FORTY ONE

1.6K 52 3
                                    

Kung gaano katahimik at kalmado ang dagat, ganon naman katindi ang ingay ng aking isip at tensyon sa aking sistema. Lahat yata ng lakas ng loob ko na hinulma ko para lang maging girlfriend ko ulit si Mysty, parang bula na biglang nawala. Sa lahat ng 'what ifs' na naisip ko kanina, eto ang pinaka hindi ko inaasahan.

"Are you kidding me?" Gusto kong sampalin ang sarili dahil baka namali lang ako ng nadinig. Pero yung kaharap ko, seryoso lang syang nakatingin sa akin. Walang mababakas na pagbibiro sa kanyang itsura.

Tangina, Am I too late?

"T-to.. whom?" Ang aking puso ay tila ba tumatakbo ng sobrang bilis ngayon, na para bang gusto na nitong kumawala sa katawan ko.

Gustong-gusto ko talagang saktan ang sarili ko 'no? Ni hindi na nga ako makahinga ng maayos pagkatapos kong malaman na engaged na sya, tapos tatanungin ko pa talaga kung sino!

"Wayne," Hindi ko na namalayan pa na nabitawan ko na ang boteng hawak ko kanina. "Wayne Medina."

Putangina.

Napahawak ako agad sa aking dibdib kung nasaan ang puso. Hindi ko na maipaliwanag kung gaano iyon kasakit ngayon. Sa sobrang sakit, para na akong mamatay. Ang aking paningin ay unti-unti ng nanlalabo dahil sa luha na nag-uumpisa ng pumatak.

"L-louise.." Nag-aalala ng tumingin sa akin ngayon si Mysty. Lumapit na din sya sa akin at akmang hahawakan na sana ang balikat ko ng bigla akong kumilos palayo sa kanya.

"Don't.. please." Pagpigil ko. Gusto ko man ang paglapit nya sa akin pero ayoko naman sa ganitong sitwasyon kung kailan nasasaktan nanaman ako. Kung kailan sinasaktan nanaman nya ako..

Nanatili syang nakatingin sa akin ngayon. Nag-uumpisa na din syang maging emosyonal katulad ko.

"L-louise.. why are you acting like that?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Tinatanong ba talaga ako nya ng ganyan? Parang gusto ko nalang syang iwan ngayon dito dahil sa nakakabobo nyang tanong.

"M-mysty.. bakit nga ba?" Kumuyom ang aking kamao. "Bakit nga ba ako naging ganito pagkatapos kong malaman na engage kana? Simple lang naman ang sagot para sa tanong na yan, Mysty. Alam na alam mo yun pero nagpapanggap ka ka lang na hindi mo alam."

"I don't want to assume things, Louise. Besides, kahit alam ko man ang sagot, hindi ko iyon matatanggap. M-mahal ko.. si W-wayne," Napapikit ako ng mariin. Wala man lang ba syang konsiderasyon sa akin? Pinipilit ko na nga lang wag mahimatay ngayon sa mga nalaman ko mula sa kanya, tapos dagdagan nya pa ng mga ganyang salita. "Kaya kung.. may n-nararamdaman ka man parin para sa akin.. kalimutan mo na, p-please. D-dahil.. hindi ko na masusuklian yan ngayon,"

That's it. Tumayo ako agad saka nag-umpisang maglakad palayo. Nakasalubong ko pa si Caine na may dalang chips. Napahinto sya ng makita ang kalagayan ko ngayon. Malungkot lang akong tumingin sa kanya bago ko sya nilagpasan.

"Louise, what's wrong?" Pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa braso ko. "Why are you crying?" She added.

"I need to be alone, Caine. Please," tinanggal ko ang kamay nya sa aking braso saka nagpatuloy sa paglalakad.

Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na din alam kung saan naba ako dadalhin ng aking mga paa pero wala na akong pakialam doon. Mahina akong humihikbi habang maya't-maya kong pinupunasan ang aking pisngi. May mga turista din akong nakakasalubong at halos lahat sila, nagtatakang nakatingin sa akin.

"Do you need someone to lean on?" A girl with a long wavy brown hair approach me. Kahit nanlalabo parin ang paningin ko dahil sa luha, malinaw ko paring nakikita ang angking kagandahan nito.

Hindi ako nakakibo. Inayos ko din ang aking sarili dahil mukha akong gusgusing bata na nawawala. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa kaya napalingon ako sa kanya.

"Cute mo," nakangiti nyang ani. Nilahad nya ang kamay nyang may panyo sa akin. Kinuha ko naman iyon agad saka sya pinasalamatan.

"Tara," pag-aaya nya sa akin. Nabigla pa nga ako dahil hinawakan nya ang kamay ko saka nya ako hinila sa isang lugar. Sa labas palang, halata na kung ano iyon. Mula sa naglalakasang tugtog at hiyawan ng tao, ngayon lang ako natuwa na napadpad ako dito. Tapos may kasama pang isang babae na hindi ko pa nakikilala.

Pagpasok namin, binati sya ng mga waiter pati narin ng mga bouncers. Kahit naguguluhan sa nakita ay pinagsawalang-bahala ko nalang. Baka sya ang may-ari kaya kilala sya ng mga empleyado? At hindi lang mga empleyado ang bumabati sa kanya, maging ang mga customers din.

"George!" May isang lalaki ang lumapit sa amin. "You're here! Let's have some fun!"

Hindi pa yata ako napapansin ng lalaki dahil medyo natatakpan ako ng babae sa kanyang likod. At George? Ang ganda ng name ng kasama ko huh. Pang lalaki ang datingan.

"I'm sorry, may kasama ko. Excuse me," sabi nya saka nya ako hinila ulit.

Nakarating kami sa bar counter at doon na sya nag-umpisang umorder ng alak. Kahit na sobrang gulo ngayon ng lugar, hindi ko maitatanggi kung gaano kaganda ng loob nito. Maging ang music ay nakaka goodvibes talaga at hinding-hindi ka maboboring.

"So, why are you crying?" Tanong nya.

Uminom muna ako ng isang shot ng tequila. Ramdam ko ang hagod ng alak mula sa lalamunan ko kaya bahagya akong napangiwi.

"It's because I'm hurt,"

"Yeah, That's what I guess kanina. You know, mas okay kaya na ikwento mo sa isang stranger ang hinanakit mo sa buhay."

"I don't think I'll be able to tell you that. Besides, I know you already," Napaangat ang kilay nya sa akin. Amused din syang napangiti at tila ba hindi nya inaasahan na kilala ko na sya. "No, it's not what you think. I mean, I know your name already. Not the other way around,"

Natawa sya. Naiwan tuloy akong natulala at pinapanood sya. Bakit ganon? Kahit saang anggulo sya tingnan, ang ganda parin nya. Kahit siguro maging taong grasa sya, magagandahan parin ako sakanya.

"Sorry, akala ko kilalang-kilala mo na ako. Pangalan lang pala. Nagulat lang din ako dahil ikaw lang ang taong hindi nakakakilala sa akin. Are you sure, pangalan ko lang talaga ang alam mo? Wala ng iba pa?"

"Why? Are you that popular ba?" Naguguluhan kong tanong. "Anak ka ba ng Presidente?" Dagdag ko pa.

Ngayon hindi lang tawa ang ginawa nya. Napahagalpak pa talaga sya at napahampas pa sa akin sa braso. Naiwan nanaman tuloy akong gulong-gulo. Ano bang nakakatawa? Tsk. Ni hindi man lang sya humihinto sa pagtawa. Madami na ngang nakatingin sa amin at gulat na gulat sa babaeng kaharap ko. Saan bang galing planeta ang mga tao dito at ganyan nalang sila kagulat na gulat na tumitingin kay George? Psh. Nagpupunas pa sya ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Tss, ganoon na ba talaga katawa-tawa ang sinabi ko?

Mabuti pa sya, umiiyak dahil sa sobrang saya. Ako, umiiyak dahil sa sobrang sakit.

"Shit," mahinang ani nya. Saka sya natatarantang kumuha ng tissue at binigay iyon sa akin. "I'm sorry, wag kang umiyak."

Nawala ang saya sa kanyang mukha at napalitan ng isang pag-aalala. Napansin ko naman na sya na ang nagpunas ng tissue sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman pala ako.

"Oh, sorry. Ako na," saka ko kinuha ang binigay nyang panyo sa bulsa ko at ako na ang nagtapos ng pagpunas.

"If you're not comfortable telling your problem to me, that's okay. Let's just enjoy the night, shall we?"

Buong gabi ay hinayaan ko ang sarili na magpakalasing. Kung ano-ano na din ang napag-usapan namin ni George. Pero hindi ko binanggit kung bakit ako umiiyak kanina. Hindi pa siguro sa ngayon ko sasabihin sa kanya. Kung may pagkakataon man na magkita kami ulit ni George, baka pwede ko ng sabihin sa kanya iyon. Aaminin ko din na nag-eenjoy akong kasama si George. Hindi nya pinaramdam na nag-iisa lang ako ngayon. Parang ngang matagal na kaming magkakilala kung mag-usap e.

Pero sa bawat minuto na lumilipas, hindi parin nilubayan ni Mysty ang isip ko.

Missing PieceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang