the other and singing along, looking so dang amusing. 

Aminado siya na ang mga linya ng kinakanta nito, ramdam niyang tila para sa kanya iyon. Natatawa siya dahil kung ano-ano na lang ang ini-imagine niya na alam naman niyang makakapagpakilig sa kanya pero ayaw niya pa ring tigilan.

Nang matapos ang kanta ay hindi na niya narinig pang kumanta si Arq. Medyo rock na ang tugtog pero hindi naman masakit sa tenga. Mas nanaisin na niyang pakinggan iyon kaysa sa pananahimik nilang mas masakit sa tenga.

Then Arq's phone rings. May kinuha itong ear plug sa bulsa at inilagay sa kaliwang tenga bago sagutin ang tawag.

"We're on our way. Why? —huh? I'm with my girlfriend, asshole." Anito sabay tawa.

Girlfriend?

Napalobo siya ng pisngi sa narinig sabay lingon sa labas ng bintana. Hindi niya kayang tingnan si Arq matapos marinig mula rito ang hindi inaasahan. Pakiramdam niya lalo siyang namula. Ang sarap sa pandinig ng sinabi nito kaya kahit tapat na tapat siya sa aircon ay para pa rin siyang matutunaw.

Pahapyaw man ang pagkakasabi subalit para nitong ipinangangalandakang girlfriend talaga siya nito. Naloloka na yata talaga siya sapagkat sa maliit na bagay na sinabi nito'y tuwang-tuwa na ang puso niya.

°Tama si Andy, you'll get used to that girlfriend thingy. Ang bilis lang, ah?°

Hindi na niya inintindi pa ang pakikipag-usap ni Arq. Tila bingi na siya dahil sa emosyong nararamdaman. Napansin na lamang niyang paliko na sila sa isang magarang subdivision. Sa labas pa lang tanaw na niya ang naglalakihang mga bahay kaya alam niyang magara talaga roon. 

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now