THIRTY THREE

1.6K 64 4
                                    

I heaved a sigh and slowly closed my eyes, letting the cold breeze touch my face. After that, my memories with my girlfriend, Mysty started to flashed on my mind. I suddenly smiled bitterly because of that.

For the past few days, I've been having an sleepless nights because of her. Mysty is avoiding me for the past five consecutive days. I don't know the reasons why, but I let her be. I'm tired, really. Ni hindi na nga namin napag-usapan ang nangyari nung monthsary namin. Kasi kapag magtatangka akong kausapin sya, iniiba nya ang usapan hanggang sa iniiwasan na nya ako. Naubusan na kasi ako ng pasensya na hintayin syang magpaliwanag sa akin. Yung kusang pagpapaliwanag nya about doon, hindi na nangyari. I deserve an explanation but that explanation didn't happen.

Nababaliw na ako kakaisip kung anong problema nya sa akin. Kasi sa totoo lang, sobra na akong nago'overthink sa nangyayari. Dalawang linggo na lang, lilipad na ako papuntang States. Gusto kong makasama si Mysty sa natitira ko pang araw dito sa Pinas. Pero paano? Kung sya mismo, iwas ng iwas sa akin.

"Louise,"

Napamulat ako ng mata. Nakatayo sa harapan ko si Lisa, blangko ang tingin habang nakakrus ang kanyang braso sa dibdib nya.

"What is it this time?" I remain calm and steady. Nakaupo ako sa duyan dito sa may park. Kanina pa ako nandito, nag e'emote.

Lisa is always bugging me. Simula nung nalaman nyang may problema kami ni Mysty, sinasamahan na nya ako palagi. Madalas din, tinutulungan nya ako na makipag-ayos kay Mysty pero palagi kaming bigo dahil hindi man lang kami nagtatagumpay doon. Laging nakakaiwas si Mysty at kapag pinipilit ko, nag-aaway na kami. At ayokong mag-away kami sa school dahil hindi iyon ang tamang lugar para mag-away kaming dalawa. Bukod sa madaming makiki usyoso, ayoko namang maging laman ng chismis kaming dalawa ni Mysty.

"Sumama ka sakin," sobrang seryoso nya ngayon kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Nagsimula syang maglakad kaya sumunod ako at pumasok nadin sa kotse nya. Binaybay namin ang daan ng tahimik. Hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant. Sinamaan ko nga ng tingin yung katabi ko na ganon parin ang reaksyon kanina pa.

"Kakain lang pala tayo kung makapagsalita ka, akala mo naman may gyera tayong pupuntahan." Inis akong lumabas sa kotse nya. Kinabahan pa naman ako kanina tapos malalaman ko, gutom lang pala sya at gusto lang kumain.

"Ewan ko lang kung makakakain kapa pagpasok natin." Isang salita lang ni Lisa sa akin, ilang boltahe na ng kaba ang naramdaman ko. Ewan, para kasing may laman ang sinabi nya. O napapraning lang ako?

Pagpasok namin, dumiretso kami sa isang table na may dalawang upuan lang. Nag-umpisang umorder si Lisa. Ni hindi nga man lang ako tinanong kung ano ang akin. Basta nalang syang umorder ng para sa akin.

"Wag mong pairalin ang ugali mong pangdededma sa paligid Louise," I raised my brow because of that. Ang weird nya ngayon ah? Pero sya din, tinaasan nya ako ng kilay. Aba, nagpapataasan pa kami ng kilay talaga sa lagay nato?

"Lisa, you're creeping me out," Prangka kong sinabi pero ang isa, nagkibit balikat lang.

Pagdating naman ng pagkain, tahimik namin iyong pinagsaluhan. Naudlot lang ng tumingala si Lisa at tumingin sa likod ko.

"Fancy seeing you two here," is it me? Or I clearly heard how sarcastic her voice is? Tsk, mukhang paiiralin yata ni Lisa ang bitchy attitude nya ngayon. And now she's staring at my back blankly.

Nanatili akong nakatingin sa kanya, tila ba naguguluhan parin at nagsisimula ng kabahan din. I have this feeling that somethings will bad happen today. Lumingon tuloy ako sa likod ko.. na dapat ay hindi ko na ginawa pa.

Missing PieceWhere stories live. Discover now