FORTY SIX

1.7K 52 2
                                    

Tumingala muna ako sa building sa may harapan ko bago ako bumuntong hininga at nagpasyang maglakad na papasok sa loob. Halata sa tindig at ganda ng kumpanya kung gaano ito kalaki. Mukhang maayos nya itong napapatakbo ah? Nakakaproud lang na malayo na ang narating nya ngayon. Talagang nagagamit nya ang kursong tinapos nya. Mas pinili kong dito ubusin ang libre kong oras dahil gusto ko syang makasama.

"Good afternoon," bati ko sa isang babae pagdating ko sa lobby. Napatingin naman ito sa akin. "Can I talk to Ms. Mysty Aviles?"

"Do you have an appointment with her, Ma'am?" Tanong naman nito sa akin.

Napakamot naman ako sa aking kilay. "Uh, ano kasi, wala e. Can you please contact her nalang?" I asked.

Agad naman itong tumalima. Maya-maya lang ay may kausap sya. "Ah, Ma'am ano pong name mo?"

"Javier Louise Obesco," Sinabi nya iyon sa kanyang kausap. Ilang saglit pa ay binaba na nito ang telepono.

"19th floor po, Miss."

Nagpasalamat muna ako bago ako dumiretso sa elevator at pinindot ang floor na sinabi ng babae. Mabuti nalang at hindi siksikan sa elavator. Mag'lunch time narin kasi kaya siguro puro palabas na ang mga tao.

Nandito kasi ako para ayain syang kumain. Tutal, wala pa naman akong gagawin ngayon. Taimtim pa nga akong nagdadasal na sana, pumayag sya sa akin na sumama.

Pagdating ko sa tapat ay nagtanong pa ang marahil ay secretary nya kung sino ako. Sinabi ko naman kung anong pangalan ko pagkatapos nun ay hinayaan na nya akong buksan ang office ng boss nya.

Doon ko naabutan si Mysty na nakakunot ang noo habang nakahawak sya sa kanyang sentido. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Hi, babe." I greeted her. Tila ba hindi nya iyon narinig at nanatili sya sa kanyang posisyon.

Lumapit ako sa gilid nya at hinalikan ang kanyang ulo. Mabilis nya akong naitulak pero hindi naman ganoon kalakas. Napaatras lang ako ng dalawang hakbang.

"Louise!" Nagugulat nya pading sinabi. "What are you doing here?"

"Let's eat lunch,"

"No. Just go and don't come here again,"

"Edi oorder nalang ako," umupo ako sa couch saka nagtipa sa phone.

"Please Louise, not now." Pagod ang aking napapansin sa kanyang boses.

"Just let me be, okay? Puro ka trabaho, malilipasan kana ng gutom nyan eh." Inis kong sinabi.

Wala na syang nagawa pa kaya nanahimik nalang ito. Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain at inaya ko na sya sa couch. Kusa naman syang sumunod din.

Tahimik kaming kumain na tila ba hindi kami magkakilala. Lahat ng inorder kong pagkain ay sya halos ang nakaubos. Ayos lang naman sa akin dahil mas gusto ko nga iyong mangyari.

Nagstay na din ako maghapon sa office nya. Nung una ay naiinis pa sya dahil nandito pa ako. Hanggang sa sya na din ang nagsawa at hinayaan nalang nya ako. Hindi naman ako nag-iingay o malikot. Nanatili lang akong nakaupo sa couch, nakatitig sa cellphone. Kaso, hindi din nagtagal ay nagsawa na ako at inilapag nalang ito sa mesa at pinikit na ang mga mata ko, hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising ang diwa ko pero nanatili parin akong nakapikit. Napansin ko ang marahang paghaplos ng isang kamay sa mukha ko. Mabilis ko itong hinawakan at pinag stay iyon sa pisngi ko. Ang libo-libong boltahe na hatid ng kamay nya sa akin ang nagpapabilis ng tibok ngayon ng puso ko. Pero sa kabila noon ay napangiti pa ako dahil sa init na binibigay ng kamay nyang iyon.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon