THIRTY

1.8K 74 0
                                    

"M-mysty.."

Lumapit ako agad sa kanya. She bit her lower lips, trying to hide how mad she is. Base sa kanyang reaksyon, narinig nya ng malinaw ang sinabi ni Ysabelle.

Speaking of Ysabelle, she's now looking at Mysty from head to toe. She's checking her out obviously. Seryoso lang sya sa ginagawa nya. Hindi ko mabasa kung ano ang susunod nyang gagawin o sasabihin ngayong nasa harap na namin si Mysty.

"It's okay if you like her, Miss." The way Mysty said that, parang may pagmamayabang doon at tila ba wala man lang akong makapang galit sa mga sinabi nya. Napa-awang pa nga ang bibig ko sa sinabi ni Mysty. Ano daw? Anong ibig nyang sabihin doon?

"Sino ba namang hindi magkakagusto sa girlfriend ko? She's really a girlfriend material. I'm aware na marami ang nagkakagusto sa kanya, Miss. And I'm not that shocked na pati ikaw ay nagkagusto din. Pero.."

Mysty's hands intertwined on mine. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano sa mga narinig ko mula kay Mysty. Pero mas lamang ang pagiging kabado ko habang nakatingin sa kanya. Ang kanyang nagbabagang tingin sa amin kanina ay napalitan ng isang ngiti. Pero hindi ako naniniwala sa ngiti nyang iyon. Para syang bagyo ngayon na nagbabadyang maghasik ng delubyo kay Ysabelle. Natatakot tuloy akong magsalita o kumilos sa tabi nya dahil baka mamaya isang pagkakamali ko lang, matigok na ako ni Mysty.

"I'm sorry to disappoint you but this girl besides me, the one that you like.. is now my girlfriend. So please, know your place."

Ang ingay mula sa paligid namin ay tila ba biglang nawala. Nakita ko kung paano ngumisi si Ysabelle sa amin ni Mysty habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.

"Don't worry, I don't have intentions on stealing Javier from you.. at least." After she said that, umalis na sya at naiwan kami ni Mysty.

Binitawan na nya ang kamay ko. Ang kaninang postura ni Mysty ay nawala. Blangko nya akong tiningnan saka sya naglakad palayo sa akin.

Agad ko naman syang sinundan. Yari na talaga! Napakamot ako sa aking kilay. Nakita ko pa ang mga kaibigan ko na pinagtatawanan pa ako. Mga baliw! They all mouthed at me 'lagot ka'. Pinandilatan ko lang sila ng mata.

"Mysty!" I called her. Hindi nya parin ako pinapansin. Ang bilis nyang maglakad kaya hindi ako nakakasabay sa kanya. Maraming ring tumatawag kay Mysty sa bawat pagdaan nya. Pero pati sila, hindi nya din pinapansin.

Tinakbo ko na ang distansya sa pagitan namin. Hinawakan ko ang kamay nya ng maabutan ko sya kaya nabigla pa sya at napahinto din naman agad.

"B-babe.. please don't be mad at me." I even squeeze her hand. Ramdam kong hinihingal pa ako kaya isang malalim na buntong-hininga ang ginawa.

"I'm sorry.." I sincerly looked at her.

"Not now, Louise." Hindi sya nakatingin sa akin habang sinasabi nya iyon. Pagkatapos ay pinaghiwalay nya ang kamay naming dalawa.

"Mysty, please. Hear me out," Inabot kong muli ang kanyang kamay. "May kasalanan kasi-"

"President! We need you here!"

May sumulpot na isang student council officer. Wala tuloy akong nagawa kundi ang bitawan nalang sya at hayaan syang makaalis.

Bumalik tuloy ako sa barkada na bigo. Ang mga tingin nila ay tila ba mapang-asar pero hindi ko nalang pinansin yun. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kanila ngayon.

"Do you need a rope?" Caine asked me that out of nowhere. "What? In case you want to hang yourself in ceiling."

I just glared at her. "Caine, please. I'm not in the mood."

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon