FORTY THREE

1.7K 47 3
                                    

Maraming ng tao ang gumagala at tumitingin sa mga tyangge pagdating namin. Mga katulad din naming turista at ang iba ay mga foreigners. Sa sobrang excitement nila, nagkanya-kanya kami pagdating dahil may mga gustong kaming puntahan.

Dumiretso ako sa mga tindahan ng stuff toy at pinulot si spongebob. Favorite ko kasi 'to.

"Nanay, how much po ito?" Tanong ko sa tindera habang nakahawak kay spongebob.

"200 nalang yan Miss," humugot naman ako ng 200 bill sa wallet ko saka ko iyon binigay sa kanya.

Tuwang-tuwa pa akong nakatingin sa hawak ko pagtalikod ko. Nawala nga lang iyon at napalitan ng gulat ng makita ko si Mysty sa harap ko ngayon.

"Pwede bang sumama sayo?" Tanong nya.

Gusto ko man sabihin na ayoko dahil hindi nanaman ako magiging kumportable ay mas pinili na lang na wag sabihin. Kaming dalawa nalang kasi ang walang kasama dahil siguro, iniwan sya ng mga kaibigan namin.

Napakurap pa ako bago ko sya sagutin. "Sure,"

Nagpunta kami sa mga keychain. Since hindi naman ako mahilig sa ganon ay hinayaan ko si Mysty na pumili at bumili doon. Nakabili naman sya agad at palapit na sa akin ngayon.

"Eto oh," nilahad nya sa akin ang isang keychain. Nagtaka pa nga ako dahil isa iyong puso na kalahati lang.

"Tsk, bakit 'to? Wala bang iba?" Inis kong sinabi. Nananadya yata 'to e. Talagang tugmang-tugma sa puso ko ngayon e.

"Psh, nagreklamo kapa. Ingatan mo yan," pagkasabi nya nun ay naglakad na ulit sya. Aba't may balak pa yatang iwan ako dito!

Kahit nagtataka na sa mga asta nya ngayon ay hinayaan ko nalang. Mas okay na siguro na ganito muna kami kaysa kanina na konti nalang, mag-iiyakan na kami.

"Bagay ba?" Bungad nya sa akin pagdating ko sa tindahan ng mga sumbrero. Kumuha sya ng isang black cap. Tumango lang ako sa kanya. Kumuha naman sya ng white cap at sinuot iyon sa akin. "Yan, bagay din sayo." Nakangiting ani nya.

Wala sa sarili na din tuloy akong napangiti. Grabe, sa ngayon wala muna akong iisipin kung di kami lang ni Mysty. Pagbibigyan ko munang sumaya ang sarili ko kahit sa pansamantalang oras lang. Alam ko kasing pagtapos ng gala na ito, hindi na kami magiging ganito kaclose ulit.

Hinila ko sya agad matapos nyang magbayad ng makakita ako ng nagtitinda ng ice cream. Medyo marami pang bumibili kaya dumistansya muna kami ng kaunti at pinatapos muna sila.

"Para kang bata," sita nya sa akin.

"Bata pa naman talaga ako," sagot ko naman.

Hinila ko sya ulit palapit kay Manong saka ako bumili ng strawberry flavor para sa kanya at avocado flavor naman para sa akin. Masaya namin iyong kinain habang nagtitingin kami ng mga paninda.

"Look oh," tinuro nya ang isang bracelet paghinto namin sa isang tindahan.

Hinawakan nya ang kamay ko saka kami lumapit pa sa mga nakadisplay na bracelet. Libo-libong boltahe tuloy ang naramdaman ko habang hawak nya parin ang kamay ko. Nag-umpisa na ding bumilis ang tibok ng puso ko. Samantalang yung kasama ko, wala man lang kamalay-malay sa nangyayari ngayon sa akin at masaya pang pumipili ng mga bracelets.

Nagdaan ang ilang oras, madami na kaming plastik na hawak. Kada bili nya, palagi syang may binibigay sa akin na tinatanggap ko naman sa huli. Ako nga isang spongebob lang ang nabili ko. Samantalang sya, halos buong paninda yata ng mga nagtitinda dito, binilan nya.

Pagod tuloy kaming napaupo sa isang upuan na nadaanan namin. Binigyan ko sya ng tubig na nabili ko kanina. Uminom naman agad kami. Ang hagod ng lamig na tubig mula sa lalamunan ko ay nagpaginhawa sa akin. Grabe din ang init ngayon kaya tagaktak na din ang pawis namin. Mabuti nalang may kanya-kanya kaming dalang panyo.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon