TWENTY SEVEN

1.8K 86 2
                                    

Nagsimula na ang laban namin mula sa iba't-ibang school pagdating nung Lunes. At sa bawat laban nila, hindi ako nakapaglaro. In short, nabangko ako. Pero wala naman akong angal dahil nga sa pilay ko na ngayon ay magaling na. Kaya ko na din itong igalaw at i'stretch.

Sa bawat laban ay panalo kami kaya ngayong friday na, ay nakaabot kami sa championship. Well, sa araw din na ito, ay sigurado akong makakapaglaro na ako. Ang tagal kong hinintay na maranasan ulit maglaro sa championship. Ngayong nangyayari na, masyado akong kinakabahan tuloy at the same time, nae'excite.

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Sobrang daming tao at may kanya-kanyang dalang banners or pampaingay. Nakita ko din si Louie kasama si Mommy at Levis malapit sa bench namin. They mouthed at me saying 'good luck' na agad ko namang nginitian at tinanguan. Hindi na ako nag eexpect na makikita ko si Daddy. Never naman nya akong sinuportahan e. Nagawa nya pa ngang pakialaman ako. Anyway, kumpleto din ang barkada na nakaupo mismo sa likod ng bench namin kaya malaya nila akong nakakausap anumang oras.

I waved at Mysty, whose now smiling genuinely at me. "Fighting, Louise!" Sabi nya sabay angat ng malaking illustration board na may nakalagay na 'Good luck my MVP.'

Oh? Mainggit kayo ulit please.

"Bat ang excited mo ngayon eh bangko ka lang naman ulit." Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil kay Sam na sumulpot sa tabi ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang baliin ang kamay ni Samantha para sya naman ang mabangko o wag nalang patulan ang kanyang pang-aasar. Sa huli, inirapan ko nalang sya na tinawanan nya lang.

Maya-maya lang, napansin ko ang pagsiko nya sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. May tinuturo sya sa likod ko, sa pamamagitan ng kanyang mata kaya napalingon ako doon. Nagulat ako dahil nakatayo doon si Ysabelle, blangko ang tingin na binigay nya sa akin.

Wala na silang laban ngayon dahil natalo sila ng team namin. Kung sila ang nanalo, sila sana ang makikipaglaban ngayon sa pwesto namin.

Naalala ko nanaman na hindi ko sya kinita nung sabado ng gabi. Medyo awkward nga ako kahit nung naglaban na ang grupo nila sa grupo namin, hindi ko man lang sya matapunan ng tingin. Hindi pa nga ako nakapagsorry nun hanggang ngayon kaya nahihiya ako sa harap nya.

"Ysa," I called her. She shot her eyebrow up.

Sobrang intimidating nya ngayon. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga barkada ko na nakiki usyoso sa amin. Pero si Mysty, tahimik lang na tinitingnan kami.

"I'm glad kilala mo parin ako," Note the sarcasm on her voice.

"I'm sorry, may ginawa ako kasi nun e." Nanatili ang kanyang blangkong tingin sa akin. Kahit na wala talaga. Lord, sorry po."Let's just meet some other time. Makabawi man lang ako sayo,"

"No need," she smirked. "I just came here to tell you good luck, Obesco." after that she left. Ni hindi man lang ako hinayaang magpasalamat. Hay.

"Sana all may goodluck from Ysabelle!" Sigaw ni Samantha. Damn, halos lahat pala sa team ko nakatingin sa amin. Pinandilatan ko nga ng mata si Sam.

Napatingin naman ako kay Mysty na ang sama ng tingin sa akin. Napaiwas tuloy ako sa kanya at bahagyang napalunok.

Simula pa lang ng laro, sobrang intense na. Halos nagpapalitan nalang kami ng scores. Ang mga sigawan ay nakakabingi na at nakakadistract na din paminsan-minsan. Pero hindi na kami makapagreklamo dahil ganito naman talaga kapag may laro. Lisa, eyed us seriously. Nandoon ang pakikipag-usap nya sa amin. Binibigyan kami ng motivation kaya mas lalo kaming naging determinado. Naiinis na din ako sa sarili ko dahil nagpapadala ako sa kaba kong nararamdaman ngayon. Tuloy ay hindi ako makapaglaro ng maayos at maka puntos.

Missing PieceWhere stories live. Discover now