FORTY SEVEN

1.6K 54 2
                                    

Pagkatapos lumabas ng doktor sa kwarto ni Mysty ay kinausap nito ang magulang nya. Madaming sinabi ang doktor sa kanila at ang tanging naintindihan at pinaka malinaw na narinig ko lang ay ligtas na si Mysty.

Katulad ng magulang nya, ni Joy at iba pang kaibigan namin ay napahinga na kami ng maluwag. Ngunit kahit na ganon na nga ang nangyari ay hindi parin ako mapakali. Hindi ko pa alam ang buong pangyayari at tanging ang pagkakasaksak lang ni Mysty ang alam ko sa ngayon.

Pumasok muna ang magulang ni Mysty at naiwan kaming buong magbarkada sa hallway. Tumahan na din si Joy. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming anim. Madami akong gustong itanong ngayon kila Joy pero mukhang hindi nila masasagot iyon dahil katulad ko ay wala din silang alam sa buong pangyayari.

Maya-maya lang ay napatayo si Joy. Mukhang may naisip sya at bahagya pang kumuyom ang kamao nya. Lahat kami, nagtataka na ngayong nakatingin sa kanya.

"What's wrong?" Caine was the one who asked her.

"Pakiramdam ko, may kinalaman si Wayne dito," galit na galit at sobrang diin ang bawat pagbigkas ni Joy ng salitang iyon.

"Anong sinabi mo?" Ngayon ay tumayo na ako at lumapit sa kanya.

Nagdidilim na ang paningin ko dahil sa narinig. Nanginginig na din ang mga kamay ko na humawak ngayon sa balikat ni Joy.

Tangina, kung totoo man na may kinalaman si Wayne sa nangyari, sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang lahat ng ito.

"Kasi minsan ko na silang nakitang nag-aaway! Akala ko," napahawak si Joy sa kanyang sentido. "Akala ko nagtatalo lang sila, pero nagulat nalang ako ng biglang hinawakan ng mahigpit ni Wayne ang panga ni Mysty! Mabuti nalang at naitulak ko si Wayne kaya nabitawan nya si Mysty,"

Kumuyom ang kamao ko. Isa lang ang iniisip ko sa mga oras na ito. Yun ay ang hanapin si Wayne at kung pwede lang ay patayin na dahil sa ginawa nyang pananakit kay Mysty.

"Para syang natauhan pagkatapos ko syang itulak. Yung halimaw nyang postura nun biglang nawala at para syang naging maamong pusa. Hindi ko maintindihan si Wayne nung oras na iyon."

"He will pay for this," ang salita ko ang nangibabaw sa lahat. "I will surely make him pay for this," ulit ko.

"There's a possibility that he was the one who stab Mysty," Joey statement makes me clenched my fist again.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si Mr. Aviles. Nagkatinginan pa kami saglit saka sya nagpaalam sa amin na may aasiksuhin lang.

Pagpasok namin, mahimbing na natutulog si Mysty sa kama nya. Sa gilid naman nya ay nakaupo si Mrs. Aviles at nakatitig sa kanyang anak. Ngayon ay maayos na sya pero may luha padin na tumutulo sa kanyang mga mata.

"Maiwan ko na muna kayo," Sabi nya ng makita nya kaming pumasok.

Napatingin pa sya sa akin. Nagulat sya nung una pero agad din naman syang ngumiti sa akin.

"Louise," tawag nya. Nabigla na lang ako ng yakapin nya ako. Pero kalaunan ay agad din syang humiwalay. "Please, stay by her side."

Nangungusap ang kanyang tinig pati narin ang kanyang mga mata. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko.. may iba pa syang ibig sabihin doon.

Hinawakan ko ang kamay ng Ginang saka ito nginitian. "Kahit hindi nyo po yun sabihin, Tita. Gagawin ko po talaga yun,"

Buong araw, tulog si Mysty. At sa loob ng mga oras na iyon ay hindi ako umalis sa tabi nya. Hindi ko sya iniwan. Hindi narin ako nakapagbihis pa ng damit at kung hindi lang bumisita si Louie na may dalang gamit ko, ay baka hanggang kinabukasan ay wala akong ligo. Mabuti nalang at may banyo ang kwarto ni Mysty kaya nakaligo na ako.

Missing PieceWhere stories live. Discover now