FOURTEEN

2.1K 89 2
                                    

Tagaktak na ang pawis sa mukha at katawan ko. Masyadong naging mainit ang laban namin sa pagitan ng grupo ni Sam. Naririnig ko din ang hiyawan ng mga taong nanunuod na karamihan ay si Samantha ang sinusuportahan. Hindi ko nga napansin na madami na palang estudyante na nanunuod. Hindi nadin nakaalis pa si Mysty, Ian at Louie sa bench dahil balak pa yata nilang tapusin ang laro namin.

Tinignan ko ang kabuuan ni Samantha. Seryosong-seryoso sya ngayon at walang mababahid na pagbibiro. Talagang sineryoso nyang tatalunin nya ako eh? Yan kasi ang sinabi nya bago kami magsimula. And since ang tagal ko ng hindi naglalaro, pati narin hindi ko alam ang mga strategy at kilos ni Sam, nahirapan kami sa unang set at sila ang nanalo. Pero ngayong second set, nakikita ko na ang kahinaan ng kabila at ginagawa namin iyon ngayong advantage ng grupo ko.

"Yes!" Napasigaw ang isa kong kasama at nakipag apir pa sa akin. Hindi ko pa kilala ang mga kasama ko sa totoo lang. Mamaya ko nalang sila tatanungin kung ano ang pangalan nila.

Pumalya kasi ang bola sa kabila nung ako ang pumalo. Dumaplis sa kamay ng kakampi ni Sam.

At dahil din doon, kami ang nanalo sa second set. Binigyan kami ng 10 minutes na pahinga ni Coach. Nagbuo lang kami ng plano kung paano kami mananalo para sa 3rd set.

Pumito na si coach kaya kumilos na kami at pumwesto na sa court.

"Louise!" Tawag sa akin ni Samantha. Tiningnan ko lang sya. Mukhang may balak yata ang babaeng to ah? "Let's take a bet, shall we?"

"I don't do bet!" Sigaw ko para marinig nya. "Let's just finish this!" I added.

Pumito si coach. Nasa kabila ang bola at sila ang papalo. Nag-umpisa ang sigawan ng paluin na ni Samantha ang bola. Nadedehado na kami dahil wala pang kalahating minuto, ramdam ko ang mga kagrupo kong sobrang kabado.

"Come on guys! Don't be afraid! Just trust our team!" Pagpapalakas ko ng loob sa kanila. Nabuhayan naman sila ng loob. Ang kaninang mga kabadong mukha ay napalitan ng determinadong itsura. Napasulyap pa ako sa gawi nila Louie, Ian at Mysty. Sobrang nagcheer sila para sa amin. Nagkatinginan kami ni Mysty.. isang napakalawak na ngiti at pagtango nya palang pakiramdam ko full charge na ang katawan ko.

The moment when I slammed the ball papuntang kabila, parang nag slow motion ang lahat at tanging bola lang ang tiningnan ko. Nasalo naman iyon ng kabila pero sa pangalawang pagkakataon, dumaplis iyon sa kamay mismo ni Samantha at di na nya naagapan pa. Pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Nabingi ako sa sigawan ng tao matapos iyon mangyari.

Isang pito ang nanaig sa buong court. At isa isang damba at yakap ang nangyari sa grupo namin.

We won.. "Oh my God," mahina kong nasabi, nanlalaki ang mga mata.

"Nanalo tayo!!!!" Sigaw ng kasama ko. Doon na ako tumalon.

Tumingin ako kay Mysty, nakatayo sya at pumapalakpak sa amin. I suddenly run after her and hugged her immediately. Naramdaman ko ang pagyakap nya pabalik at pagtawa nya sa akin.

"Good job," she said then patted my back. Humiwalay sya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. My heart started to beat faster than usual.

"Ate, nandito pa kami!" Sita ni Louie.

Doon ako biglang natauhan. Nanlaki ang mata ko at napalayo kay Mysty. Nakikita ko ang pamumula nya ng mukha at sa tingin ko, ganun na din ang nangyayari sa akin.

"Nako, kaya pala determinadong manalo! Nandyan ang inspirasyon!" Sigaw naman ni Joy.

Nandito na din pala ang buong barkada. Tuloy ang parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Buti nalang at tinawag ako ni coach.

"That was an awesome game!" Coach said while wiping his sweat. Masyado din siguro syang natense sa laban namin. "I thought nasa totoong laban na tayo when in fact, it's just a practice game."

Dumating si Samantha at tinapik ang balikat ko. "Grabe, legend ka talaga ng Western high."

Ang dami kong narinig na papuri. Pero hindi ko yun lahat nilalagay sa ulo ko. Hindi lumalaki ang ulo ko sa mga ganong bagay 'no. As much as possible, ayoko sanang puriin ako dahil ginagawa ko lang naman ang dapat sa laro.

Naligo pa ako at nagpalit ng damit. Nakita ko pa ang barkada sa labas, inaabangan ako. Maging si Louie ay nandoon din. Wala na nga lang si Ian.

Lumapit si Louie sa akin, nakasimangot. "Ate, I'm going." Paalam nya.

"Why? Let's grab some food Lou,"

"Naiinis ako sa isang kaibigan mo kaya bago pa sya samain sa akin, uuwi nalang ako." He kissed my forehead. "Bawi ka nalang next time," then he winked at me before walking away.

Nakarating kami sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Brea. Ang ingay namin mula paglabas ng school hanggang pagdating sa lugar. Napansin ko si Mysty na tahimik at ngumingiti lang sa gilid. Siguro naiilang parin sya sa nangyari sa amin.

Sagot ko lahat ang kinain namin. Kaya tuwang-tuwa ang barkada, lalo na si Caine. Nag-umpisa na kaming pagsaluhan ang pagkain.

"Buong campus yata, nanuod sainyo." Uminom pa ng tubig si Eli matapos nya iyong sabihin. "Narinig nga lang namin sa mga tao na nadaanan namin na naglalaro ang nerd daw na si Louise. Alam namin agad kung sino yung tinutukoy nila kaya nagmamadali kaming pumunta sa gym!"

"Peroooo," OA na sinabi ni Joy. "Grabe ang sweetness na may pagyakap at paghalik pa sa pisngi na naganap sa pagitan ng dalawa dyan ah!" Parinig nya sa amin dalawa ni Mysty.

Doon kami tuluyan inasar ng grupo. Kasing pula na ng kamatis ang mukha namin ni Mysty. Mabuti na nga at sa malayo ako umupo at hindi sa tabi ni Mysty. Kasi sobrang awkward kung nagkataon.

"Babe?"

Natahimik ang lahat ng sumulpot si Wayne. Ang ngiti sa mga mukha ko ay napalitan ng simangot hanggang sa naging seryoso.

"W-wayne.." Mysty called him.

"Tara doon," tinuro ni Wayne ang kagrupo nya na katulad namin ay nagkakasiyahan at kumakain din doon. "Oh, hi guys!" Bati nya pa sa amin.

"I'm sorry Wayne. Maybe some other time nalang." Pagtanggi ni Mysty sabay tingin sa akin.

Good. I said to myself. Kasi kung sumama talaga sya, baka buong hapon na akong nakasimangot.

"O-okay," napakamot pa si Wayne sa kanyang batok. "But if you'll change your mind, punta ka nalang babe ha?"

Hindi ko na sila tiningnan. Lalo na at mukhang hahalikan pa nya si Mysty sa pisngi. Wala akong narinig na sagot ni Mysty. Tanging ingay ng kubyertos ang namutawi sa paligid naming magbarkada. Nakita ko pa si Joy na nakasimangot din at tahimik lang na nagpatuloy sa pag kain.

Tsk, friends lang daw ah? I said at the back of my mind. 'She kissed you nga at your lips pero friends lang din kayo' Agad na apila ng mind ko. Kaya pasimple akong umiling. I'm crazy!

"Hey," Caine is now tapping my thighs. "Para kang nakikipagtalo sa sarili mo." She whispered.

"Oh please, shut up Caine." I hissed.

Natapos ang aming pag kain at nag kanya-kanya sa pag uwi. We bid goodbyes to each other.

"Bye, Mysty." I said.

She smiled and nod at me. "See you, tomorrow Louise." She said and then.. kissed me again at the cheek.

Missing PieceWhere stories live. Discover now