TWENTY SIX

1.8K 79 1
                                    

"Louise, are you done?"

Hawak ko ang tuwalya paglabas ko ng banyo. Hindi ko na sinagot pa si Mysty sa kanyang tanong dahil pagkatapos nyang sabihin yun ay sakto naman ang labas ko. Nagtutuluan pa ang tubig mula sa buhok ko. Hindi ko kasi masyadong mapunasan dahil isang kamay lang ang ginagamit ko.

Masakit padin ang pilay ko kaya kapag magalaw lang saglit, napapapikit nalang ako sa sakit. Yeah yow! Ay.

Napatingin ako kay Mysty ng paupuin nya ako sa couch. Kinuha nya ang tuwalya mula sa akin at sya na din ang nagpunas nito sa buhok ko.

"Let's eat breakfast after this," mula sa likod ko ay ramdam kong sobrang lapit nya sa akin.

"I'm sorry if you'll have to do this, Mysty."

Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. Damn, ang sarap pakinggan oy. "Silly, I'm willing to be your nurse for today."

6AM pa lang, nandito na sya sa bahay at binulabog ang aking mahimbing na pagkakatulog. May nagtext daw sa kanya kagabi na napilayan daw ako at ngayong umaga nya lang daw nabasa. Kaya nagmadali na daw syang magpunta dito at heto na nga sya ngayon, inaasikaso ako. Sweet naman hays. Mainggit kayo please. Char.

And guess what kung sino ang nagtext? Si Lisa lang naman. I really want to thank her for doing that for me. Alam nya talaga kung paano sya makakabawi sa akin e.

After we ate breakfast, we decided to watch some movies sa aking new TV since yung dati ay sira na nga dahil sa kadramahan ko nun. Remind me not to ruin my things here when I get mad guys ha?

"I'm really shocked because I am not expecting her to text me." Sabi ni Mysty habang pumipili ng papanoorin namin ngayon.

Hindi naman kasi close si Lisa kay Mysty. At ganon din naman si Mysty sa kanya kaya siguro until now, parehas kaming nabigla sa ginawa ni Lisa.

"Ako din naman. Pero ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako kay Lisa."

Napatingin si Mysty sa akin. "May gusto ba sya sayo?" Kung paano nya iyon bigkasin ay may halong pagkainis. Napataas tuloy ako ng kilay ng wala sa oras. "Nevermind," pagtatapos nya ng usapan.

I chuckled because of that. Cute. "Wala syang gusto. Ikaw ba?"

"Anong ako?" She shifted her gaze from me, to the TV. Tila ba hindi sya mapakali sa tabi ko.

"May gusto ka ba sa akin?"

Ang ingay na nagmumula sa TV ay tila ba nawala sa aking pandinig at tanging tibok lang ng puso ko ang namayani. Nanatili akong nakatingin kay Mysty sa tabi ko na ngayon ay napapakagat ng kanyang labi. Dapat ko bang bawiin?

Agad nanlaki ang mga mata ko dahil bigla kong naalala ang pag-amin ko sa kanya nung nakaraan. Na hindi dapat sya mapressure, or wala akong hinihinging kapalit sa kabila ng pag-amin ko sakanya. Napapikit tuloy ako ng mariin at halos batukan ko na ang sarili dahil sa katangahan.

Napilay lang ako pero pati yata utak ko nagkaroon ng diperensya.

"Mysty, I'm just kid—"

I was caught off guard when she hold my nape, and kissed me! The moment she move her lips to mine, I felt something. Something that she wants to tell me through her actions. Did she.. did she like me too? I guess that's her answer for my question. But I don't want to be assured because of that. I want to hear her answer. Pero ayokong magdemand ngayon. Ise'settle ko nalang ang pagiging curious ko sa kung ano man ang gusto nyang iparating ngayon.

Missing PieceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora