TWENTY FOUR

1.8K 79 1
                                    

"Masakit parin ba?" I looked at Lisa. Nandoon ang pag-aalala nya kaya nginitian ko nalang sya ng tipid saka sinabihan na okay na ako.

"Kanina kapa lutang, Louise." Si Sam naman ngayon ang nagsalita.

Binigyan kami ng sampung minuto ni coach para magpahinga. Natamaan kasi ako ng bola ni Sam sa ulo sa sobrang occupied ng utak ko. Iniisip ko parin kasi ang nangyari kagabi.

Pagkatapos mag-usap ng magulang ko, sinundan ko si Mommy sa kwarto nila. Nakita ko syang nag-iimpake ng gamit nya. Bigla akong nataranta at agad syang pinigilan pero hindi ako hinayaan ni Mommy na magtagumpay. Hindi lang gamit nya ang inimpake nya kundi pati sa bunso naming si Levis.

Hindi kami magkanda-ugaga ni Louie kung ano ang gagawin nung mga oras na iyon. Nalilito kami kung pipigilan parin ba namin silang dalawa sa pag-alis o hahayaan nalang muna. Pero ang huli ang pinili namin. Matapos umalis nila Mommy, sumugod si Louie kay Dad pero bigo syang lumabas sa office nito.

Malamang sa mga oras na ito, lutang din si Louie. Sa aming dalawa, sya ang mas pinaka apektado sa nangyayari ngayon sa pamilya namin dahil mas matagal nyang nakasama sila Mommy kesa sa akin na nakabukod na.

"Sorry, may iniisip lang ako." Napahawak pa ako sa ulo ko. Sa sobrang pag-aalala ko kila Mommy, nakalimutan ko ng kumain kagabi pati narin ngayong umaga. Tapos nag-uumpisa nading manakit ang ulo ko. Sobra na akong nai'stress ngayon sa totoo lang.

Sa buong araw na nagklase kami, ilang beses na akong napagalitan ng professor namin. Nahuhuli kasi nilang hindi ako nakikinig o nakatulala nalang sa bintana. Nagtataka na tuloy ang mga kaibigan ko sa akin. Pero binalewala ko iyon at mas pinilit nalang magfocus sa discussion. Nung lunch time naman, hindi ako sumabay sa barkada dahil nagpunta ako kay Louie at sya ang sinabayan kong kumain. Katulad ko, nakatulala lang din sya at walang imik buong tanghalian namin.

Dumating ang practice namin sa hapon, nagpaalam ako kay coach na hindi na muna ngayon ako magpapractice. Pupuntahan kasi namin ni Louie sila Mommy na nasa bahay lang pala nila Lolo, ang parents ni Mommy. Mabuti nalang at pinayagan ako at hindi na nagtanong pa. Kaya ngayon ay nakasakay na ako sa kotse ni Louie at binabaybay na namin ang daan papuntang bahay nila Lolo.

Pagdating ay sinalubong kami agad ni Levis. Naka uniform pa ito at mukhang kagagaling lang sa school. Dumiretso kami sa garden at nandoon sila Mommy, Lolo at Lola. Nagmano kami sakanila ni Louie saka nakiupo at nakisali sa usapan nila Mommy.

"Ikaw Louie, Apo?" Hinawakan ni Lola ang pisngi ni Louie. "Dito ka nalang din muna katulad ng Mommy mo."

Lahat kami ay nakatingin kay Louie. May kung anong konsensya at kalungkutan ang naramdaman ko dahil naisip kong maiiwan mag-isa si Daddy sa bahay. At mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam nun, pati narin pala si Louie.

"Doon nalang po ako, Lola."

Hindi na nagtanong pa ang matatanda dahil siguro, inisip din nila ang kalagayan ni Daddy kung aalis din pati si Louie.

Hindi na din pa kami nagtagal doon at nagpasya ng umuwi. Hinatid muna ako ni Louie sa apartment. Bakas sa kanya ang ginhawa dahil nalaman na namin na nasa mabuting kalagayan sila Mommy at Levis. Nawala din ang pagiging lutang namin parehas dahil doon.

Kinabukasan, papunta kami ng buong volleyball team sa kabilang university para sa isang practice game. Dalawang araw na magkasunod kaming may ganap na ganon. Kaya dalawang araw akong liban sa klase. Mabuti nalang at excuse ako doon kaya wala akong aalahanin.

Thursday na ngayon. Tuesday ako umamin kay Mysty. Hindi na kami nagkausap pa pagkatapos nun. Ni hindi ko man lang sya natapunan ng tingin dahil sa problema ko kila Mommy tapos ngayon, wala pa ako sa school at hindi ko sya makakasama.

Missing PieceWhere stories live. Discover now