FIFTY FOUR

2.2K 55 2
                                    


Mysty Shane Aviles

"Pres, eto na yung mga files na hiningi nyo sa akin kahapon,"

Nilapag ni Haidee ang mga papeles sa arm chair. Hindi ko iyon pinagtuunan agad ng pansin dahil busy pa ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Wala kaming klase unang subject pa lang ng umaga. Ayos lang naman sa akin para magkaroon ako ng oras na asikasuhin ang mga gawain ko sa Student Council office.

"Sorry Pres, I don't have time to give you this at the office kasi may emergency sa bahay. Sorry talaga," paumanhin nya.

I scan the first folder to check if tama ba ang binigay nya after that ay tinanguan ko na sya at nginitian.

"It's okay, you may go."

Dala-dala ang kumpol na papeles, tinahak ko ang daan sa hallway ng tahimik. Madaming bumabati sa mga nadadaanan ko na nginingitian ko lang o di kaya ay tinatanguan. Hanggang sa nag-uumpisa ng magsipasok ang mga tao sa room nila at ako nalang ang estudyanteng natira sa hallway.

I was busy looking at the papers ng biglang may bumangga sa akin na naging dahilan para mabitawan ko ang mga papel, at kumalat ang mga iyon sa lapag.

Wala na akong sinayang na oras. Naupo na ako at pinulot ang mga yun. Hindi ko na nga pinagtuunan pa ng pansin ang taong nakabangga ko na sya ding busy sa pagpupulot ng kanyang gamit. Pero kinalaunan ay tumulong na din sya sa akin at nanghingi pa ng sorry.

When our gaze met, I knew that I am already captivated by her green mesmerizing eyes. My heart started to beat faster than usual, it's like I'm in the middle of running. I also felt the butterflies in my stomach. God, what is this kind of feeling?

After that incident happen, I always see myself finding her. I've got this curiosity in her whole being. Na para bang hindi ako makukuntento kung hindi ko sya mahahanap. Nabanggit ko na nga kay Joy ang nangyari at ang bruha, pinipilit na crush ko na daw yon. I mean, crush agad? Hindi ba pwedeng curious lang?

Sinuggest nya na tingnan namin sa library since nasabi kong nerd ang datingan nung babae and tama nga sya. Nakita namin ito na nagbabasa sa sulok ng library.

"Sya ba?" Wala sa sarili akong tumango. "She's cute huh," dagdag nya. Yes, she is. Pagsang-ayon ng aking isip.

The whole damn two years, para akong baliw na nagnanakaw ng tingin sa tuwing nakakasalubong or nakikita ko si Louise. Oo, kilala ko na sya agad dahil nabanggit ni Brea sa akin ang pangalan nya. Naging blockmate pala nya iyon nung 2nd year sila. Paanong nalaman ng ibang barkada na curious ako kay Louise? Dahil lang naman sa bunganga ni Joy. Tuloy napupuno ng tuksuhan ang grupo namin sa tuwing nahuhuli nilang sumusulyap ako kay Louise. Mabuti nalang at hindi nya napapansin yun.

"Blockmate natin ngayong school year si Louise," bungad sa akin ni Joy pagpasok ko sa school.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatingin kay Joy na abot langit na ang ngiti sa akin. Malisyosa nya akong tinitingnan kaya napairap nalang ako pero agad din naman napangiti sa huli. My God, blockmate ko na sya!

Sa buong oras na nilibot namin ang marketing building para mag'announce tungkol sa welcome event ng department.. wala ako masyado sa sarili dahil sa nalaman ko mula kay Joy. Ewan ko ba, naguguluhan na din ako. Hindi ko alam kung excited ba ako or kinakabahan lang dahil sa naisip na makakasama ko buong school year si Louise. Mabuti na nga lang at si Haidee ang nagsasalita sa bawat room. Pero pagdating sa section namin, ako na ang nagpresinta.

Kasunod ng professor ay pumasok na din ako sa room. Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na libutin ng tingin ang buong room.. natigil lang iyon ng magtama ang tingin namin ni Louise. Kahit na nakacontact lense sya at hindi ko na makita ang berde nyang mata, hindi parin mawala ang kakaibang pakiramdam ko sa tuwing nagtatama ang tingin namin.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon