╰37th Catch╮

4.2K 166 9
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰37th Catch╮

"DO you know Baybayin?"

Naguguluhan siyang tumingin kay Arq. Sa sobrang kahihiyan na nadarama, hindi niya alam kung nagsalita ba ito o hindi. "Huh?"

Arq smiles. "These symbols are Baybayin alphabets." She starts explaining as she points to her tattoos. "...this is my first tattoo, my first name."

Napatango siya. "Kaya pala hindi ko maintindihan pero familiar 'yong symbols. Elementary days." Aniya sabay tawa. Pero sa totoo lang, pakiramdam niya ay ang engot niya sapagkat hindi niya man lamang nalaman na Baybayin pala ang mga simbolong iyon. "...ang cute. Bakit naman 'yan ang naisip mong ipa-tattoo, at sa may puson pa?"

"I was only first year highschool when I got this one. It was a dare. Dapat nga sa batok kaya lang magagalit si dad kapag nakita niya. Kaya dito na lang dahil wala namang tendency na iche-check ni dad 'tong puson ko."

"Ang hilig mo sa dare, 'noh?"

"Hindi naman. Mahilig lang ako sa adventure."

"E, 'yong sa likod mo? Dare din ba?" Dagdag niya nang maalala na may iba pa pala itong tattoo na nakita niya.

"Oh!" Arq exclaims. "...my second tattoo. The Hawk, for being one of the Silver Hawks' members. The third one is the hourglass, denoting how much I value time. And lastly, the World Map on a compass. It has dots on it for the places I've been." She thoroughly explained before turning to face her. And then she continues, "My name is Rogue, a Hawk that glides around the world to appreciate its beauty that's worth my precious time. Ayan ang ibig sabihin ng mga tinta ko sa katawan."

Nakakamangha ang kumpletong paliwanag nito. Bukod doon ay natutuwa rin siya dahil sumagot ito sa kanyang tanong na parang too personal na nga kung tutuusin.

"Ang galing naman. Akala ko trip mo lang magpa-tattoo."

Nagkibit-balikat ito, "After my name, naisip kong magpa-tattoo ng trip ko lang. Mabuti na lang, hindi ko na tinuloy. 'Coz I realized that it wouldn't be worth it."

"Okay. Bakit wala ka pa 'nong para sa Classy Ladies?" Naalala niya na Queen ito ng naturang sorority, kung saan din sana sasali si Pearl.

Kung meron itong tattoo ng Silver Hawks dapat meron din itong para sa Classy Ladies.

"Hindi ko pa kasi alam kung paano ko isisingit ang Classy Ladies sa mga tattoo ko."

"Buti naman hindi ka nagpa-tattoo ng pangalan ni-" Huli na para mapagtanto niya ang napipintong katanungan.

Masyadong matalino si Arq para hindi nito makuha ang ibig niyang itanong kahit pa nagawa niyang huminto.

"Shakira." Dugtong nito.

Marahan siyang tumango.

"Almost. Because she was insisting. Ayoko ng ganon. Ayoko talaga sa lahat ay 'yong inuutusan ako." Sagot nito na may halong konting inis.

Subalit hindi niya pinansin ang inis nito nang may tanong na bigla na lang umusbong sa kanyang isipan. Ako kaya?

°Hoy, Lara! Ano'ng ikaw? Ma-feeling ka talaga!°

There's a part of her that wants to know more about Arq- at this very moment. Because it looks like she's willing to answer it all and she wants to take advantage of it. But realizing that Arq has the ability to shift her mood frequently, she chooses not to ask for more.

Arq is staring at her and seemingly wants to say something when interrupted by the ringing of her phone. In haste, she ascends from the water and picks up her clothes from the bank. At the same time, her eyes follow the divinity that Arq possesses.

Caught by a Beast [GxG]On viuen les histories. Descobreix ara