FOUR

2.6K 108 3
                                    

First week ng September ngayon at nandito ako sa bahay ng family ko. Nagulat nga ako ng si Daddy na mismo ang tumawag sa akin at pinapunta ako dito. Three years na din ang nagdaan bago nya ako kausapin. May kutob nga akong hindi maganda e. Pakiramdam ko, may masamang mangyayari.

Nakita ko si Louie na galing sa garden. Nalaman ko nalang na nagtake sya ng Political Science. Kaya naman pala hindi na ako pinupush ni Daddy na maglawyer. Si Louie pala ang sumalo.

"Lou," I called him. Hindi nya ako pinansin. "Louie, tinatawag ka ni Ate," doon lang sya huminto at lumingon sa akin.

"What?" His cold voice is the sign that he's mad at me. "Dapat hindi kana nagpakita pa dito," dagdag nya.

"I'm sorry," nakagat ko pa ang labi ko sa pagpipigil na lumuha. "I'm sorry if napunta lahat sayo ang pressure."

Bakit ba may ganito kaming ama? Hindi man lang binibigyan ng kalayaan ang anak nilang magdesisyon para sa future nila. Bakit kelangan sumunod kami sa yapak nila? Kinakain na yata ng kapangyarihan si Daddy kaya nagkakaganito ang pamilya namin! Pati tuloy ang relasyon naming magkakapatid, nagkakalamat na.

"Kung sumunod ka nalang sana sa gusto ni Daddy edi sana hindi ako mapupunta sa sitwasyon nato." That's it. Pagkatapos nyang sabihin yun ay iniwan nya ako sa sala. Nakita ko naman na malungkot lang na nakatingin sa amin si Levis.

Sa hapag ay para kaming magkaka-away. Walang mababakasan na tuwa sa mga itsura namin kahit na buo kaming pamilya ngayon. Tumikhim si Daddy kaya napunta sakanya ang aming atensyon.

"Since Louie will inherit my position, you Louise," nakatingin lang ako. Mababasa ko sa mga mata ni Daddy na may ipipilit nanaman syang bagay na ayaw ko.

"You will study next year at Harvard together with your cousin, Caine. And after that, we will talk something important. Papasukin na natin ang business industry since yan ang kinukuha mong kurso ngayon."

Agad kong binaba ang kubyertos na hawak ko. "No, Dad." I firmly said.

Pero tinaasan lang ako ng kilay ni Daddy. "I don't care on your opinion. That's final Javier Louise."

I looked at Mom pero wala syang sinabi. Tila ba alam nyang eto ang mangyayari at this time, wala na syang magagawa doon. Sinulyapan ko din ang kapatid kong si Louie na nakangisi sa akin ngayon. Si Levis naman ay nakatungo lang, hindi na kumakain.

Nagwalk out tuloy ako sa hapag at padabog na lumabas ng gate. Sa sobrang galit, pinagsisipa ko ang gulong ng kotse ni Dad. Doon ko binuhos ang lahat. Oo at pinabayaan na nya ako sa kursong kinuha ko pero pati ba naman kung saan ako mag-aaral papakialaman nya?!

Fuck this life!

Napadpad ako sa bahay nila Caine. Hindi na ako pumasok pa at hinihintay nalang syang lumabas sa bahay nila. Pagdating ay nakasimangot sya. Mukhang nalaman nadin nya ang plano ng magulang namin para sa aming dalawa.

"We're fucked up," parehas kami ng sinabi. Nagkatinginan kami saka natawa.

"Seriously, what's wrong with our parents?" Caine is now frustrated, so do I.

Mabuti nga si Caine, walang pigilan na naganap sa pagkuha nya ng kurso. Kahit na parehas namang Engineer ang parents nya, pinabayaan parin sya sa gusto nyang kunin. Kaso nga lang, ngayon nagdesisyon na din sila para kay Caine.

"My God, we have eight months left." I said. Napatango naman si Caine sa akin. "So, what's your plan?" I asked her.

Baka kasi may pagtakas na maganap, malamang sasama ako! Ayoko talagang magpunta sa Harvard. Bukod sa panibagong adjustments para sa amin, ayokong maiwan ang mga kaibigan ko.. lalo na si Mysty.

Missing PieceWhere stories live. Discover now