╰46th Catch╮

3.9K 174 46
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰46th Catch╮

NAPABALIKWAS siya ng bangon para lang masalubong ang nakasimangot na itsura ni Arq. Nakatayo ito sa tabi ni Yuan, malapit sa pinto ng kanyang silid. At mukha na ulit itong malakas kahit pa may nakasuportang arm sling sa braso nito.

Dahil gusto niyang panindigan ang pagiging matigas ay sinimangutan din niya ito. "Mabuti naman nakalabas ka na."

"And thank you for staying asleep while I'm being discharged."

She rolls her eyes as she flops back to bed.

"Get up. We're going out." Maotoridad na utos nito.

"Kalalabas mo lang ng ospital gusto mo na kaagad maggala?" Reklamo niya habang nakahiga pa rin.

Nang hindi ito sumagot ay inakala niyang tinigilan na siya nito. Subalit nagulat siya nang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang braso kasabay ng pwersahan nitong paghila sa kanya patayo.

Itinapat nito ang bibig sa kanyang tenga sabay bulong ng, "Are you going to get up or do you want me to stay here for a week?"

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito. Seryosong-seryoso ang itsura nito kaya sa tingin niya ay kailangan na niyang sumunod.

Therefore, she, ends up coming along with them.

Sa katunayan pa nga ay sobrang binagalan na niya ang pagkilos para mainip ang mga ito at umalis na lamang pero wa-epek. Talagang nagtyaga ang mga itong maghintay at kahit na panay ang pag-irap sa kanya ni Arq ay hindi pa rin nito nagawang umalis.

Paglabas nila ng bahay ay napansin niya ang hindi pamilyar na sasakyan kung saan kaagad sumampa si Yuan sa driver's seat; kasunod nito ay si Andy.

Siya naman ay walang nagawa nang hilahin siya ni Arq sa back seat. Wala rin naman siyang pagpipilian kaya kahit hindi siya nito pwersahin ay sa likuran talaga siya uupo.

Wala silang imikan ni Arq samantalang napakadaldal naman ni Andy habang sila'y nasa byahe. Pansin niyang kung ano-ano na lang ang dinadaldal nito. Marahil ay para hindi awkward ang kanilang byahe.

Hindi pinagkaabalahan ng mga itong sabihin sa kanya kung saan sila pupunta kaya wala siyang kaide-ideya. Ayaw naman niyang magtanong kay Arq dahil siguradong babarahin lang siya nito. Kung hindi lang siya magmumukhang salbahe ay tiyak na kanina pa niya sinapak ang braso nitong nakabenda. Sobra-sobra na ang pang-iinis nito sa kanya simula pa kahapon at hindi pa siya nakakabawi.

"Saan tayo, Arq?" Tanong ni Yuan na nakapagpatigil sa kanya ng pag-iisip na makapaghiganti kay Arq.

"Left." Tipid nitong sagot.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang kanang braso nitong umakbay sa kanyang balikat. Kasunod no'n ay ang marahan nitong pagpapaurong sa kanya sa tabi nito.

Pero dahil sutil at pabebe siya'y nagmatigas siya sa kinauupuan. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang saglit na napatingin sa kanya si Arq bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Ito na lang din ang umusog para matabihan siya nang tuluyan.

°Ano, girl? Arte-arte 'yan?° Nang-aasar na paramdam ng kanyang ego.

Mayamaya ay napansin niyang napapaligiran na sila ng nagtataasang puno at malalagong halaman. Amoy na amoy na rin niya ang sariwang hangin na nakapagpakalma sa kanyang damdamin. Ngayon ay alam na niya kung saan sila papunta.

Admittedly, it's now her favorite place in Georgetown. If she were only allowed to be here by herself, she would definitely spend time just to find her peace of mind. But this is a private terrain and being here means being with Arq, which basically means not having peace of mind at all.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now