╰7th Catch╮

5.6K 172 3
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰7th Catch╮ 

.. LARA ..

NORMAL day.

Normal day.

Normal day.

She prays for a normal day today.

That's all, Lord. No more Savage on my way. No more Arq looking at me with her piercing stares. In short, no more trouble.

Pagparada pa lang ng sasakyan sa parking ground ay nag-umpisa nang mawala ang lakas ng loob na inipon niya mula kahapon. Parang bulang biglang naglaho at para bang nais niyang maisuka ang lahat ng nasa kanyang kalamnan dahil sa sobrang kaba. Nanginginig ang kanyang katawan habang mahigpit na napahawak sa sling ng kanyang bag.

Pababa na si Pearl nang pigilan niya ito. "Pearl, saglit."

Lumingon sa kanya ang kapatid pero wala naman itong sinabi. Sa totoo lang ay nahihiya siyang sumabay dito dahil alam niyang mag-iisip na naman ito nang hindi maganda. Kilala siya nitong maarte, masungit at lahat na 'yata ng negative attitude ay nakadikit na sa kanya, kaya alam nito na kayang-kaya niyang mapag-isa.

Pero ngayon?

°Kailangan mo ba talagang magpa-rescue sa kapatid mo?°

She sighs then shakes her head. "Nothing. I'm sorry. Just go."

Nagkibit-balikat na lang ang kanyang kapatid bago ito tuluyang bumaba ng sasakyan. Siya naman ay naiwan nang hindi alam ang gagawin. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya mula sa rearview mirror ang nagtatakang ama.

"Anak, may problema ka ba?" Kunot-noong tanong nito.

"Nothing, dad. I'm just having a hard time adjusting." She responded, which was half-meant true.

Bumuntong-hininga ang kanyang ama. "I'm sorry, baby kung nahihirapan ka. Pero isipin mong pare-pareho lang tayong nag-aadjust. Hamo't lilipas din ang mga araw at hindi mo mapapansing nag-eenjoy ka na pala."

Ngumiti na lang siya. Lumapit siya sa ama para bigyan ito ng halik sa pisngi. "I'm going. Ingat ka, daddy."

"Salamat. At kayo rin ni Pearl. Behave."

Tumango-tango siya at tuluyan nang lumabas ng kotse. Hindi naman pwedeng manatili lamang siya sa loob ng kanilang sasakyan sapagkat mahuhuli siya sa kanyang klase. Hindi rin siya maaaring lumiban, malalagot siya sa kanyang daddy.

Nakita niya pang kumaway ang kanyang ama nang lingunin niya ito pagbaba niya. Nakatingin lamang siya dito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.

Bagsak ang kanyang balikat na papasok sa RDGU. Paano na lang ba niya sasabihin sa kanyang ama na ayaw na niyang ipagpatuloy ang pagpasok sa university? Gusto na niyang lumipat na lang o kaya next year na lang niya tapusin ang college kung imposible na siyang makalipat.

Basta, ayaw na niyang pumasok.

Para siyang pinagsukluban ng langit at lupa habang pahakbang papasok sa university field. Naisip niyang mas mahirap pa ang pinagdaanan ni Andy na three years na walang kaibigan sa RDGU pero nagagawa pa rin nitong pumasok. 

Not minding the other students.

She's exactly like that.

But with the Savage around, only makes her want to run away and hide until they are all gone. 

Doon siya sobrang natatakot. Sa mga nakalipas na taong nagsusungit-sungit siya ay bigla na lang nawalang parang bula nang makilala niya ang grupong iyon.Parang hindi uubra ang pagiging atribida niya sa eskwelahang ito.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now