SIX

2.5K 110 3
                                    

Kasama ko ngayon si Caine sa sulok ng gymnasium, nakatayo at nanunuod sa debate na nagaganap ngayon. Wala sa sarili akong napapangiti dahil nakikita ko na ang resulta ng competition na ito. Madaming pumapabor ngayon sa representative ng school namin dahil talaga nga namang may punto ang lahat ng kanyang sinsabi.

"Ako lang ba? Or talagang abogado ang datingan ng kapatid mo ngayon?"

Bakas ang paghanga din kay Caine. Ako din naman, proud ako sa kapatid ko ngayon. Kung iisipin, parang gusto nya talaga ang kursong kinukuha nya ngayon pero alam ko naman ang katotohanan sa likod nun. Alam kong hindi gusto ni Louie maging abogado.

Natapos ang laban at nanalo nga ang school namin. Nakita ko din ang buong pamilya ko na palapit na ngayon kay Louie. Pero hindi ako nagtangkang lapitan din sila. Masaya na akong nandito sa malayo, tinatanaw kung gaano kasaya ang magulang at kapatid ko ngayon. Kung ibang tao lang ako, baka natutuwa at humahanga ako ngayon sa pamilya ko. Grabe kasi ang saya nila sa nagawa ni Louie samantalang noon, yung mga achievements ko, ni isa wala sa kanila ang dumalo. Well, that's life. I can't change that fact.

Lumapit din si Mysty kasama si Ian na syang VP ng student council at nag suggest na ilaban ang kapatid ko. Nakipag kamay sila kay Louie. Pero maya-maya lang ay napunta sa pwesto ko ang tingin nilang lahat. Tuloy ay hindi ko malaman ang gagawin. Nasipat ko pa si Levis na kumakaway sa gawi ko. Kaya naman pala nila napansin na nandito ako, dahil sa bunso namin.

"Tara," aya ni Caine. Mukhang wala kaming choice kundi pumunta sa direksyon nila.

Pagdating ay gulat na mukha ni Mysty at Ian, iritableng si Louie at seryosong si Dad ang naabutan ko. Si Levis at Mommy naman ay masayang dinaluhan ako.

"Ikaw sana ang nasa posisyon ng kapatid mo, Javier Louise." Bungad sa akin ni Dad.

I weakly smiled at them. Sinuway naman sya agad ni Mommy. Hindi na ako umimik pa. Ang dalawa sa tabi ko ay nandoon parin, nakatingin sa akin. Humarap ako kay Louie na hanggang ngayon, hindi nagbabago ang ekspresyon nya.

"Congrats," Tipid akong ngumiti sa kapatid ko. Hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin o kinausap man lang.

Ramdam ko ang tensyon na namuo sa amin. May mga estudyante pa na nagtitinginan banda samin. Marahil ay nagtataka sila kung bakit kasama ng isang nerd ang kilalang pamilya ng bansa.

"Caine dear," si Mommy. Nagbeso silang dalawa. "Visit us often, ikaw din anak." Bumaling sa akin si Mommy.

Tipid lang akong tumango. Kahit sa loob ko, wala akong balak. Puro sama lang ng loob ang nakukuha ko pag umaalis ako sa bahay namin e.

"Mauna na kami Mom, Dad." Paalam ko sa magulang ko. Dumalo ako kay Levis saka sya hinalikan sa noo. Hindi na ako nagpaalam pa kay Louie dahil hanggang ngayon, wala sa akin ang atensyon nya.

Paglabas kong gymnasium, agad kong tinanggal ang salamin ko saka pinahid ang luhang pumatak na kanina ko pa pinipigilan. Humawak naman sa balikat ko si Caine.

"Uwi na muna ako," paalam ko sa kanya. Tumango naman sya agad at gusto pa nga akong ihatid pero tinanggihan ko nalang.

Dumaan akong coffee shop at umorder ng kape bago umuwi. Pakiramdam ko, torture ang sandali na tinagal ko kaharap ang pamilya ko. Nandoon nanaman kasi ang pagiging disappointed ni Dad sa akin. Hindi na nahiya at wala ng pinipiling lugar para ipahiwatig na isa akong failure para sa kanya. Ano pa ba gusto nyang gawin? Sinunod ko na nga ang kagustuhan nyang mag-aaral ako sa Harvard. Hindi pa ba sapat na si Louie ang magiging tagapagmana nya?

Sa sobra kong inis, nabasag tuloy ang salamin na hawak ko parin sa kamay sa sobrang gigil at diin ko sa pagkakahawak.

May panyo naman akong nakita at pares na kamay. Tinanggal nya ang salamin sa kamay ko at chineck kung may bubog pa bang bumaon sa kamay ko. Ramdam ko ang hapdi sa palad ko pati narin ang paglabas ng dugo doon. Pero walang-wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa bubog nato.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon