ELEVEN

2.3K 99 4
                                    

After lunch break, bumalik kami sa room. Habang naglalakad, sumisigaw si Joy habang kausap ang tahimik at kalmadong si Caine. Nakikita ko na halos magbuga na ng apoy si Joy dahil sa sinabi ni Caine. Sabihan ba naman syang 'bungangera' e.

Katabi ko naman si Mysty. Actually, nahuhuli na kaming dalawa. Ang awkward nga eh. Pagkatapos ng pag-uusap sa cafeteria, tahimik nanaman sya. Tapos ang lalim ng iniisip. Naaalala ko parin naman ang nangyari sa apartment ko a week ago. Pero hindi ko ginawang big deal at hinayaan ko nalang iyon para hindi ako mailang kapag kasama ko si Mysty. Sa totoo lang, that was my best moment of my life.

"Parang anytime, pwede ka ng sumisid sa lalim ng iniisip mo."

She looked at me. "Final na ba talagang aalis ka?"

Tipid akong tumango.

"When is the exact day that you are leaving?"

"April, first week." Hindi na ako tumingin pa sa reaksyon nya. Basta nalang ako humiwalay pagdating namin sa room. Ang bigat sa pakiramdam kasi na pinag-uusapan naming dalawa ang tungkol sa pag-alis ko.

Paglabas ng Professor namin para sa last subject, nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. We bid goodbyes to Mysty and her friends. Saka kami naunang lumabas. Nagpasya kasi kami ni Caine magpunta ng mall para mag unwind. Sobrang stressful ang nangyari sa amin nung nakaraan. Gusto muna namin mag chill ng konti.

"Wala padin bang progress sa inyo ni Joy?" I asked while we're eating at Jollibee. Favorite naming dalawa ni Caine dito e.

"I'm not expecting her that she will like me back when I confessed to her." Sumawsaw sya ng fries sa sundae nya. "Well, I'm not planning to ask her to be my girlfriend too."

"Why is that naman? You like her diba?" Dumampot ako sa fries nya. Tinampal naman nya ang kamay ko kaya nabitawan ko agad iyon. Grabe, ang damot!

"Yes, I like her but I'm not pursuing her just to be my girlfriend. I'm contented on what I did. I'm just letting my destiny to do what is tend to happen."

Inubos na nya ang spaghetti saka sya uminom ng coke. "Ikaw nga, mahal mo pero hindi mo ginawang girlfriend. So what's the difference between me and you?"

Binato ko nga ng tissue. As usual she just shrugged off.

Well, I agreed on Caine too. I like Mysty and malinaw pa sa tubig na she's straight. Ramdam ko naman. Except sa katotohanan na sya ang humalik sa akin. Ang gulo! Bahala na din ang tadhana na magdikta kung ano ang mangyayari sa akin.

Pumasok kami sa supermarket para bumili ng grocery. Out of stock nadin kasi sa apartment. Tutal, nandito na din kami gawin ko na din to.

"Wait," pigil ni Caine sa pagkuha ko ng meat. Tiningnan ko lang sya. "Is that Mysty?"

Agad akong napatingin sa tinuturo nya. Si Mysty nga, kasama nya si Wayne. Nalukot ang mukha ko sa nakita. Wow sweet, friends lang ha? Nakahawak kasi sa bewang nya si Wayne. Nagseselos tuloy ako ng patago.

Parang gusto ko nalang syang ayain maging girlfriend ko para may karapatan akong makaramdam ng selos. Hindi yung ganitong nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong malapit sya sa iba, lalo na sa mga lalaki.

"Let's go,"

Nagmamadali akong magpunta sa counter. I even look at the surrounding as if may tinataguan kami. Hindi ko naman talaga totally tinataguan si Mysty. Iniiwasan ko syang makita ako. Hindi ko kasi alam ang gagawin o iaasta ko sa harap nya kung magkita man kami. Lalo na nga at kasama nya si Wayne.

"Javier?"

I startled because someone called me. Iisipin ko na sana na si Mysty yun pero hindi. Hindi Javier ang tinatawag nya sa akin. I looked at Caine, tinatanong kung narinig nya bang may tumawag sa akin baka kasi namamali lang ako ng dinig. Pero hindi sya nagsalita. Tiningnan nya lang ang tao sa likod ko kaya ganon na din ang ginawa ko.

Only to see Andy, waving at me.

"Andy?" Medyo gulat pa ako. I've never seen her for a while since nag migrate ang pamilya nila sa Australia.

"Javier!!!" She suddenly hugged me. Lumayo si Caine at inasikaso ang cart namin. Sya narin ang pumila.

"You look good," Puri ko sa kanya.

"Mas lalo kang gumanda oy," lumambitin ang braso nya sa akin. "Parang gusto ko na tuloy balikan ka ulit."

Andy is my ex-girlfriend. I just laughed at her joke. Sumimangot naman sya. Maya-maya lang hinalikan nya ako sa pisngi. Napalingon ako sa likod namin, doon ko naman nakita si Mysty at Wayne. Parehas silang nakatingin sa amin.

Yumakap ang mga braso ni Andy sa bewang ko. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Namiss kita, babi."

"H-ha?" Nautal pa. Shit. Bigla naman dumating si Caine, hinihingi ang wallet ko. Binigay ko nalang sa kanya saka kami umalis ni Andy sa pila. Kasunod lang pala namin sila Mysty.

"Sinong kasama mo?" Nagpunta kami sa exit ng supermarket.

"My boyfriend." Sagot nya.

Napataas ang kilay ko. "Eh bakit kapa nandito sakin? Baka magselos sa akin boyfriend mo."

Bigla naman syang tumawa. Pinagtitripan nya yata ako e. Hindi nalang ako kumibo ulit at hinintay nalang na matapos si Caine.

---

Pagpasok namin ni Caine sa apartment agad naman akong nagluto para sa hapunan namin. Umalis nadin naman agad si Andy pagkakuha namin ng grocery ni Caine. Totoo nga palang boyfriend nya ang kasama nya at nasa loob pa.

"Kain na," aya ko kay Caine na nanunuod lang ng TV.

Nilutuan ko sya ng sinigang dahil yun ang request nya. Psh, kaartehan talaga e. Sumunod naman sya agad at nanguna pa sa pagsandok ng kanin at ulam.

"Boyfriend naba ni Wayne si Mysty?" Nabibigla akong tumingin kay Caine. Seriously? Kelan pa naging chismosa ang pinsan ko? "Just answer the question, dimwit." Dagdag nya.

I mentally rolled my eyes. "Friends lang daw, Ay ewan."

Nagkibit-balikat sya. "I doubt that," uminom sya ng tubig. "They're too sweet to each other e."

"So anong gusto mong iparating Caine?"

"Baka maunahan ka ni Wayne, Louise. Why don't you ask her to be your girlfriend?"

Should I do that?

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon