THREE

3.1K 119 9
                                    

Tamad na tamad kaming magpunta ni Caine sa locker namin para magpalit ng P.E uniform. Wala naman akong problema sa subject. Yung gagawin lang namin sa subject na yun ang problema.

Lumabas ako sa cr matapos magpalit. Kasunod ko lang din si Caine. May narinig pa nga kaming sumipol sa gawi namin. Inikutan lang tuloy ni Caine ng mata. Panong hindi gaganon ang ibang lalaki e nakasuot ba naman kami ng P.E shorts namin. Kita tuloy ang mapuputi naming binti. Hindi din ako nakasalamin ngayon dahil baka mabasag lang ulit. Volleyball kasi ang gagawin namin ngayon.

I used to play that in high school. Nagiging MVP pa nga ako. Tumigil lang ako nung 4th year high school na ako. At nung umalis na ako sa poder ng pamilya ko nung nagsimula akong magcollege. Meron parin naman naghahanap sa akin, madalas mga coach ng ibang school. Hindi nila alam na tinatago ko nalang ang itsura ko bilang nerd. Kaso, mukhang hindi mangyayari yun ngayon dahil baka may mga schoolmate ako dito nung high school na mamukhaan ako. Lalo na at wala pa akong suot na salamin.

'Hala, si nerd ba yan?'

'Grabe 'tol, ganda din pala ni nerd e.'

'Mas maganda padin si Caine! Ang sexy oh.'

"Dumbass," bulong na asik ni Caine.

Umupo kami sa gilid ng court sa may bench. May dala kaming bag nandoon ang kailangan namin para sa larong 'to. Nasulyapan ko pa nga ang grupo ni Mysty. Ayan nanaman ang asaran at tila ba palagi kong napapansin na si Mysty ang inaasar nila. Yung isa, tinuturo pa ako. Nailang tuloy ako. Konti nga lang hehez.

Ang mga lalaki ay sa basketball napunta kaya umalis na sila ng magsisimula na kaming maglaro. Kakampi ko si Caine at si Joy pati narin ang iba ko pang blockmates. Nasa kabila naman si Mysty pati narin ang tatlo pa nilang friends. Mukhang si Joy lang ang nahiwalay sa kanila. Nagkatinginan pa kami ni Mysty. Tipid ko lang syang nginitian. Hindi ko alam kung malabo lang ba talaga ang mata ko pero nakita kong namumula ang mukha nya ngayon. Tuloy ay panay nanaman ang asar sa kanya ng tatlo nyang kaibigan.

Nagsimula ang laro. Hindi na ako nahiya pang ipakita na may ibubuga talaga ako sa larong 'to. Nabibigla pa nga yung Professor namin dahil akala nya, isa akong volleyball player ng campus. Sa huli, kami ang nanalo at natambakan namin ang grupo nila Mysty. Nagtalunan ang mga kagrupo ko. Si Caine ay nag 'good job' lang sa akin at nag thumbs up. Mas nagulat ako kay Joy dahil lumambitin pa sya sa akin. Pakiramdam ko tuloy may nabaling buto sa leeg ko.

Natapos ang P.E namin at pumabor sa amin ang panahon dahil wala ang Professor para sa next subject namin. Pwede na din pala kaming umuwi dahil last subject na namin yon.

"Paano naman kasi magkakaroon ng progress yang nararamdaman mo sakanya kung hindi ka aamin?" Tila ba hirap na hirap si Joy sa sitwasyon ko.

Oo, alam na nyang may gusto ako kay Mysty. Grabe naman kasi ang ginawa nya para lang mapaamin ako! Balak ba naman sabihin kay Mysty kahit na hindi pa nya nakukumpirma sa akin! Yun tuloy napa amin na ako ng wala sa oras.

"Wag kana kasing makialam sa feelings ko. Ako ng bahala dun," Tinupi ko ang PE uniform ko bago ko ipasok sa bag saka sinarado ang locker.

"Gusto mo bang tulungan kita?" Malawak ang ngiting iginawad ni Joy sa harap ko.

"No thanks," sumandal ako sa locker. Kaming dalawa nalang ang tao ngayon dito dahil si Caine nauna na sa parking lot. Ewan ko lang kila Mysty at sa iba pa nilang kaibigan.

"Ay di pwede yan! Dali na, kasi!" Mas lalo syang lumapit ng sya naman ang nagsarado ng locker nya. Medyo kabado ako ngayon sa totoo lang. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito e.

Missing PieceKde žijí příběhy. Začni objevovat