EPILOGUE

4.5K 137 19
                                    

Mysty Shane Aviles

"Get up, sleepy head!"

Naalimpungatan lang ako dahil sa isang nilalang na nang-aabala ngayon ng tulog ko. Argh. Puyat ako dahil alas tres na ako ng madaling-araw nakatulog! Sobra pa naman ang topak ko kapag kulang ako sa tulog.

Habang nakapikit, kinuha ko ang unan sa gilid ko at tinakip iyon sa ulo ko para hindi na marinig si Joy na syang nagbubunganga ngayon sa kwarto ng condo ko.

Maya-maya lang ay nawala na ang ingay sa paligid kaya napahinga ako ng maluwag. Aayos na sana ako ng pwesto para matulog muli ng biglang may humila ng paa ko paalis sa kama ko!

"What the fuck!?" Singhal ko habang masamang nakatingin kay Joy na tawa ng tawa ngayon.

Hinawakan ko ang pwetan ko na medyo sumakit na dahil sa pagkakasalampak nito sa sahig. Mabuti nalang at may carpet!

"We need to go to Paris!" Excited nyang sinabi. Hindi ko sya pinansin at nahiga muli sa aking kama. Bahala sya dyan.

"Tsk, sige iwanan kana namin! Sayang naghihintay pa naman doon si Louise,"

Napamulat ako bigla ng mga mata at natatarantang bumangon. Nakita ko si Joy na paalis na sa kwarto ko kaya mabilis akong kumilos na ultimo si the flash ay mahihiyang makipag sabayan sa akin. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa paglabas. Napaharap naman sya sa akin agad at ngayon ay nakangisi na ang bruha.

"What did you say?! I heard it right, didn't I?" Paninigurado ko.

Ramdam ko na may muta pa ako sa mga mata ko at alam kong ang gulo na din ng buhok ko ngayon. Mukha na akong katawa-tawa sa harap ng best friend ko pero wala na akong pakialam doon dahil ang atensyon ko ay nasa sinabi nya kanina.

"Yes, kaya kumilos kana. May tatlong oras pa tayo bago ang flight natin," pagtatapos nya sa usapan kaya dumiretso ako sa banyo agad at naligo.

It's been a week after her contract ends. Sa loob ng apat na buwan, talagang hindi kami nawalan ng communication. Para nga kaming teenagers kung makaasta. Ang daming kilig moments na nangyari kahit na nga ba thru face time palagi ang way ng pag-uusap namin. At syempre, hindi nawawala ang pagtatalo at tampuhan but we we're matured enough to fix things before our conversation ends.

No one can describe how happy I am. For the past four months, I felt completed and contented. Alam mo yun? Yung kahit hindi mo pa sya personal na nakikita at nakakasama.. masaya kana. Pakiramdam ko, wala na akong hihilingin pa. Heto yung pakiramdam na hindi ko mahanap noon. Tanging kay Louise lang talaga ako makakaramdam nito. Hindi sa ibang tao, o kay Wayne.. kundi sa kanya lang. I guess it's because I am so damn inlove with her and nothing can change my feelings towards her since the day that we've been first officially together. I did horrible things in the past to her pero si Louise.. hindi nya hinayaan na sisihin ko ang sarili ko sa lahat ng pasakit na ginawa ko sa kanya. She never let me feel that way dahil lahat daw ng nangyari ay may dahilan. Of course, I do agree also to her. Lahat naman ng dahilan na nagawa ko, valid. Halos lahat nga doon, hindi para sa aking sarili kundi para sa kanya o sa pamilya ko. Ganoon na nga ako ka'selfless noon.

Pero ngayon.. lahat ng desisyon ko sa buhay ay yung talagang para sa akin lang. Yung alam kong makakabuti at magpapasaya sa akin.

Pagdating namin sa Airport, nandoon na din ang iba pang kaibigan namin. Halos lahat sila ay aware na sa Paris ang punta namin. Tanging ako lang ang lutang at naguguluhan pa sa nangyari. Hindi naman kasi ganito ang plano ko ngayong araw eh. Wala sa usapan namin na magpuntang Paris ngayon. Pero dahil nga sa nandoon si Louise.. kahit magtira pa kami ng isang buwan doon, ayos lang basta kasama ko sya. Ay harot.

Missing PieceWhere stories live. Discover now