FIFTY THREE

2K 60 1
                                    

Maraming bumabati sa akin pagdating ko sa floor ng office namin. Kahit na ganoon naman talaga sila sa akin noon pa, pakiramdam ko may iba eh. Parang may nangyari na ewan. Tapos kung makangiti sila, wagas na wagas na akala mo hindi na sila sisikatan ng araw.

"Hi Ma'am! Good morning!" Bati sa akin ni Ms. Devi, assistant ko.

"Uh, good morning?" Patanong kong bati.

Grabe, ang weird talaga eh. Tapos kung tingnan nya pa ako, parang may alam sya sa buhay ko na tanging sya lang ang nakakaalam.

Pagpasok ko sa office, biglang tumaas ang kilay ko sa nakita.

"Good morning baby!" George greeted me.

Nakaupo sya sa couch habang may hawak na magazine at sya lang naman ang cover doon. May kape din na nasa harap nya at halatang kalalagay lang doon dahil umuusok pa iyon sa init.

"Anong pakulo nanaman ba 'to?" Bungad ko sa kanya. Napanguso sya pagkatapos ay umismid pa.

Dumiretso ako sa table ko at binuksan na ang laptop. Ngayong natapos na ang project ko dito, anytime soon pwede na ako bumalik sa New York pero.. hindi ko maramdaman yung saya na dapat kong maramdaman doon. Kasi nandito naman talaga ang kasiyahan ko.

"Hey, are you okay?" George asked me.

Nasa gilid ko na sya ng table ko. Nakatungo at nag-aalala pa ang mukhang nakaharap sa akin.

"Uh, yeah. Of course," sagot ko nalang.

"Si Mysty ba.. ano mo sya?" Biglang tanong nya.

"My ex-girlfriend." Her mouth formed in 'O' then she nodded. Para bang may nakumpirma sya sa kanyang naisip. "Why?" I asked.

"Well, nothing. That's why she's being jealous all the time in Subic, huh?"

Ako naman ngayon ang sumimangot. "Ano bang problema mo nun? You love teasing her, do you?"

Tumawa sya saka sya bumalik sa couch at humigop ng kape. "Seriously friend, what's the real score between the two of you?"

"She's trying to get me back," sagot ko habang nakangiti na parang baliw.

"Oh my gosh! You're smiling like an idiot!" Pumalakpak pa ang bruha habang tumatawa at nakaturo pa ang daliri nya sa akin.

"George naman eh," reklamo ko habang kinakamot ang kilay.

"I have a plan," Lumapit muli sa akin si George saka sya ngumisi. Medyo natakot pa nga ako dahil para syang lider ng sindikato ngayon sa paningin ko.

Hindi ko nalang sya inimik. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko sa laptop na hanggang ngayon ay hindi ko pa maumpisahan dahil sa babaeng 'to.

"Kunwari, gusto kita," sabi nya pa. Napataas ako ng kilay sa kanya.

"Bakit, hindi mo ba ako gusto ngayon?" Nakangisi kong tanong.

Pinalo nya naman ang braso ko. Natawa ako ng makita ko ang bahagyang pagpula ng pisngi nya.

"Tsk, okay!" Pagsuko nya. "Crush kita. Pero hanggang doon nalang yun 'no! Psh. Swerte ka, isang napakagandang artista ang nagkagusto sayo," Nakangisi na sya ngayon.

"Yabang mo," nasabi ko nalang saka sya tinawanan.

"Sooo, ayon nga! Kukulitin kita hanggang sa makita nating naiinis na sya."

Napatampal ako sa noo ko sa sobrang lame ng plano nya.

"Tigilan mo nga," sabi ko nalang. "Tsaka wala ka bang trabaho? Nasaan ba kasi si Ashton?! Pinapabayaan nya yung munchkin nyang pakalat-kalat dito sa office ko,"

Missing PieceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang