THIRTY ONE

1.8K 71 5
                                    

I'm facing back and forth infront of Lisa whose now busy looking at my books. We're here at my apartment. Nagulat nalang ako ng sumulpot sa pinto si Lisa at sinabing pupunta kami sa parents nya. Napag-usapan naman na talaga namin yon kaso nga lang, nabigla ako na ngayon na mismo iyon mangyayari! Wala man lang pasintabi tong babaeng 'to!

"Para kang girlfriend ko na ninenerbyos dahil makikita mo na ang parents ko," binaba nya ang librong hawak nya saka nya ako inirapan.

"Paladesisyon ka," inis kong sambit. "Malay ko bang ngayon mismo? Duh, I'm not ready!"

"Aalis din sila agad mamaya papuntang Paris kaya ngayon na kita ipapakita sa kanila."

Nakaligo naman na ako kaya nagpasya nalang akong magbihis na. Medyo natagalan pa nga dahil sa pamimili ng susuotin. Kung hindi lang nagreklamo ang kasama kong nasa sala baka abutin ako ng siyam-siyam dito sa kwarto.

Pagdating namin sa bahay nila, pinaupo ako ni Lisa sa sala nila at ang bruhang babae, iniwan ako doon at hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Tuloy ay ang nerbyos na nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan lalo na at mag-isa nalang ako ngayon.

"Hi gorgeous,"

May dumating na isang lalaki. Naka business attire pa nga. Napatayo tuloy ako at bahagyang napayuko.

"Good Afternoon po, Mr. Wilson." I smiled at him. Pero sya, hindi nya ako nginitian kundi niyakap nya ako ng mahigpit. Naiwan akong gulat pero agad din namang nakabawi dahil sa naisip.

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ganito ang Tatay ni Lisa. Malamang kilala nila talaga ako dahil sila mismo ang mas nakakaalam kung kanino napunta ang puso ng kanilang anak na si Lyda.

Naghiwalay kami. May butil pa ng luha ang kanyang kanang mata kaya pinunasan nya agad iyon saka sya tumawa. Kahit bakas na ang katandaan ay hindi parin maipagkakaila ang kagwapuhan nitong taglay. Alam ko na agad na sya ang Tatay ni Lisa dahil magkahawig silang dalawa ng taong nasa harap ko ngayon.

"Oh, we have a visitor!" Sumulpot naman si Mrs. Wilson pero agad nawala ang sigla sa boses nya ng makita nya ako ng tuluyan.

"Good Afternoon po, Mrs. Wilson."

Katulad kanina, niyakap nya din ako. Mas mahigpit kumpara sa kanyang asawa. Naramdaman ko din ang mahina nyang paghikbi senyales na umiiyak sya. Sakto naman ang dating ni Lisa mula sa itaas.

"Mom, Dad," Bati nya sa magulang at nakipagbeso. "She's Louise. I bet you knew her already," she added.

"Of course. I'm glad you found her." Her Mom is still crying but she has this genuine smile in her face.

Dinala nila ako sa garden. Madaming pagkain ang pinadala ng Ginang sa amin. Ang mga mata ng magulang ni Lisa ay hindi man lang mawaglit sa akin. Madalas tuloy ay nakakaramdam na ako ng pagkailang.

"Mom, Dad! Stop staring at her,"

Natawa silang dalawa. "I'm sorry, we can't help it dear," Her Mom is now sipping at her juice.

"So tell me Louise," Napaayos ako ng upo dahil kay Mr. Wilson. "How are you? It's been a 16 years,"

"I'm fine, Mr. Wilson. Maayos na po akong namumuhay dahil po sa tulong ninyo." I smiled at them. "I'm sorry po kung medyo natagalan bago ko po makilala ang family ng donor ko. So, I will take this chance to finally thank the family who gave me another chance to live."

Tumayo ako at bahagyang yumuko. "Thank you po sainyo. I promise, I will take care her heart." medyo naluha pa ako dahil nadadala na din ako ng emosyon ko.

"Just stay for being good person that you used to do, Louise. And oh," Hinawakan ni Mr. Wilson ang buhok ko at bahagyang hinaplos iyon. Iba ang paraan nya ng paghalpos doon.. parang sa kanya ko naramdaman ang haplos na hinahanap ko kay Daddy. "You can call us Tito and Tita. Okay?"

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon