SEVEN

2.4K 118 8
                                    

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Mysty. Yung tibok ng puso ko, lalong bumibilis dahil sa sinabi nya. Nag-iisip na tuloy ako ngayon kung magmamatigas ba ako or susunod nalang sa gusto nya.

"Please?" She pleaded.

Napalunok ako. Her voice again.. parang nag-uudyok sa akin na sumunod nalang at yun na nga ang ginawa ko. Pag-upo ko palang, lumapit na si Mysty sa akin. Mahihiya na nga ang hangin na dumaan sa pagitan namin.

We stayed in silence and watched some horror movies in TV. Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng mapansin kong lalong sumisiksik sa akin si Mysty. Nakatutok parin naman ang mga mata nya sa TV. Ako lang yata ang nakakaramdam ng pagka ilang sa ginagawa nya ngayon. Baka nga wala lang sa kanya ang ginagawa nya samantalang sa akin, big deal.

"Waaah!" Sigaw nya dahil sa gulat. Siniksik nya ang mukha nya sa likod ng braso ko. Natatawa tuloy akong pinagmamasdan sya.

"Stop laughing!" Napipikon nyang aniya.

"You're cute," I pinch her nose.

Nabigla sya sa ginawa ko at napatingala sa akin. Tuloy ay nagkatitigan kami. Ngayon ko lang din napansin na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Naramdaman ko nalang ang pag galaw ng ulo nya, palapit sa akin. Kulang nalang, maduling ako sa sobrang lapit namin. Pumikit sya, marahil ay mukhang may ineexpect syang mangyayari sa pagitan namin. At alam na alam ko kung ano yun.. but instead sa lips nya dumapo ang labi ko, sa tungki ng ilong nya iyon dumikit.

Phew! Grabeng pagpipigil ang ginawa ko, wag lang syang mahalikan sa labi. I don't want to take advantage on this kind of situation. Malinaw pa sa tubig na ako lang ang may gusto sa kanya. Na ako lang ang may nararamdaman para sa kanya. Na nadadala lang sya sa nangyari at mas lalong malinaw sa akin na walang kami. So bakit ko sya hahalikan sa labi? Dadagdag lang iyon kung sakali sa mga dahilan ng sleepless nights ko.

Umayos sya ng upo at tahimik lang na nanood muli sa TV. Sinipat ko ang kabuuan nya, pero dapat pala hindi ko nalang ginawa. Ang gulo nanaman tuloy ng isip ko. Yung itsura nya kasi, parang galit. Or baka high lang ako ngayon at kung ano-ano nalang ang nakikita ko.

Natapos ang palabas, tahimik parin kami. Nag-umpisa na ding lumakas ang ulan. Nangangamba na tuloy ako kung makakauwi pa ba ang kasama ko.

5PM nadin naman, naghanda na ako para sa hapunan namin. Iniwan ko si Mysty na nanunuod parin sa TV at inabala ko nalang ang sarili sa kusina.

Hanggang sa natapos akong magluto at maghain, tahimik parin syang nanonood sa TV. Nagtataka na nga ako dahil ilang beses ko na syang tinawag, hindi parin nya ako naririnig. Kaya lumapit nalang tuloy ako sa kanya at kinalabit sya mula sa likod. Napaigtad pa sya tapos sinamaan ako ng tingin.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Hindi mo ako matatakot sa ganyang tingin mo, Mysty."

"Tsk!" Agad naman nangunot ang noo ko. Ano bang problema nito? Naging ganyan lang sya pagkatapos nung ano.. Aish!

"Let's eat, lalamig na ang pagkain." Aya ko.

Sumunod naman sya sa akin at naupo sa harap ko. Nagluto ako ng menudo. Hindi ko lang alam kung kumakain ba sya nun pero sa nakikita ko ngayon, mukhang kaya nyang ubusin ang nakalagay sa mesa ngayon sa dami ba naman ng nakakain nya.

"Hinay-hinay lang naman," sita ko. Naglagay ako ng juice sa harap nya.

"Ang sarap," she said. Na flattered naman ako kaya malawak ko syang nginitian at kinindatan pa. Tuloy ay naubo sya at namula pa ang pisngi nya.

"Sabi ko sayo, dahan-dahan e," sermon ko.

Natapos na syang kumain habang ako, hindi pa natatapos sa pag kain. Nakaupo parin sya sa harap ko, pinapanood akong kumain. Hindi ko tuloy maiwasang ma conscious sa harap nya.

"A-ano ba?" Nautal pa ako.

"Ang sarap mo palang magluto Louise," Puna nya ulit. Ene be, kenene kepe genyen! Maharot kong nasabi sa isip.

"Pwede na kita maging asawa,"

This time, ako naman ang naubo or should I say nabilaukan. Binigyan naman nya agad ako ng juice kaya dali-dali kong ininom iyon. Grabe, feeling ko may lumabas na butil ng kanin sa ilong ko!

Yung salarin naman sa harap ko, tawa ng tawa sa reaksyon ko. Kung hindi ko lang to mahal, baka bumaligtad na sya sa kinauupuan nya ngayon.

"Your face is so epic!" Tawa parin sya ng tawa habang nakaturo ang daliri nya sa akin. Sinamaan ko tuloy sya ng tingin saka ko niligpit ang pinagkainan namin.

"Ako na maghugas," nag presinta sya.

"Akala ko tatawa ka lang buong magdamag dyan e," asar kong sabi. Tatawa nanaman sana sya ulit ng magsalita ako.

"Dun kana nga sa sala, ako na dito."

Pero hindi sya nagpatinag. Sa huli, dalawa tuloy kaming naghugas ng plato. Ako ang nagsasabon tapos sya ang nagbabanlaw.

"Basa na uniform mo," puna ko sa suot nya. "Tsk, ang harot mo din kasi kanina e."

Pumasok ako sa kwarto. Sumunod naman sya saka nagtingin sa buong lugar. Inabutan ko sya ng tshirt at short shorts. Agad nya iyong kinuha saka sya lumabas at nagtungo ng banyo.

Hanggang ngayon, ang lakas parin ng ulan. Malapit ng mag 8PM, nandito padin si Mysty. Napansin ko din na ang tagal nya sa banyo. Nilamon na yata ng inidoro.

Ang mga berde kong mata na nakatutok sa TV ay napadpad sa makikinis na hita at binti ni Mysty paglabas nito. Wala sa sarili akong napalunok saka nag-iwas agad ng tingin. Marahan pa akong bumuga ng hangin saka nagpaypay sa sarili. Pakiramdam ko kasi ang init ng mukha ko.

"What happen to your face?" Nagtatakang tanong ni Mysty sa akin habang nilalagay nya sa bag ang uniform nya.

Anong what happen ka dyan? Dahil to sayo e!

"W-wala.. mainit lang." Palusot ko.

"Mainit pa ba sa lagay na to? Halos manginig na nga ako sa lamig e." Inosente namang sagot ng katabi ko. I mentally rolled my eyes.

Tumabi sya sa akin at nagsumiksik ulit. Grabe, hirap na hirap na nga ako sa posisyon namin kanina tapos heto nanaman sya!

"Magpasundo kana," parang wala namang narinig ang kasama ko. "Hoy," tinusok ko pa ang tagiliran nya kaya napaigtad nanaman sya.

"Ayoko pa,"

"Ano? Nasiyahan kana yata dito." Sinimangutan nya ako saka sya padabog na lumayo.

"Ayaw mo yata ako dito eh!" Nag cross arms pa sya na akala mong senyorita na hindi nasunod ang utos.

"Anong ayaw? Sa dami ba naman ng pinakain ko sayo, sa tingin mo ayaw kong nandito ka?" Bigla namang lumambot ang ekspreyon nya. "I'm just worried kasi 8PM na. Baka hinahanap kana sa inyo."

"Talaga? Nag-aalala ka?" Lumapit sya ulit sa akin. Sobrang lapit na pati paghinga nya, nararamdaman ko sa mukha ko. Nagkatitigan kami at mukhang nalulunod syang pinagmasdan ang mga mata ko.

Dahan-dahan ko nga syang nilayo sa akin. "Oo naman, duh."

"Wait Louise," hinawakan nya ang balikat ko saka nya ako pinaharap sa kanya. "I want to stare at your eyes,"

Ay? Stare talaga? Aish!

"Ano ba, Mysty.." angal ko saka umayos ng upo. Sineryoso nya talaga ang pagtitig sa mga mata ko e.

"Last na. Pagkatapos uuwi na din ako."

Lumingon ako sa kanya. Ayan nanaman ang mukha nyang sobrang lapit. Pero hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa!

Nakita ko nalang ang sarili kong napapikit at napakapit sa damit ni Mysty.. habang hinahalikan nya ako.

Oh my God! Good gracious!!!

"Please," naghiwalay ang mga labi namin pero ang noo ay magkadikit. Mapupungay ang mga matang tumingin sa akin si Mysty.

"Please, kiss me back, Louise."

Missing PieceWhere stories live. Discover now