TWENTY FIVE

1.9K 81 2
                                    

Pagdating sa school, dumiretso ako agad sa shuttle bus na nakapark sa parking lot. Karamihan ng mga kagrupo ko ay nandoon na at kaming dalawa nalang ni Sam ang hinihintay. Pero dahil nandito na nga ako, si Sam nalang tuloy ang kulang sa amin. Lumapit sa akin si Lisa at nakipagbeso sa akin. Napapansin kong madaming estudyante ngayon ang nandito, tinitingnan kaming lahat ng kagrupo ko. May naghihiyawan pa nga, sinasabing 'galingan' daw namin.

"Nabalitaan nilang nanalo tayo kahapon." Lumapit si Via sa aming dalawa ni Lisa habang sinasabi nya sa akin yun. May dala itong supot na may lamang tatlong bote ng gatorade at inabot nya yon lahat sa akin.

"Bigay ng mga supporters mo," Tinaasan ko sya ng kilay hindi dahil sa nagtataray ako. Kundi sa pagtataka. Nagpasalamat naman ako sa pagbubuhat nya nun nung mga panahon na wala pa ako. Pagkatapos ay tiningnan ko ang tatlong malalaking bote ng gatorade na dala ko. Bibigyan ko nga sana sila kaso nga lang, pati din pala sila meron din nagbigay.

"Louise!!!"

Padating ang mga kaibigan ko sa pwesto naming tatlo ni Lisa at Via. Nagpaalam naman agad sila sa akin pagdating nila Caine.

"Galing mo daw kahapon ah!" Joy beamed at me. "Sayang, di kami makanuod." Dagdag nya saka bumusangot.

Tiningnan ko si Mysty na nakatingin na din pala sa akin. Nginitian ko sya na agad din naman nyang tinugunan ng isang ngiti din. Ang dami pang sinabi nila Joy, Eli at Brea. Samantalang si Joey ay isang 'good luck' lang ang kanyang sinabi pero kahit na ganon, ang laking bagay na nun para sa akin.

"Break a leg," walang kalatoy-latoy na sabi ni Caine. Na para bang isang chinese garter lang ang pupuntahan kong laro. Kelan pa ba ako masasanay sa bruha nato?

"Psh, bantayan mo si Mysty ah?" Bulong ko sa kanya na tinawanan nya lang.

Alam nyang umamin na ako kay Mysty pero hindi ko pa iyon naikekwento sa kanya ng buo. Pati narin ang problema ng pamilya namin ay alam na nya pero nanatili syang tahimik sa barkada. Laking pasasalamat ko nalang talaga kay Caine.

Pagkatapos ko syang kausapin, lumapit ako kay Mysty. Nakita nya ang dala kong supot kaya napakamot ako sa aking kilay at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Uh, bigay daw ng ibang estudyante sa akin." Paliwanag ko agad.

"Oh, eto naman ang akin." Inabot nya ang isang paper bag. Tiningnan ko naman agad iyon at tatlong sandwiches ang laman nun.

Napangiti ako agad. Sweet oy!

"Bakit tatlo?" Nakangiti ko paring tanong. "It means I love you ba yun?" Nagbabaka sakali kong tanong pero tinawanan nya lang ako.

"Malalaman mo pagkatapos ng finals game nyo."

Naintriga tuloy ako. Kukulitin ko pa sana sya ng tawagin na ako ni Sam at inaaya ng sumakay sa shuttle bus. Psh, akala mo naman hindi late! Nahiya ako sa kanya ah.

"Sige na, Louise." She said.

"Okay, kiss ko?" Huling biro ko sa kanya bago ko sya tuluyang layuan.

Akala ko nga tatawanan nya ako ulit katulad ng nakagawian nyang gawin pero hindi. Hinila nya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya. Niyakap nya ako at hinalikan pa sa pisngi. Pagkatapos nun ay binulungan nya ako ng 'good luck' sabay kindat sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa pisngi kong namumula na. Ang init shet. Naghiyawan ang mga tao sa paligid, mas lalo na ang mga kaibigan namin.

Hanggang sa pagsakay ko ay ramdam ko ang pamumula at hindi ko parin mapigilan na ngumiti. Tuloy ay pati nadin ang mga grupo ko ay tinutukso na ako.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon