FORTY FIVE

1.7K 56 1
                                    

Isa-isang nagsitinginan sa akin ang mga empleyado pagpasok ko sa office. Marahil ay nagtataka sila ngayon dahil may bagong mukha silang nakita. Actually, hindi pa ako naipapakilala ni Brent dahil nga dapat next week pa ako papasok. Kaya expected ko na ganyan nalang sila kung makatingin sa akin.

Lumapit ako sa isang babae na kakapasok lang din. Nagulat pa nga dahil nag 'ehem' ako sa likod nya.

"Nasaan ang bakanteng office dito?"

Yun kasi ang sinabi ni Brent sa akin. Pinalinis na nya daw iyon para nga sa pagdating ko ngayon.

"Ah, d-doon po," tinuro nya ang isang pintuan.

"Okay thanks," pagkatapos ko iyong sabihin ay dumiretso na ako doon at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang isang table, sa gilid ng office ay may couch. Kita ko sa kabilang gilid ang malaking bintana kung saan makikita ang naglalakihang building sa labas. Wow, nice.

May kumatok sa pinto kaya napunta doon ang atensyon ko. Pumasok si Brent na ang laki ng ngiti sa akin.

"So, okay na ba yung ganitong office para sayo?" Agad akong tumango at nginitian sya. "Tara, ipapakilala kita sa mga makakatrabaho mo para sa big project natin."

Lumabas sya kaya sumunod din ako. Bumungad sa akin ang mga empleyado na nakatayo sa kani-kanilang assigned table. Ang iba ay naguguluhan parin kung bakit ako nandito. Ang iba naman ay nakangiti lang.

"This gorgeous lady beside me is Ms. Louise Obesco. She's from the Main branch of the company and will be the one who will handle the biggest project here."

Biggest project din pala ang binigay sa akin kaya medyo nakakakaba. Although this is the second time na humawak ako ng ganito kalaking proyekto ng kompanya. Siguro, mahaba-haba pang panahon ang igugugol ko para masanay ako.

Isa-isang nagpakilala ang mga empleyado sa akin pagkatapos ay nagpalakpakan pa.

Dumating ang 10AM at nagmeeting kami about sa project. Madaming suggestion ang mga kasama ko at lahat doon ay magaganda din naman. Isang brand ng perfume para sa parehas na gender ang gagawan namin ng commercial. Nagbigay ako sa kanila ng oras para magbigay ng mga set of artist na fit para sa commercial na iyon.

Dumating ang tanghali at sabay kami ni Brent kumain. Pumasok kami sa isang mexican food restaurant. Pumwesto kami banda sa gilid at doon na umorder.

Habang naghihintay ay naramdaman kong naiihi ako kaya nag excuse muna ako kay Brent at nagpunta ng banyo.

Isang bulto ng babae ang naabutan ko at naghuhugas ngayon ito ng kamay sa sink. Sa hubog palang ng katawan at pabango nito, kilala ko na kung sino iyon.

"Mysty, Hi." Bati ko.

Isang irap ang natanggap ko mula sa kanya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Napataas ang kilay ko tuloy at lumapit sa kanya.

"Hey," Tawag ko ng pansin sa kanya pero nagpanggap itong walang narinig. Luh? Problema nito? "I swear, kung hindi mo ako papansinin, hahalikan kita dito mismo,"

Doon na sya napaharap sa akin. Halos mag-isang guhit na ang mga kilay nito.

"Ano bang problema mo?" Iritable nyang tanong.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nagkrus pa ako ng mga braso ko sa dibdib.

"Wala ka ng pakialam doon! Bumalik kana nga doon sa boyfriend mo!" Singhal nya sa akin.

Imbis na matakot ako sa sigaw nya, napangiti pa ako. Ayan tuloy ay mas lalong nagsalubong ang mga kilay nya.

"Wala nga akong boyfriend," pagtanggi ko. "Wala sa plano kong magkaroon nun dahil aagawin pa kita sa fiancee mo," dagdag ko.

Missing PieceWhere stories live. Discover now