FORTY

1.7K 66 6
                                    

"What the hell?" Singhal ko ng makita ko si Caine, Joy, Eli, Brea, at Joey na nakatayo sa labas ng apartment ko. Sa likod nila ay isang itim na van.

Aalis na sana ako papunta sa Bar kung saan kami magkikitang barkada ng mapahinto ako at bumungad sila sa akin. Nagmamadali pa ngang lumapit sa akin si Eli at Brea saka sila isa-isang yumakap at bumeso sa akin.

"Pack your things," Caine said after I kissed her cheek.

Naguguluhan akong napatingin kay Caine. Poker face lang sya kaya nilipat ko nalang ang tingin kay Brea na abot langit ang ngiti sa akin.

"We're going to Batangas!" Pumapalakpak pa ang bruha. Hindi naman sya masaya nyan 'no?

"Teka, Bar ang pupuntahan natin hindi Batangas," Angal ko. Nasa kalagitnaan pa ako ng pagkalito ng itulak na ako ni Joy papasok ulit ng apartment.

"Sumunod ka nalang! Dalian mo na din at susunduin pa natin si Mysty!"

Napahinto ako sa pagpasok ng kwarto. "Sasama sya, Joy?" I asked.

"Yes! So, hurry up! We will just wait you outside," Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas na sya sa apartment. Bago nya pa nga maisarado ang pinto, kumindat muna sya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang magmadali sa gagawin. Nataranta pa nga ako dahil sa sobrang excitement. Shet, makikita ko na si Mysty!

Paglabas ko ay nasa loob na silang lahat at nakapwesto na. Dumiretso ako sa dulong upuan dahil doon nila ako pinaupo. Maya-maya lang ay nag-umpisa ng umandar ang sasakyan hanggang sa hindi ko na namalayan na huminto ulit sa isang bahay. Tiningnan ko ang itsura nun mula sa bintana. Ang alam ko ay susunduin namin si Mysty pero bakit iba ang bahay na pinuntahan namin? Nakapunta na ako sa kanila at hindi ganito ang itsura nung bahay nila noon e.

Lumabas si Joy saka nya doon tinawagan sa phone si Mysty. Saglit silang nag-usap saka nya binaba ang tawag. Lahat kami ay nakaabang sa pinto na magbukas. Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil nagbukas na nga iyon at iniluwa si Mysty na may dalang itim na maleta. Pinagmasdan ko ang kabuuan nya at isa lang ang naglalaro ngayon sa aking isip.. Shit, mas lalo syang gumanda.

Umayos ako ng upo at tumabi sa may bintana banda. Kami lang dalawa ni Joey ang walang katabi ngayon dahil si Caine at Joy, nasa unahan tapos si Brea at Eli, magkatabi din. Nagpanggap akong busy sa aking phone kahit na sa loob-loob ko, nagrarambulan na ang aking mga internal organs dahil napansin kong pumasok na si Joy, kasunod si Mysty.

"Doon ka sa dulo," narinig kong sinabi ni Joey.

Nanatili parin akong walang imik at nakatingin sa phone ko. Panay ang scroll ko sa facebook kahit na nga ba hindi ko na maintindihan ang mga nakikita ko doon. Wala kasi ang atensyon ko doon dahil nasa isang babae iyon na kanina ko pa gustong makausap o makasama.

Tumabi nga sa akin si Mysty. Mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang pabango nya na syang kinaadikan ko noon. Nanunuot iyon sa aking ilong at halos mapapikit ako sa paglanghap nun. Mas lalong nagrambulan ang laman loob ko ng magtama ang braso naming dalawa. Pakiramdam ko, naestatwa ako at may dumaloy na kuryente sa katawan ko mula sa braso nya. Talaga naman oh.

Gusto ko sana syang kausapin na kaso, naputulan yata ako ng dila dahil ni isang letra ay hindi ko mabigkas.

Ano na? Akala ko ba gusto mong makausap? Bat napipi kana dyan? Sabat ng mahadera kong isip. Gusto ko sanang batukan ang sarili dahil heto at mukhang makikipagtalo nanaman ako sa sarili ko.

"Hi," Nanlaki ang mata kong napatingin kay Mysty na nakatingin sa akin. "It's nice to see you again," she added.

Napalunok ako ng wala sa oras. Sa sobrang gulat ko ay hindi man lang kumurap ang mata ko at nanatiling nanlalaki na nakatingin sa kanya. Natauhan lang ako ng tumawa sya. Damn..

Missing PieceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt