FIVE

2.5K 98 0
                                    

Ang kanyang emosyon sa kanyang mga mata ay biglang napalitan ng galit. Lumapit sya sa akin saka nya ako hinila palayo sa bahay. Hindi na nga namin napansin yung babaeng humalik sa akin e. Nakatulog na yata sa gate. Anyway, dalawang bahay na ang nalagpasan namin pero tuloy parin sya sa paghatak sa akin. Hanggang sa makarating kami sa park. Pinaupo nya ako sa duyan.

Kung hindi ko lang alam na galit sa akin si Mysty, aakalain ko na gusto nya ng alone time kasama ako. Psh, nakuha ko pang mag assume?

"You're unbelievable!" she said. I am looking at her right now, trying to understand what she means by that. "What?! You have feelings to my best friend and now your kissing someone?!"

Hindi ko pa nakikita yung ganitong side ni Mysty. Kaya medyo hindi ko pa maproseso sa sarili kong galit nga talaga sya sa akin. Eh teka? Bakit naman magagalit?

"What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong.

Namumula na ang mukha nya. Hindi ko alam kung epekto ba ng alak o talagang sobra lang ang galit nya sa akin. Kung alin man sa dalawa ay hindi ko na inisip. Mas kelangan kong isipin kung bakit sya ganitong mag react sa harap ko.

"You're cheating to my best friend! Cheater ka!" She even punch my arm sa sobrang frustrated nya.

"What the ef, Mysty?!" Gulong-gulo na talaga ako sa totoo lang! "I am not a cheater! How can I be when I don't commit to someone?!"

Ang mga tinginan nya ngayon ay lalong lumala. Hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Pilit nya parin sinasabi na manloloko or cheater daw ako. Is she drunk? Maybe she is. Kaya nagpasensya nalang ako. Hinayaan ko syang mag histerikal sa harap ko hanggang sa mapagod na sya at mapaupo sa tabi ko.

Nawala ang pagiging kalmado nya. Ni hindi ko nga makilala si Mysty ngayon e. Marahil ay lasing na talaga sya kaya ganyan na ang nangyayari sa kanya.

Lumuhod ako sa harap nya saka inayos ang buhok nyang magulo na. Saka ko sya tiningnan ng maigi. I saw her crying. Nataranta ako bigla.

"Hey Mysty, why are you crying?"

Nakayuko lang sya. Gumagalaw din ang balikat nya. Hindi nya ako sinagot man lang. Kaya niyakap ko nalang sya. Gumanti din naman sya. Mas mahigpit nya akong niyakap. Iba ang pakiramdam ng yakap nya sa akin.. para bang matagal na nyang gusto itong mangyari. Mas lalo nya pang siniksik ang mukha nya sa leeg ko. Kahit na medyo nagtataka na sa ginawa nya, hinayaan ko nalang syang yakapin ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang inaasta nya ngayon. To be honest, ang OA ng dating nya nung kinausap nya ako kanina. Masyado syang apektado sa nakita nya kanina. Bakit naman sya ganon? Wala naman syang kinalaman sa paghalik sa akin ng babae pero heto at sya pa ang pinaka apektado sa lahat. I don't want to assume things! Pero bwisit na yan, gulong-gulo na ang nararamdaman ko.

Bumalik kami sa bahay nila Eli. Naabutan namin ang barkada na nasa labas ng gate, mukhang nag-aalala na at hinihintay kami. Maayos na din pala ang itsura ni Joy ngayon hindi katulad kanina na akala mong sabog.

Nagpaalam lang ako sa lahat. Nauna pa akong sumakay sa kotse ni Caine. Samantalang ang iba ay alam kong nakahalata sila na may nangyari. Si Mysty nalang siguro bahalang magpaliwanag. Bukod doon, bahala din sya dyan kung paninindigan nyang niloko ko daw si Joy. Baka kapag narinig pa yun ni Joy tawanan lang sya e. Nakita ko pa mula sa side mirror na nakatayo parin sila doon. Si Mysty ay nakayakap kay Joy ngayon. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at inabala ang sarili sa pagtulog.

The next day, I am staring at the window, thinking on what happen that night. Medyo magulo pa nga ang isip ko hanggang ngayon dahil doon. When Caine called me, doon lang ako nakabawi mula sa malalim na pag-iisip.

Missing PieceWhere stories live. Discover now