╰26th Catch╮

4.3K 143 3
                                        


◈ Caught By A Beast ◈

╰26th Catch╮

PAGLABAS niya ng banyo ay wala ng tao sa silid kung saan siya dinala ni Arq. Naisip niyang baka nasa labas na ito.

Realizing that she's inside Savage's office, she starts to feel embarrassed. Arq may not be the only person outside that room. And knowing her friends, she now believes that she needs to get ready for their taunts before getting out.

Sa kanyang pag-iisip ay hindi niya napansin ang muling pagbukas ng pinto. Gusto na niyang sakalin si Arq dahil nabigla na naman siya sa presensya nito. Dalawang beses na siya nitong nagugulat. O sobra-sobra na ang pag-inom niya ng kape kaya madali na siyang nagigitla?

"Done already?" Arq asked while beaming.

Which is very unusual.

Marahan siyang tumango. Mukhang good vibes na si Arq kaya wala siyang balak pang sirain ang mood nito. Medyo nakakapanibago lang sapagkat parang kanina lang bago siya takasan ng diwa ay gusto siya nitong lamunin nang buhay. Tapos ngayong paggising niya ay ang ganda na ng mood nito. Para tuloy gusto na lang niya itong tulugan sa tuwing magagalit ito sa kanya.

Lumapit pa ito sabay sambit ng, "Let's go outside."

A wise idea. Because going outside all alone makes her feel so nervous. 

Napangiti siya nang makitang tunay ang ngiting ipinapakita ni Arq. Pumayag na rin siya sa pag-aaya nito kaya sila'y lumabas na ng silid.

Doon din ay napatunayan niyang tama ang kanyang hinala sapagkat sumalubong sa kanya ang presensya ng tatlong kaibigan ni Arq. Kanya-kanyang posisyon sa pag-upo sa kani-kanilang mga desks ang mga ito na tila hindi alintana ang kanyang presensya.

Sa pinaka-sentro ay ang pwesto ni Greco kung saan ito naglalaro sa isang video game console habang ang kalahati ng katawan ay nakadapa sa ibabaw ng table. Hindi kaya siya nahihirapan? 

Si Brenan naman ay may pinapanood na movie sa laptop nito. Napangiwi siya nang masilayan ang isang hindi kaaya-ayang eksena mula roon. Napaka-sadista. Habang si Elijah ay prenteng nakataas ang mga paa sa isang mesa at may kausap sa cellphone. Lalo siyang napangiwi nang marinig ang mga pinagsasasabi nitong may kasamang paglalandi.

Teka, anong oras na ba?

Bigla siyang napatingin sa kanyang wristwatch at napalakas ang pagsabi niya ng, "HAH!" nang mapagtantong alas-sais na ng gabi. "Bakit hindi mo 'ko ginising?!" Naiinis niyang baling kay Arq habang sinusubukang hagilapin ang kanyang gamit.

"We didn't want to disturb you, Sleeping Beauty." Komento ni Greco. 

Nang balingan niya ito ay sa paglalaro pa rin ito nakatuon.

She shakes her head in disbelief then she continues to look for her bag. 

Siguradong kanina pa siya tinatawagan ng kanyang daddy at baka nag-aalala na ito nang todo. Pero hindi niya mahagilap ang kanyang gamit kaya binalingan na naman niya si Arq.

"Where is my bag?" Pagalit niyang tanong.

"It's on the couch where you slept." Kaswal nitong sagot.

Nagmamadali siyang muling pumasok sa loob ng silid kung saan sila nanggaling ni Arq. Doon nga niya nakita ang hinahanap na bag. Kaagad niyang hinagilap ang cellphone at sa kanyang pagkamangha, wala man lamang ni isang text message o missed call siyang natanggap mula sa kanyang daddy o kaya kay Pearl.

"You didn't realize that your new phone has a new sim, did you?"

Napatapik siya sa sariling noo nang mapagtanto ang sinabi ni Arq. Ang numero kung saan siya nakokontak ng kanyang pamilya ay nasa luma pa rin niyang cellphone na hindi niya dala dahil hindi na niya kailangan. 

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now