TWELVE

2.3K 108 5
                                    

"Louise Obesco?"

I stopped from walking when an Architecture student called me. Base na rin kasi sa suot nyang uniform at ID lace kaya alam kong Architecture ang kinuha nyang course. Tahimik lang akong naglalakad papasok sa gate ng school, naudlot lang dahil sa kanya. Parang hindi pa nga sya makapaniwala na nakikita nya ako sa harap nya e.

Pero wait? She's familiar..

"Ikaw nga!" Lumapit sya sa akin at bigla nya akong hinawakan sa braso.

"Wait Miss," Medyo nagugulat ako sa inasta nya ngayon. Para syang si Joy, feeling close nung una kaming nagkakilala. "Hindi kita kilala,"

"I'm Sam," nilahad nya ang kamay nya sa akin. Pero hindi ko yun tinanggap. "Oh come on, Louise! Don't you know me?!"

I just looked at him seriously. Psh, Arte.

"I'm your schoolmate at the same time your teammate nung highschool!" Huh? I'm still trying to think kung saan ko ba sya nakita pero wala talaga akong maalala e.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sya din ay sumabay sa akin. Hanggang ngayon, nakahawak parin sya sa braso ko. Lalo tuloy dumami ang mga nakatingin sa amin at bulungan nila. Ang ganda din naman kasi ni Sam. Kaya hindi na ako nagtatakang titigan sya ng mga estudyante. Ang dami nyang sinabi pero isa lang ang natandaan ko sa lahat. Kasama ko sya sa Volleyball Team nung high school ako.

Kaya pala familiar sya. Pero may hindi ako maintindihan na feeling kasi. Parang nagkita na kami nitong nakaraan lang.

"I thought namamalikmata lang ako nung nakita kita sa party ni Eli. Ikaw pala talaga yun?"

Okay, that's it! Sya yung babaeng humalik sa akin sa party ni Eli! Yung nakita kami ni Mysty!

Lumayo ako agad mula sa pagkakakapit nya sa akin. "You kissed me that night!"

Nanlalaki ang mga mata nyang tumingin sa akin. "What?"

"Uulitin ko pa ba?" My voice is so serious. Hindi kasi talaga ako natuwa nung gabing yun e. Dahil doon, napagbintangan ako ni Mysty na cheater!

"I-i'm sorry.. I'm so drunk that night. Hindi ko maalala," bakas ang sinseridad sa boses nya. Kaya medyo nawala tuloy ang galit ko. Sabagay, sobrang wasted nya nung time na yun. Nakatulog pa nga nung iwan namin sya ni Mysty e.

Hanggang sa makarating kami sa room ko, kasama ko parin at nakakapit parin sya sa akin. Oo, hinatid nya pa ako bilang pagbawi daw sa kasalanan nya. Ginawa pa akong bata e. Naabutan pa namin si Eli sa pinto, may kausap din pero umalis na.

"Oh, Louise! Sam!" Bati nya sa amin. Nakipag beso pa sya sa aming dalawa. "Magkakilala pala kayo?"

"Hindi ko sya kilala," pag tanggi ko.

"Aray ha, nagpakilala naman na ako sayo ah!" Sinamaan ko sya ng tingin. May pagtulak pa kasi syang nalalaman sa akin.

"Pasok nako," paalam ko kay Eli. Tinanggal ko muna ang braso ni Sam sa akin saka ako naglakad.

Tinawag pa ako ng barkada ni Mysty kaya binati ko muna sila at nginitian. Nasulyapan ko si Mysty na seryoso lang na nakatingin sa akin. Luh, problema nanaman nito?

"Hi, Mysty." Bati ko. Tumaas ang isang kilay ko ng ismiran nya lang ako at tinalikuran.

"Hala, LQ!" Si Brea. Nagtawanan silang dalawa ni Joy.

"Shut up," naiinis na tugon ni Mysty.

Hindi na ako umimik pa at umupo nalang sa tabi ni Caine.

"So, did she invite you to try out?" Bungad nya sa akin pagkaupo ko. Tiningnan ko lang sya ng may pagtataka. "What? She's Samantha, volleyball player of this school." Dugtong nya pa.

Missing PieceWhere stories live. Discover now