THIRTEEN

2.2K 90 5
                                    

Nagkamali ba ako ng dinig? Kasi kung oo, hindi ko papatulan ang sinabi ni Mysty sa akin. Pero alam ko naman ang sagot sa tanong nya talaga e. Ngunit bakit ang hirap bigkasin? Ang hirap sagutin na 'We're friends' kasi alam ko sa sarili kong hindi ganoon ang tingin ko sa kanya, na 'More than friends' ang gusto kong mangyari para sa aming dalawa.

Instead na sagutin sya, tumawa ako. Para nga akong tanga e. Kasi hindi naman dapat talaga ako tumawa sa sitwasyon nato pero heto ako, ginawa ko.

"You're joking, right?" I asked her. Iisipin ko nalang talaga na nagbibiro sya ngayon.

"Nevermind," she just simply said.

Nawala ang pag ngiti ko at napalitan ng lungkot. Ano pa bang ine expect ko? Na kukulitin nya ako kung ano ba talaga kami? Aish, asa ka self.

"Until now, hindi parin ako makapaniwala na anak ka ni Atty. Obesco." Bumunot sya ng damo at yun ang inabala nyang gawin. "Sabi mo kasi nung una, hindi mo sila kilala."

"I'm not comfortable talking stuffs like that. You know, I'm nerd.. I'm nobody here. So, hindi lang ako sanay na may interesado sa buhay ko."

"I'm interested to you kaya since the day we bumped at each other," natulala ako sa katabi ko. Really? Yung kaninang nararamdaman kong lungkot, napalitan nanaman ng saya. Well, ano pa bang bago? Si Mysty lang ang may kakayahan na ganituhin ang nararamdaman ko.

Hindi sya makatingin sa akin ngayon pagkatapos nya itong sabihin. Nakikita ko din ang bahagyang pagpula ng mga pisngi nya. Pero hindi ko muna sya aasarin ngayon. Kasi pakiramdam ko, may sasabihin pa sya na mas ikagugulat ko.

"Hindi ba, naiinis ako kasi tinatago mo ang totoong kulay ng mata mo noon?" Tumango ako kahit hindi naman nya nakikita dahil tuloy padin sya sa pagbunot ng damo. "Ngayon, naiinis parin ako. Hindi dahil sa parehas na rason. Naiinis ako kasi nakikita na nila ang bagay na nagustuhan ko sayo. Na dapat ako nalang sana ang may karapatan na makakita ng tunay na kulay ng mga mata mo."

"Nagmukha akong selfish doon, diba?" Tuluyan syang tumingin diretso sa mga mata ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan dalawa. Hanggang sa magsalita sya, hindi parin namin pinuputol ang tingin namin sa isa't-isa. "Simula nung hindi kana naging nerd sa paningin ng lahat, ang dami ng ibang tao ang lumalapit sayo, Louise."

"Honestly, I hate the fact that you're starting to let other people enter your life. It feels like, nilalayo kana nila sa akin.. na yung dating atensyon mo na nasa akin lang, kinukuha na nila. Naiinis ako pag may ibang tao na malapit sayo. Gusto ko, ako lang ang dapat humawak at lumapit sayo. Nababaliw naba ako?"

I'm.. speechless. Si Mysty ba talaga ang kaharap ko? Gusto kong sampalin ang sarili dahil baka nananaginip lang ako. Gusto kong linisin ang mga tainga ko dahil baka namamali lang ako ng dinig. Pero si Mysty na ang gumising sa diwa ko. Hinawakan nya ang pisngi ko gamit ang isang kamay nya. Fuck, this is real.

"I guess, hindi lang talaga ako sanay 'no?" Biglang bumaba ang kamay nya mula sa pisngi ko. Tumawa sya kaya lang hindi iyon abot sa mga mata nya. "Baka nga sa una lang ganito. Baka kailangan ko lang ng adjustments. Hayaan mo, magiging okay din ako, Louise."

Tumayo sya at pinagpag ang kanyang slacks. "Let's go na, malelate na tayo!" Ang sigla nya ngayon. Pero hindi ako tanga para maniwala sa inaakto nya ngayon.

Naiinis ako. Pinaasa nya ako e. Kahit alam kong hindi naman nya alam na ganoon ang ginawa nya sa akin. Sa sobrang inis ko, hindi ko nalang sya pinansin at tahimik na lang na naglakad pabalik sa room.

"Uh, oh." Caine said as soon as I seat beside her. "Someone is grumpy." She added.

"Shut up," I seriously said.

Missing PieceWhere stories live. Discover now