TEN

2.2K 103 0
                                    

I looked at the mirror, taking a glance at my whole body. Inayos ko ang itim at mahabang buhok ko saka tinitigan ng mabuti ang mukha ko. Naglagay ako ng light make up na nakagawian ko noon nung high school pa ako. Hindi na din ako nagsuot pa ng contact lense at hinayaan ang kulay berde kong mata. Maging ang salamin ay hindi ko nadin binalak pang magsuot nun. I take a deep breath then take my bag and started to go at the dining table.

"Good morning," Lou is already took the seat and started eating. Kaya umupo na din ako sa tabi nya. Parehas kaming naka uniform na at isasabay nya akong pumasok ngayon sa school since dala na nya palagi ang kotse nya.

"Morning," nagsimula na din akong kumain ng almusal.

"Why don't you take your car at the garage? Nandoon lang naman yun at ikaw lang ang gumagamit." Puna ni Louie sa akin.

Malapit lang naman ang apartment ko sa school kaya hindi ko na kailangan pang magkotse. Tsaka isa pa, nerd ako sa campus na yun kaya alam kong magtataka sila kung bakit may dala akong kotse no. Baka nga ineexpect pa nila, kariton ang dalhin ko. Psh.

"And, you look pretty. Bumalik ang dating itsura mo," Puna ulit nya. I just smacked his arm saka ako nagpatuloy kumain.

As soon as we arrive at the parking lot, Louie being a gentleman brother to me, open the door at my side.

"You're good to go, Milady." Yumuko pa sya ng bahagya. Siniko ko nga ang tyan nya kaya nagtawanan kami.

"Hala girl, is that Louie from PolSci Department?"

"He has a girlfriend na pala! And look, that girl, she's so gorgeous!"

"Pare, tranfer student yung girl?!"

"From marketing department yata, tingnan mo yung uniform oh!"

"Shit, she's sizzling hot!"

"Jerks," Louie said.

Sabay kaming naglakad paalis sa parking lot. Tuloy padin ang bulungan ng mga tao sa tuwing nadadaanan namin sila. Nakita ko naman si Caine sa usual place kung saan naghihintayan kami. Kung hindi ko lang kasama si Louie, baka hindi nya kami mapapansin. Mas lalo na ako dahil hindi sya sanay na hindi na nerd ang datingan ko sa campus.

"Wow," she said. "You look like a Obesco right now." Dagdag nya.

Pagpasok naming building, napapatingin ang mga tao. Mapa babae man o lalaki. Halos lahat ay nagtataka kung sino ang kasama ni Caine ngayon. Well.. nerd man ako o hindi lagi naman silang tumitingin sa amin. Ang pinagkaiba nga lang ngayon, may paghanga na at pagtataka ang tingin nila sa akin hindi katulad noon na nandidiri sila.

"Head turner kana," Caine teased me. Inirapan ko nga. "Mabuti naman at ayos na kayo ni Louie,"

"Oo. I'm happy right now, Caine."

Padating sa classroom, parang sementeryo sa sobrang tahimik. Nakita ko pa ang isa kong kaklaseng lalaki na nakaangat pa ang kamay nyang may hawak na papel at nakatangang tumingin sa akin. Kung hindi lang nya nabitawan ang papel na hawak nya at tumama sa mukha nya mismo, hindi sya makakabawi.

Umupo kami sa usual seat namin. Doon lang nagsimula ang bulungan at ilang mga pares ng mata na tumingin sa amin. Masanay na dapat ba ako?

"Hey," Joy approach us. I looked at her shocked is evident in her eyes. "Oh my God Louise! Green ba talaga mata mo?!"

I felt uncomfortable right now. Lalo na at malakas ang pagkakasabi nya nun. Tuloy ay nahakot nya lahat ng atensyon ng mga tao dito. Sa lahat ng tao dito, alam kong si Mysty at Caine lang ang nakakilala sa akin. Lalo na sa katotohanan na green ang mata ko. I looked at Mysty, agad akong nagtaka na din dahil gulat din sya ngayon at nakatitig sa akin. I smiled at her a bit. Napakurap sya at agad pinamulahan ng pisngi. Tuloy ay inasar sya nila Brea.

Missing PieceWhere stories live. Discover now