THIRTY SIX

1.6K 60 0
                                    

Isang buntong-hininga ang pinakawalan namin parehas ni Caine bago kami pumasok sa isang Bar. Pagpasok palang namin, mga nakakabinging hiyawan at tugtugan ang nagpasakit ng ulo namin. Sa mga sulok ay nandoon ang mga naghahalikan at kulang nalang, gawin nilang hotel itong lugar. Sinulyapan naman kami ng isang bouncer na sa sobrang samang tumingin, pwede na kaming bumulagta sa pwesto namin.

Bakas sa mukha ni Caine ang inis at pagkairita dahil malamang, katulad ko din ay ayaw nya sa ganitong lugar na maingay. Well, no choice kami parehas dahil dito gusto ng mga kaibigan namin mag-inuman.

Pag-akyat namin sa second floor ng Bar, table agad namin ang makikita kaya di na kami nahirapan pang hanapin ang barkada. Unang lumapit si Eli sa amin. Parehas nyang hinila ang mga braso namin hanggang sa makarating na kami sa table.

Bumati at bumeso kami ni Caine kila Joy, Brea, at Eli. Mukhang kaming dalawa nalang ang kulang sa barkada dahil maging si Mysty ay nandoon na din at tahimik lang na umiinom sa basong hawak nya.

"Joey," I called her. She just nodded at me. Hindi sya kumportable sa mga beso kaya tinawag ko nalang sya.

Sa tabi nya, si Mysty na nakatingin lang sa basong hawak nya ngayon. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Joey bago sya nagkibit-balikat sa akin. Sya nalang ang di ko pa binabati sa buong barkada e. Huminga muna ako ng malalim saka lumapit kay Mysty.

"Mysty," I called her. Napatingala sya sa akin.

Nakatayo na kasi ako sa harap nya samantalang sya ay nakaupo. Doon ko na kinuha ang pagkakataon para makipagbeso sa kanya. Naramdaman kong naging estatwa sya sandali sa ginawa ko. Ang lapit mo sa akin, pero pakiramdam ko.. hindi na kita kayang abutin pa.

Ewan, may sarili yatang pag-iisip ang mga braso ko dahil basta nalang itong pumulupot sa bewang nya. Ang kaninang beso ay nauwi sa isang yakap. Pasimple ko din inamoy ang kanyang pabango bago ako humiwalay sa kanya. Ang ilang pares ng mga mata ay alam kong sa aming dalawa nakatutok. Marahil ay nabigla din sila sa ginawa ko. Kahit ako din naman pero hindi ko nalang pinahalata. Nakatitig lang sya sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kanya. Yung ngiting.. malungkot. Hindi man lang kumurap ang mga mata nya.

Huling yakap, huling tingin, huling pag-amoy.. lahat nalang ba ng huli ay dapat ko ng gawin ngayon?

"Here," Brea handed me a glass with alcohol in it. Tinanggap ko naman agad iyon saka pumwesto sa tabi ni Caine.

"Let's enjoy this night!" Joy shouted at us.

Kailangan talaga naming magsigawan ngayon dahil hindi kami magkakarinigan kung normal na boses lang ang pagaganahin namin. Sa lakas ba naman ng tugtugan dito. Konti nalang matatanggal na yata ang teinga ko e.

Napuno ng hard drinks ang table namin. Isa-isa na ding nawawala ang mga kasama namin hanggang sa kaming apat nalang ni Caine, Mysty at Joey ang natira sa table namin. May mga nagtatangkang lumapit sa amin para ayain kaming sumayaw pero pare-parehas din namin iyong tinatanggihan. Mukhang nagkakasundo ang mga isip namin na manatili na lang dito at uminom nalang ng alak. Tahimik lang kaming umiinom kahit na ang paligid namin ay sobrang ingay. Napatingin ako kay Mysty na nakatingin na din pala sa akin. Hindi ko makita ang emosyon na nasa kanyang mga mata. Hindi ko din maintindihan dahil iba ang awra nya ngayon. Na para syang bomba na isang kalabit nalang ay sasabog na sya. Tuloy ay napataas ang kilay ko sa kanya. Isang irap ang ginawa nya bago nya ako iwasan ng tingin. Eh? Isang tapik mula kay Caine ang nagpatigil ng pagtingin ko kay Mysty.

"Cr," paalam ni Caine sa akin. Tumango lang ako saka inabala nalang ang sarili sa baso. Nagulat pa ako dahil sumunod sa kanya si Joey. Tuloy ay naiwan kaming dalawa ni Mysty.

Missing PieceWhere stories live. Discover now