FORTY EIGHT

1.6K 55 5
                                    

Nakalabas na si Mysty sa hospital at nagpapahinga na sya ngayon sa bahay nila. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng nakalabas sya pero sa loob ng mga araw na iyon ay wala parin syang alam sa nangyayari sa kumpanya nila.

Ang kaso na pinatong ni Mr. Aviles kay Wayne ay naiurong. Labis akong nagalit sa nangyari dahil malaya nanamang masasaktan ni Wayne si Mysty. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng tatay ni Mysty. Akala ko ba pagbabayarin nya ang mga Medina?! Paanong mangyayari yon kung inurong ang kaso!

"Louise," napabalik lang ako sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip ng tawagin ako ni Tita Gina, ang mommy ni Mysty.

Tatlong araw na din akong naninirahan sa bahay nila Mysty. Pinakiusapan kasi ako ni Tita Gina. Nagulat pa nga ako nung una dahil hindi ko inaasahan na sya mismo ang makikiusap sa akin. Ang balak ko lang sana ay dalawin si Mysty araw-araw. Pero ayos na din iyon dahil pabor din naman sa akin ang pagtira ko dito. Nang sa ganon ay maaalagaan ko si Mysty at mababantayan narin.

Nung una din, halos bulyawan na ako ni Mysty sa sobra nyang kagustuhan na paalisin ako sa pamamahay nila. Palagi nyang pinapamukha sa akin na ayaw na nya, na hindi na sya babalik sa akin at madami pang iba. Oo, nasasaktan ako pero sa mga nagdaan na araw, namanhid na yata ako. Tila ba isang routine na namin ni Mysty ang pagtalunan ang bagay na yun.

Hindi narin nakakauwi pa si Mr. Aviles sa bahay nila dahil hanggang ngayon, gumagawa sya ng paraan sa problemang nangyayari sa kanila ngayon. Nagtataka na nga si Mysty dahil simula ng makalabas sya hanggang ngayon, hindi pa nya nakikita ang ama nya. Pinagbabawalan sya ngayon humawak ng phone, manood ng TV o kahit ang magbasa ng dyaryo pati narin ang paglabas ng bahay para manatiling walang alam si Mysty. Dinadahilan nalang sa kanya ng kanyang ina na kailangan nya ng matinding pahinga dahil sa nangyari sa kanya.

Nakokonsensya na nga ako eh. Para na syang kinukulong ng nanay nya dito. Kaso mas nanaig sa akin ang kagustuhan ng magulang nya na itago kay Mysty ang nangyari. Baka kasi kapag nalaman nya ang sitwasyon ng pamilya nya ngayon, malamang ipipilit nya ang sarili na tumulong kahit na sariwa pa ang sugat nya.

"Mahal na mahal mo talaga ang anak ko 'no?" May paghanga sa kanyang mata ang nakikita ko ngayon.

Nandito kami sa garden, nagmamasid lang sa halaman na nasa harap namin. Binigyan nya din ako ng isang baso ng juice habang ang sa kanya naman ay isang tsaa.

"Sobra po, Tita." Madamdamin kong sagot. "Kahit po yata magka'amnesia pa ako, hinding-hindi ko po makakalimutan ang nararamdaman ko na'to kay Mysty."

"My daughter is such a lucky person to have a someone like you," nanatili kaming nagmamasid pero ang aming atensyon ay nasa pag-uusap naming dalawa.

"Maswerte din naman po ako sa kanya, Tita. Hindi po magiging ganito kalalim ang nararamdaman ko sa kanya kung wala po syang binigay na rason para mahalin ko sya."

Nagpuntang kusina si Tita ng sumapit ang alas kwatro ng hapon. Maghahanda yata para sa hapunan. Ako naman ay umakyat na papunta sa kwarto ni Mysty. Medyo nagiging mabagal pa nga ang bawat paghakbang ko dahil nararamdaman ko nanaman na pagsasalitaan nya nanaman akong ng kung ano-ano.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa kwarto nya. Usually, nakalock iyon at isang mahabang usapan muna ang mangyayari bago nya ako pagbuksan. Pero ngayon, walang nagsasalita mula sa loob. Ilang beses pa akong kumatok, ganoon parin. Nag-umpisa na akong kabahan at pinihit na agad ang doorknob. Mabuti nalang at hindi iyon nakalock. Nakapasok na tuloy ako ng tuluyan sa kwarto nya.

Inaabangan ko kung may lilipad bang unan, kumot, damit, o ang mas malala ay vase papunta sa akin pero wala naman. Hindi ko din makita si Mysty sa buo nyang kwarto. Pumasok ako sa banyo at isang tili ang nangibabaw. Maya-maya ay nakita ko nalang ang sarili kong sapo ang noo dahil may tumamang sabon doon.

Missing PieceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora