TWENTY TWO

1.9K 80 4
                                    

5AM palang, gising na ako at nag-aayos na para sa maagang pagpasok sa school. Kaya din ganito kaaga dahil ang practice namin sa volleyball ay mayroon na sa umaga na aabutin ng isang oras. Para pagdating sa hapon, isang oras nalang din ang practice namin at hindi kami gagabihin masyado.

Sinipat ko pa ng tingin ang buong apartment saka ko nilock ang pinto at nakangiting nagpunta kay Lisa na nakasandal lang sa kanyang kotse at naghihintay sa akin.

"Oy, good morning Lis!" Bati ko sa kanya. Halata pa ang antok sa kanyang mukha.

Nginitian nya lang ako saka sya humikab. "God, morning sucks!" kita ko ang frustrated nyang mukha kaya natawa ako.

Two days na kaming ganito. Simula nung magkaroon na kami ng practice sa umaga, sinusundo na nya ako dito para sabay na kami pagdating sa court. Nandoon parin naman ang tuksuhan ng grupo namin pero kami? Tinatawanan lang namin sila. Nung una, sinuway namin sila pero wala namang pinagbago, ganon parin.

"Good morning," Samantha greeted us behind our back pagpasok namin ng court.

Katulad ni Lisa, halata din ang antok sa kanyang itsura. Hanggang sa naging kumpleto na kami at nagsimulang mag warm up.

Practice ends at exactly 7AM. Lahat kami ay sabay-sabay na nagpuntang cafeteria. Pagdating nga ay halos hakutin na namin ang atensyon ng mga tao doon. Lalo na at nangunguna si Lisa sa grupo namin na tinabihan naman ni Samantha at Via. Humiwalay naman ako agad pagkatapos kong magpaalam sa kanila dahil nakita ko na sila Caine na nakaupo na at kumakain.

"Good morning," binati ko sila lahat. I even smiled at Mysty na syang tinugunan nya din ng isang ngiti.

Sa kanya mismo ako tumabi. Pinaalis ko pa nga si Joy na agad namang sumunod pero syempre, hindi na mawawala ang pang-aasar sa akin ng bruha.

"Tired?" She asked me. Binigyan nya din ako ng tuna sandwich. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Oorder na kasi ako ng food ng bigyan nya ako nun. "Para sayo talaga yan, Louise."

Napuno nanaman ng tuksuhan ang table namin. Tinawanan lang namin sila ni Mysty. Enebe.

"Busy kana din masyado ngayon diba?"

Tumango sya habang kumakain din ng tuna sandwich nya. Pwede ba akong kiligin? Iniisip ko parin kasi hanggang ngayon na ginagawan ako ng sandwich ni Mysty. Ang effort ng bebe ko. Ay.

"Mas busy ka kaya. Puro na kayo practice. Sabagay, isang linggo nalang laban nyo na."

"Kaya nga. Hindi nga man lang ako ginaganahan sa practice e." Napatingin sya sa akin.

"Bakit? Nandoon naman sila Sam pati nadin yung Lisa." Napataas ako ng kilay sa narinig. Pano ba naman, ang sungit ng datingan nya habang sinasabi nya sa akin yun.

"Syempre, teammate ko sila. Iba parin kapag yung taong gusto ko yung nandoon. Kaya Mysty, manood ka mamaya ah?" Napanguso ako at nag puppy eyes pa talaga sa kanya. In short, nagpapakyut ako. I'm just trying my luck here. Baka kasi bumigay sya kung magpakyut ako sa harap nya.

"So, gusto mo pala ako?"

I was caught off guard because of that. Fudge, nadulas ako? Nanlalaki ang mga mata kong napaiwas ng tingin at napalunok ng wala sa oras. Para makaiwas ay hindi ko sya pinansin at inabala nalang ang sarili sa pag kain ng binigay nyang sandwich.

Napabuntong hininga ang katabi ko saka nakangiting umiiling pa sa akin. "Kung maaga akong matatapos sa gagawin ko mamaya, sige. Manunuod ako."

Agad sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi lang dahil sa manonood sya, kundi hindi man lang sya nagalit or nainis sa nalaman nya mula sa akin. Hindi ko man diretsahan na nasabi kong gusto ko sya, at least may alam na sya kahit papaano diba?

Missing PieceWhere stories live. Discover now