╰45th Catch╮

3.6K 158 10
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰45th Catch╮

"WHY the hell you weren't here when I woke up?" Arq asked in an irritated tone.

"Pinag-retake ako ng exam ng prof ko. Sabi bagsak daw ako noong nakaraang long quiz." Paliwanag niya sa paraang hindi magmumukhang sumbong.

Nangunot ang noo nito. "Who's that professor?"

"Professor Diaz. Believe me, I tried to convince him to let me retake my long quiz on another day. Pero kailangan daw ngayong araw."

"It's your fault, anyway."

Hindi na siya nagulat pa sa narinig na tila ba siya ang sinisisi nito. Inaasahan niyang hahanap ito ng dahilan para siya ang magmukhang may kasalanan.

"If you only got a passing score, you wouldn't have retaken that long quiz. Kasalanan mo naman kasi hindi ka nag-aaral nang mabuti." Dagdag pa nito habang dahan-dahang humihiga.

Lalo siyang sumimangot. Kung makapagsalita naman ito akala naman nito'y wala itong ambag sa panaka-naka niyang pagliban sa klase. Sa totoo lang ay hindi siya nakakapag-focus lalo na kapag bigla siya nitong pinapatawag para lang samahan ito sa kung saan.

Mukhang nagbabalik na naman ang pagiging topakin nito. Pero hindi siya magpapatalo sapagkat may kasalanan ito sa kanya ngayon. Hindi siya papayag na mabaligtad nito.

°Hay nako, Lara. May kasalanan siya kung girlfriend ka talaga. Doon na tayo sa totoo. Kahit laplapin pa siya ni Shakira, wala kang karapatan para magalit.° Paalala ng kanyang ego.

Pero hindi niya iyon inintindi.

"Okay. Kasalanan ko na. Pero hindi pa rin no'n mababago ang katotohanang naabutan kitang nakikipaglandian sa ex mo." Galit niyang sabi.

Umismid ito. "Nakikipaglandian? Just so you know she only did what a nice person would do to a friend who's currently unable to move normally. Pinakain lang niya ako dahil nagugutom na ako kakahintay sa'yo. Paglalandi ba 'yon?"

"Oh, akala ko ba naiinis ka sa kanya? Bakit para namang enjoy na enjoy ka sa pagsubo niya ng pagkain sa'yo kanina?"

She looks at her, grinning. "What would you have me do, then?"

"Nandito 'yong kapatid mo, di ba? Bakit hindi ka nagpaasikaso sa kanya?" Inis na inis na niyang banat.

"You're unbelievable, Lara. Heathe was sleeping. And you know very well that I don't disturb people especially when they are asleep!" Arq responded. Her tone takes up a notch, which means that she's starting to get furious.

And she is, as well. Her hands ball into fists. She may be soft but when treated badly, she retaliates. Honestly, she wants to channel her inner Luci now and see how Arq will react about it. Will she stay bitchy towards her?

Sa lahat ng pagkakataong iniinis siya ni Arq ay ito na yata ang pinakamatindi. Hindi siya natutuwa sa inaasal nito lalong-lalo na sa pagtatanggol nito sa dating kasintahan. Kahit wala siyang karapatan dahil hindi naman totoo ang kanilang relasyon, nabalewala pa rin ang kanyang damdamin.

Because she cares, for Christ's sake! And she's hoping that Arq will notice it. But it looks like she'll just keep on hoping forever.

She hates it when her anger turns into tears. She's trying not to meltdown in front of Arq or else she's gonna say things she'll definitely regret in the end. That's why before it happens, she turns around and walks toward the door.

"Where are you going? Is it right for you to leave your girlfriend in this state?" Arq hollered behind but she refused to listen.

Diri-diretso na siyang lumabas sa silid. Naabutan niya si Shakira na nakatayo sa labas na tila nakikinig sa pag-aaway nila ni Arq. Tinaasan niya ito ng kilay atsaka nilagpasan. Wala siyang pakialam kung narinig nito lahat. Siguradong tuwang-tuwa na ito at iniisip na maghihiwalay na sila ni Arq.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now