PROLOGUE

8.8K 190 31
                                    

Inayos ko muna ang salamin kong nagulo dahil sa pagkakabunggo ng ilang estudyante sa akin. Huminga pa ako ng malalim bago ako naglakad papasok sa university. Madami din naman akong kasabay dahil first day of school palang ngayon.

Another boring year for me. But wait, since nabanggit kong nakasalamin ako, I am typically a nerd student na tingin ng iba, basura lang sa school nato at scholar lang ng mga pulitiko. Pero hindi ako ganon. At least alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga ang antas ng katayuan ko sa buhay.

I choose to stay like this. This is my disguise. Dahil sa likod ng makakapal at malaking salamin nato, natatago ang taglay na ganda na namana ko sa mga magulang ko. Speaking of magulang, I am in a bad terms with my Dad. I choose to study to become a businesswoman someday but they don't want that. They are both lawyers and I am the eldest to the three of my siblings. So ano pa ba ang ineexpect ng iba? Na ako dapat ang susunod sa yapak ng magulang. Mabuti nalang, Mom understands me. Sya ngayon ang sumusuporta sa akin financially and Dad can't do anything about it.

"This is so boring,"

I looked at the woman who seat beside me. She has this boring face but she is indeed pretty. Maya-maya lang, napatingin sya sa akin.

"Stop staring, idiot." She said then started to walked away.

Wait, what? Nakatingin lang ako idiot na? Tsk, ibang klase. Sabagay, sanay naman ako sa mga ganyang klase ng estudyante. Madami na akong naririnig na ganyan kaya yung teinga ko, puno na siguro ng 'idiot, stupid, nerd, trash, cheap,' or whatsoever.

Pagpasok ko ng room, maingay. Andyan yung nagbabatuhan na ng papel first day of school pa lang. Halos wala man lang bagong mukha sa mga kaklase ko. Naaasiwa na nga ako dahil pangatlong taon ko na dito, laging sila ang nakakasama ko buong school year. At syempre, sa loob din ng tatlong taon na yun, hindi parin nagbabago ang tingin nila sa akin. I just shrugged them off. I preferred them.. looking at me with disgust in their eyes kesa naman pisikalin nila ako or in other words, bully'hin nila ako.

"Louise," Caine called me. I shot my eyebrow up.  "Chill, okay? Dito ka maupo." She tapped the vacant chair beside her. Sumunod naman ako agad.

"How's your vacation?" She asked.

I am not comfortable, having a conversation with her. Kahit na magpinsan kami at isang taon ko palang sya nakakasama. I don't know? Maybe nag-aadjust lang ako dahil buong college life ko, I mean buong buhay ko.. I distance myself to other people. Gusto ko lang mag-isa. Introvert kumbaga.

Hindi ko nalang sya pinansin. Tumahimik nalang din tuloy sya. One thing that I like to Caine, she also prefer a quite life. Parehas namin gusto ng katahimikan. Hindi din naman sya madaldal masyado. Minsan lang, pag kinikilig dahil sa crush nya or pag feel nya lang dumaldal.

Tumahimik na din ang buong paligid. Sa sobrang occupied ng utak ko, hindi ko na napansin na nasa harap na yung professor namin at may kasamang babae. I looked away when our eyes meet. I suddenly felt the loud beat of my heart.

This should be normal. Sa dalawang taon ko ba naman syang nakikita, normal na sa akin na ganito ang reaction ng heart ko pagdating sa kanya. One of the main reason is, I like her.

I like Mysty Shane Aviles. The Student Council President of our school.

"—Thank you,"

Nawala nanaman ako sa sarili at tanging yun nalang ang narinig ko sa sinabi ni Mysty. Nakita ko pa syang sumulyap sa akin bago lumabas ng room. Weird.

Dumating ang lunch break, tahimik kami ni Caine na naglalakad sa hallway. Hindi katulad kong nerd ang datingan, si Caine ay nakuha yata lahat ng fashion sense at nagagamit nya iyon ngayon. Every students is eyeing her, like she is some angel that step down from the sky. Sometimes they accused me na nakikipag kaibigan daw ako kay Caine dahil sikat sya sa department namin. Para daw maging sikat din ako. Duh, I don't like popularity. Kasi kung gusto ko, hindi ako magdi'disguise ng ganito. Also, the most interesting thing here is they don't know that we are cousins. Mas gusto ko din na maging nobody sa paningin nila. Napupurnada nga lang dahil kay Caine. Psh.

Missing PieceWhere stories live. Discover now