TWENTY ONE

1.9K 90 2
                                    

Nahigit ko ang aking hininga. Ang puso kong kanina na normal na tumitibok, unti-unti itong bumibilis na tila ba hinahabol ako ng isang masamang tao.

Tiningnan ko ng masama si Lisa na ngayon ay nakatingin sa bintana. Kung tutuusin, nilayasan ko na dapat sya ngayon dito. Pero may nag uudyok sa akin na manatili at pakinggan sya na ngayon ay malungkot na tumingin sa akin. Parang hindi sya si Lisa na nakilala ko. Isang mahinang tao sya ngayon dahil unti-unting pumapatak na ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Siguro, kanina nya pa pinipigilan iyon.

"I've known you since high school." Pinunasan nya ang kanyang luha saka muling tumingin sa bintana. "I have a twin sister. Her name is Lyda but sad to say, she's now in heaven."

Nanatili akong tahimik. Ang tapang at galit na naramdaman ko ay pansamantalang nawala dahil sa nalaman. Kung gaano katapang si Lisa sa harap ng ibang tao, ganito naman sya kahina ngayon sa harap ko.

"Naaksidente sya kasama ni Mommy. Nakaligtas si Mommy pero si Lyda, hindi. Brain dead na sya, Louise. Kaya wala ng nagawa si Daddy kundi tuluyan ng pakawalan si Lyda. I was just 4 years old that time. Walang kaalam-alam sa nangyayari. Ang tanging alam ko lang, buhay si Mama pero ang kakambal ko, tuluyan na kaming iniwan. Ang sakit lang, pakiramdam ko nawala ang kalahati ng buhay ko."

Humagulgol na si Lisa. Kusang lumapit ang katawan ko para yakapin sya at hayaan syang sa balikat ko kumapit. Ilang minuto bago sya tumahan saka sya lumayo mula sa pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry about that, Lisa." I sincerely said. She just smiled weakly at me.

"First year high school ako nung aksidente kong nalaman na ang puso ni Lyda ay dinonate ni Daddy sa isang tao."

This time, ako naman ang naluha. Ibig bang sabihin ni Lisa..

"Yes Louise," pagkukumpirma nya. "Ikaw ang nakatanggap ng puso ng kakambal ko."

Nanghihina akong napaupo sa kama at napahawak sa aking dibdib kung saan nandoon mismo ang tahi at ang puso ko.

I was born with a heart failure. Sobrang hina ng puso ko. Madalas akong kapusin ng hininga kahit konting lakad o takbo lang ang nagawa ko. Madalas din nagpupunta sila Mommy sa hospital para alamin kung may heart donor na ba ako. Hanggang sa naging apat na taon na ako, hindi ko na nakayanan pa ang sakit sa puso ko at sinugod na ako sa hospital ng magulang ko. Naghihingalo na ako nung mga oras na iyon at pakiramdam ko, mamamatay na ako. Pero hindi iyon nangyari. Nagising nalang ako isang araw na iba na ang pakiramdam ko. Parang may nagbago sa aking katawan at maging sa paghinga ko. Yun pala, nalaman kong inoperahan ako. Doon ko din nalaman na may nagdonate sa akin ng puso.

I cried really hard. Not because I am mad. I don't know what should I feel right now. Naguguluhan ako sa emosyon ko ngayon pero isa lang ang dapat kong gawin kay Lisa ngayon.

"Thank you, Lisa." Napayuko ako. "Your sister's heart gives me another chance to live in this world. Tatanawin ko bilang utang na loob 'to buong buhay ko, Lisa."

"Hindi ko sinabi 'to sayo para lang maramdaman mo yan, Louise." Hinaplos nya ang balikat ko. "Actually I am happy na napunta sayo ang puso ng kapatid ko. Dahil masaya ako sa katotohanan na kahit wala na ang kapatid ko sa piling namin, buhay parin ang puso nya at patuloy na tumitibok. At least, may parte parin ni Lyda ang naiwan sa mundo."

Inubos naming dalawa ang isang oras sa kwentuhan. Wala ng iyakan pang nangyari dahil para lang kaming magkapatid kung mag-usap. Kinwento ko sa kanya ang nangyari sa akin matapos ang operahan. Sya naman ay kinwento nya si Lyda sa akin. Sinabi nya kung gaano kabait at katapang ng kakambal nya. Natawa tuloy ako dahil tipikal na ugali din pala ni Lisa ang meron kay Lyda.

Missing PieceWhere stories live. Discover now