NINETEEN

2K 76 3
                                    

I was busy scanning the papers that my blockmate gave to me when Caine appeared and called me.

"Ano?" Tanong ko habang ang paningin nasa papel parin.

"My birthday is on friday, Idiot." May bahid na inis ang kanyang sinabi. Bakit? Akala nya ba nakalimutan ko? Psh.

"Then celebrate it, you idiot too."

"Louise, just focus on what I will say. Itabi mo muna yang irereport mo mamaya."

Inis ko syang tiningnan. Anong itabi? Within 30 minutes dapat alam ko na ang laman ng papel na hawak ko dahil ngayon mismo ko iyon irereport sa harap ng klase. Tinopak kasi yung professor namin sa subject nato dahil ang ingay ng mga kaklase ko. Tuloy ay pinarusahan kami. Bumunot sya ng index card at kung minamalas ka nga naman, pati ako nadamay. Eh hindi naman ako maingay!

"Caine, let's talk about that later okay?"

Nanahimik naman sya at bumuntong hininga nalang sa huli.

"Louise!" A tall girl with a short hair called me. I honestly didn't know the names of all of my blockmates. Tanging ang barkada lang ni Mysty at of course, si Caine lang ang mga kilala ko dito.

"Oh?" Tipid ko syang sinulyapan saka ulit binalik sa papel na hawak ko ang atensyon.

"Just to remind you na ikaw ang mauuna sa amin magsalita mamaya."

"Yes, I know that already. So if you don't mind, stop disturbing me."

Natahimik ang babae saka sya bumalik sa kanyang upuan. Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Caine sa tabi ko kaya sinamaan ko nga sya ng tingin.

Natapos ang morning class, nandito na kami ngayon sa cafeteria at sinusulit ang lunch break. Ako ngayon ang sumamang umorder kila Caine at Joey. Balak ko din kasing damihan ang para sa akin dahil mula kaninang umaga, wala pa akong kain.

"Huling araw mo na ba?" As usual, si Joy ang unang pumuna ng pagkain sa harap ko. Pinandilatan ko lang sya ng mga mata ko.

"Hayaan nyo na yan, kailangan ni Louise yan ngayon dahil simula ngayon, aabutin na ng 3 hours ang practice nila." Si Eli ang nagsabi habang busy na sya sa kanyang kinakain. Actually lahat kami ay kumakain na.

2 weeks nalang, magsisimula na ang laban namin mula sa iba't-ibang universities kaya puspusan na ang magiging practice namin simula ngayon. Hindi na din ako nagtaka pa na alam ni Eli iyon. Paano ba naman, pinsan nya pala si Lisa. What a small world, isn't it? Kaya hindi na din ako magtataka ulit kung may alam si Eli tungkol sa pagtingin sa akin ni Lisa. Halata naman na meron syang alam dahil kada napapatingin sya sa akin, nang-aasar ang kanyang tinginan.

Mysty's aura is different right now. Ang saya nya ngayon na tipong pati ang nakapaligid sa kanya ay nahahawa. Iisipin ko sanang dahil iyon sa date namin kahapon pero mukhang hindi dahil doon.

Pagdating kasi naming dalawa sa room, may bulaklak at isang teddy bear din ang nasa arm chair ni Mysty. Lahat ng yon, galing kay Wayne. Ang saya na sana ng simula ng araw ko dahil si Mysty agad ang nabungaran ko sa gate, naghihintay daw sya sa pagdating ko. I can't help but to smile while we're heading to our room. Nawala nga lang yon dahil sa pakulo ng kanyang ex manliligaw. Akala ko ba friends nalang sila? Eh bat parang patuloy parin ang panliligaw sa kanya ni Wayne?

Tuloy ay hindi na ako masyadong kumikibo sa barkada mula pa kanina. Naiinis kasi ako! Lagi nalang bang tuwing nakakaramdam ako ng saya, may sumisira non?

Natapos ang lunch break, pinauna ko na sila sa room at dumiretso ako agad sa office ni coach. Magsusukat na kasi kami ng aming jersey para sa dadating na laban. Naabutan kong nandoon na halos lahat ng kasama ko. Medyo nahiya pa nga ako dahil ako nalang yata ang kulang.

Missing PieceWhere stories live. Discover now