╰12th Catch╮

5K 167 1
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰12th Catch╮

.. ARQ ..

LYING is another thing forbidden in their sorority oath, but she just did it. Nonetheless, she did not lie in front of a CLL member which means she did not break a rule.

Kailangan lamang niyang sabihin ang bagay na iyon kay Lara sapagkat wala na siyang ibang pagpipilian. Kinakain na siya ng kanyang konsensya at sa totoo lang, hindi siya kasing-sama ng inaakala nito.

They may peg her to be as rude but she still knows how and when to confer consideration.

She starts to dial Hilary's number. Her friend would be the one to take care of Lara's task today. "Did she arrive late?"

"Nope. She's in fact early. Is she excited about the punishment or something?" Hilary chuckled from the other line.

"Look, all I ask from you is to watch her. Don't do anything else."

"What about, fantasizing about her?"

"Yeah, quit it."

Tinawanan pa siya nito. "I don't know why'd you have to keep this as a secret, especially from Tori. Siya rin naman, may mga pabor na ginagawa kung kelan niya gusto."

"She won't tolerate this. Para namang hindi mo alam kung gaano siya ka-biased."

"Well, fair point. Anyway, why don't you watch over this girl by yourself? Iniwan ko na siya sa sorority hall kasi baka kapag nagtagal pa ako doon kung ano pang magawa ko sa kanya."

"Can you, for one second, stop being a pervert? Jeez! So annoying." Napaikot siya ng kanyang mga mata dahil sa kalokohan ni Hilary.  "Anyway, I'll try to get there in the afternoon. Wanna see how she works with the room."

"Imma bet my entire bank account, you'll like this girl, Arq."

"Then start to get used to seeing zero balance."

"You wish, Arq. You wish..."

"I'll hang up now, bye."

Pagbaba niya ng tawag ay tsaka niya binalikan ang mga business affiliates sa conference room. May business meeting siya ngayon kaya kahit na gusto niyang siya mismo ang magbantay kay Lara para masigurong tinatrabaho nito ang pinapagawa niya  ay hindi pupwede. Hindi pa siya sigurado kung matatapos kaagad ang kanilang meeting kaya maswerte si Lara kung hindi niya ito mapupuntahan.

"...you'll like this girl, Arq." 

She sneered hearing that echo mimicking what Hilary had said to her a while ago.

Hindi porque naging mabait siya sa isang babae at ginawan niya ito ng pabor, may gusto na siya kaagad. Hindi lang si Lara ang babaeng binigyan niya ng pabor kaya hindi niya masasabing may gusto siya rito. Sa katunayan nga ay naiinis siya rito sapagkat para nitong ipinapain lagi ang sariling kahinaan para mabigyan lang ng pabor.

"Uh, Miss La Rivas?" 

Napukaw ang kanyang atensyon ng kanyang sekretarya. Tila ba nawala siya saglit sa ulirat sapagkat nakatingin na ang mga ka-meeting niya sa kanya, na bakas ang pagtataka sa mukha ng bawat isa. Tumikhim siya at seryosong umayos ng upo. "Yes?"

"What can you say about the project?"

Sa totoo lang, wala siyang naintindihan sa presentasyon dahil bigla na lamang siyang nag-daydreaming subalit kahit papano naman ay may idea siya sa kanilang pinag-uusapan. "Quite impressive. But I think you have to be more specific with the details, especially finance." Yumuko siya para kunwaring tingnan ang papeles na nasa kanyang harapan. Ginawa niya iyon para hindi mahalatang medyo tensyonado siya. Goodness.


Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now