FIFTY TWO

2K 65 7
                                    

Napuno ng hiyawan ang buong lugar dahil sa paglalaro namin ng volleyball. Halos lahat yata ng tao na dumadaan, napapahinto para lang makanood ng paglalaro namin.

Tiningnan ko si Ysabelle na nakangisi na ngayon sa akin. Tss. Competitive masyado! Porke nandito si Brent, pinapanood sya eh!

"What?" Inosenteng tanong ni Ysabelle sa akin.

"What, what ka dyan! Pasikat ka eh," Inis kong sabi.

Tinawanan nya naman ako. "Matatalo lang kayo eh," mayabang nyang sagot sa akin.

"Sus, kung makaganyan ka sa akin, parang hindi mo ako nagustuhan noon ah!" Wala sa sarili kong sinigaw yun sa kanya.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang reklamo at sigaw ni Brent sa tabi. Tawa naman ako ng tawa dahil hindi na maipinta ang mukha ni Brent, maging ni Ysabelle ngayon.

"Tama na landian, maglaro na kayo!"

Napalingon ako sa gilid. Si Mysty ang sumigaw at ngayon ay nakasimangot na naghalukipkip katabi si Joy na tawang-tawa naman. Nga pala, nandito ang buong barkada dahil gusto din daw nilang magbeach. Psh, baka sinundan lang ako ng mga 'to eh.

"Oh, someone's jealous!" Pang-aasar ni Ysabelle. Talagang sinigaw pa nya eh.

Nagpatuloy ang laro at natalo kami. Paano ba naman, ako lang ang kumikilos at halos walang kaalam-alam maglaro ang mga kakampi ko hindi katulad sa side ni Ysabelle na may dalawang marunong maglaro.

"Oh, saan ka pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad. Lalapit sana ako kila George matapos ng laro ng biglang lumitaw si Mysty sa harap ko. Really? Joy the kabute na din ba 'to?

"To my friends?" Sagot ko.

"Pwede bang tayo muna ang magsama ngayon?" Pakiusap nya.

Ang mga barkada naman namin ay nagkanya-kanya na. Mukhang iniwan talaga nila si Mysty para ako ang makasama nya. Hindi naman ako tututol doon dahil kahit ano mang gawin kong pagtanggi ay talagang namiss ko sya. Isang buwan ba naman kaming di nagkita e.

"Let's go," sabi ko saka ko hinawakan ang kamay nya. Napansin kong pinipigilan nyang mapangiti habang naglalakad na kami papunta kila George na ngayon ay kumakain na.

"Oh, baby try this!" George approach me with shrimp in her hand.

"Tss, baby her ass," dinig kong ungot ni Mysty. Padabog nya ding binawi ang kamay nyang hawak ko at naghalukipkip nanaman sa tabi ko.

"Ah, George may kasama ako." Sabi ko nalang at hindi tinanggap ang hipon sa kamay nya.

"Oh! Mysty, right?!" Masiglang ani ni George. Nakalimutan nya na din ang papatikim nya sanang hipon sa akin.

Ngumiti naman ng pilit si Mysty at bahagyang tumango. Hinawakan ko ang kamay nya ulit saka kami nag-excuse kay George na ngayon ay hinaharot na ni Ashton. Lumapit kami sa table nila Ysabelle. Tinaasan naman ako ng kilay ni Ysabelle at mukhang hindi din papakabog sa pataasan ng kilay si Brent. Mas mataas pa nga ang kilay na ginawad nya sa akin kaysa kay Ysabelle eh.

"Seriously, Brent? Naiinis ka parin don?" Natatawa kong tanong.

"I don't know that you two have a thing before!" Ngayon ay nakasimangot na ito at nakanguso pa.

"Anong kaming dalawa? Sya lang 'no!" Sabay turo ko pa kay Ysabelle na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. "Sya lang may gusto sa akin," mahinang usal ko kay Brent. Grabe, nakaka'intimidate naman tong Ysabelle na'to.

Napa'igtad naman ako sa kurot ng katabi ko. Shet, nakalimutan kong kasama ko pala si Mysty! Malamang ay nakasimangot nadin ito ngayon.

Missing PieceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz