THIRTY SEVEN

1.7K 69 1
                                    

Ang malamig na simoy ng hangin ang bumabalot sa buong katawan ko ngayon. Nawala ang sakit ng ulo pati narin ang pagkahilo ko matapos kong ilibot ng tingin ang buong lugar pero, nandoon ang sakit sa puso ko. Kung walang nangyaring ikakasakit ng damdamin ko dito sa tagaytay ay baka naenjoy ko na ang lugar na ito. Nakakatawa nga eh. Nung nakaraan lang, nandito ako at hinihintay si Mysty. Ngayon, sya pa mismo ang nagdala sa akin dito. Tadhana, bat ganyan ka?

Pumasok kami sa restaurant. 12AM na, pero bukas padin ito. Ang huling pagkakaalam ko, 10PM ito nagsasara. Nagtataka tuloy akong tumingin sa kasama ko. Nagkibit-balikat lang sya sa akin saka sya dumiretso sa bakanteng mesa.

"Hi, Ma'am. You're back,"

Isang waiter ang bumati sa akin. Napatango ako agad dahil sya yung waiter na nag-asikaso sa akin nung mga time na pinagmumukha akong tanga ng kasama ko ngayon.

"Nathan," napalingon ako kay Mysty. Hindi sya sa akin nakatingin kundi sa kasama ko. Huh? Nagtataka nanaman tuloy akong tumingin sa waiter sa harap ko. Kumakaway sya ngayon kay Mysty.

What the? Magkakilala sila?

"Hi there, cous!" Kung pwedeng lumabas ang eyeballs ko sa sobrang gulat, baka lumabas na nga iyon. Bukod sa gulat ako ngayon, nagkaroon nanaman tuloy ng katanungan ang isip ko.

"Oh, sya ba kasama mo?" The man besides me asked. Tumango lang ako. "Are you two friends?" Tanong nya ulit.

Blangko akong tumingin kay Mysty na nakakunot na ang kanyang noo na nakatingin parin sa aming dalawa nung Nathan.

"Y-yeah," I smiled bitterly. "We're friends, I guess." Ngumiti naman yung Nathan sa akin. Jusko, kung ibang babae lang ako baka tumili na ako. Ang pogi ba naman ng hayop pero waepek sa akin e. Kaya tipid ko nalang syang nginitian.

Umupo na din ako sa kaharap na upuan ni Mysty. Tahimik lang ako pero ang isip ko, ang daming gustong sabihin. Kung ganong pinsan nya pala ang waiter na nag-asikaso sa akin noon dito, ibig ba nung sabihin.. aware sya kung ilang oras ko syang hinintay dito?

"I know you have a lot of questions right now," Napahawak ako ng mahigpit sa tuhod ko. Buti alam mo. "Let's eat first, then we will talk." She added.

Sumunod naman ako agad. Tahimik naming kinain ang pagkain na bigay mismo ng pinsan nyang si Nathan. Nandoon ang mapaglarong ngiti nya sa aming dalawa ni Mysty. Napaikot tuloy ako ng mga mata. Kung alam nya lang na ang pinsan nya ang hinihintay ko dito sa restaurant nya noon baka mawala ang ganyang tinginan nya.

Pagtapos ay dumiretso na kami sa harap ng restaurant. May mga bench doon kaya naupo kami sa isa mga yun.

"Louise,"

Ang aking paningin ay nasa harap lang. Pero ang atensyon ko ay nasa sasabihin ni Mysty ngayon. Nagpapasensya na lang ako sa paghihintay sa mga paliwanag nyang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya. Kung mainipin lang akong tao, baka kanina ko pa sya pinaulanan ng mga tanong.

"I'm sorry," Napahawak nanaman ako ng mahigpit sa aking tuhod. Damn, narinig ko rin. "I'm sorry if I didn't showed up in this place for our 6th monthsary. I have my reasons.. but I don't think I can tell you that right now."

"Alam ko din na galit ka sa akin. Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko? Kahit na alam kong tayo pa, pumayag akong maging kami ni Wayne. And again.. I'm really sorry Louise. I also have reasons for that,"

"At hindi pwedeng sabihin iyon ngayon." Doon na ako umimik.

I gulped immediately as soon as the tears form in my eyes. May dahilan nga, pero hindi parin pwedeng sabihin. Aasa nalang ba ako sa kakapiranggot ng kung ano man ang malalaman ko ngayon?

Missing PieceWhere stories live. Discover now