SEVENTEEN

2.1K 89 9
                                    

Dala ang sports bag ay tinahak ko ang daan papuntang wash room para magpalit. Nilalagay ko ang mga gamit ko sa locker ng pumasok si Lisa, Captain namin.

"Good to see you here, Louise."

Tipid akong ngumiti at tumango. Hinubad ko ang sando pagkatapos ng uniform ko saka ko kinuha ang jersey ko. Akala ko lumabas na sya pero gulat ako ng makitang nandoon parin sya, nakatayo at nakatingin parin sa akin.. sa tyan ko to be specific. Kahit nakikita nya na napapansin ko ang pagtitig nya doon ay napangisi pa sya sa akin.

"Hot," she said.

Dali-dali kong sinuot ang damit saka sinarado ang locker. "Excuse me," I said ng makarating ako sa pinto. Nakaharang kasi sya sa doon.

"You better give all you've got, Obesco."

Napangisi ako. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanya ngayon. "Trust me with this one, Captain." Kumaway pa ako sa kanya habang nakatalikod at naglakad na.

"Goddess!" As usual, Samantha appeared out of nowhere pagpasok ko palang sa court. Nagwa'warm up na ang lahat kaya ganon nadin ang ginawa ko.

"Akala ko, hindi kana tutuloy!" Daldal parin sa akin ni Sam. Hindi nalang ako umimik at inabala ang sarili sa pag stretching.

Dumating si coach at nagulat pa nga ng makita ako. Talagang kinausap pala sya ni Daddy ha?

"Mabuti naman at nandito ka." Bungad nya, relief is plastered in his face. "Akala ko, susunod ka kay Atty. Obesco," dagdag nya.

"I'm sorry for the trouble, coach." Tipid nya lang akong nginitian.

"Okay, let's start to practice guys."

Pumwesto ako sa loob ng court. Naramdaman ko ang titig ni Lisa sa akin pero hindi ko nalang iyon binigyan pa ng pansin.

Natapos ang practice, dumiretso ako sa wash room at naligo. Paglabas ko ay nakabihis na ako at nadatnan ko nanaman si Lisa na nakaupo sa may gilid. Ang creepy na nya huh.

Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha ang uniform ko, sinilid sa bag. Tiningnan ko ang phone ko, nagtext si Caine na nasa parking lot na sya at hihintayin daw ako doon. Maglalakad na sana ako palabas ng magsalita si Lisa na ikinagulat ko pa.

"I like you," Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. "You really are something. Something that makes my attention divert only to you,"

"Pinagtitripan mo ba ako?" Wala sa sarili kong nasabi.

She shot her eyebrow up then stood up. Dahan-dahan syang lumapit sa akin. Her brown eyes landed on my green eyes.

"Javier Louise," she called me in a serious tone that giving me shiver down to my spine. "If ever you made up your mind, thinking to be my girlfriend.. just let me know." She said then smirk at me.

Tiningnan ko lang sya na para bang nahihibang na saka ko sya iniwan sa wash room. At sa pangalawang pagkakataon, ay nagulat nanaman ako pero hindi sa iisang tao kundi kay Mysty na ngayon.

"Mysty," tawag ko sa kanya ng makabawi.

"Ang tagal mo, naghihintay na kami sa parking lot." Sobrang seryoso nya ngayon.

"Kayo? Why? I thought Caine will be the one whose waiting at me?"

She glared at me. Ang kanyang noo ay nakakunot na. The eff? What's wrong with her?

"Sabihin mo lang kasi kung makikipaglandian ka pa sa loob para hindi kami mukhang tanga na naghihintay sayo."

Ang mga isip ko ay naguguluhan na sa kanyang sinasabi. Para syang girlfriend ko na nagse— no. Don't assume things, Louise.

Missing PieceWhere stories live. Discover now