THIRTY NINE

1.7K 65 0
                                    

Kinabukasan, nag-ayos bandang tanghali dahil kailangan ko pang ipaalam sa kumpanya na papasukan ko na magsisimula na ako sa lunes. Next week pa talaga ako pinapapasok ng boss ko. Ayoko namang mamatay sa sobrang pagkabored dito kaya ipapaiba ko ang nakatakdang araw ng pagpasok ko. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas ngayon.

Yun lang ba talaga? Napapikit ako agad dahil sa pag-angal ng mahadera kong isip.

Pagkagraduate ko sa Harvard, nagpunta ako agad ng New York at doon nag apply ng trabaho sa kompanyang pinapangarap kong pasukan. Sinwerte naman ako agad dahil natanggap ako. Sa loob ng dalawang buwan kong pagtatrabaho doon, madami na akong achievements na nakuha. Naging dahilan tuloy iyon para isama ako ng boss ko pauwi sa Pilipinas kung saan may branch din ang kumpanya dito.

Kaya kami pumunta dito dahil may isang client kaming bigatin. Nag request sila na galing sa main branch ng company which is nasa New York nga. Ang dapat na gagawa ng commercial para sa brand na ilalabas ng kompanya na iyon dito sa Pilipinas. Pumayag naman ako agad na dito muna magtrabaho sa loob ng tatlong buwan. Iyon din kasi ang nasa usapan namin ng boss ko.

Wala pa naman talaga akong balak sanang bumalik sa Pinas. Kulang pa ang walong buwan para sa akin. Para makalimot sa mga sakit na nangyari mula ng nawala ang Nanay at kapatid ko.

Pagpasok ko palang sa building, madami na agad ang sumisipat ng tingin sa akin. Bakas doon ang paghanga maging ang mga manyakis na tingin ng iba. Napapairap nalang tuloy ako sa mga nakikita.

Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 20th floor. Marami din akong nakakasabay na empleyado. Nanatiling seryoso ang itsura ko kahit na nakakairita na ang tingin na pinupukol nila sa akin.

"Louise!" Bungad sa akin ni Brent pagtapak ko ng office nya. "Don't tell me, gusto mo ng pumasok sa lunes?" Tanong nya.

I rolled my eyes. "Oo! Sa ayaw at sa gusto mo, Sir Brent,"

Napahawak naman sa kanyang ulo ang aking boss. Tss, tama kayo ng iniisip. Si Brent na tinawag ko at ang boss ko ay iisa. Kung mapapansin nyo, para lang kaming magtropa kung mag-usap. Ganon na kami agad kaclose nyan kahit dalawang buwan palang ang tinagal ko sa kumpanya. At isa pa, hindi lang sya basta boss ko. Sya ang big boss! The CEO of the company lang naman. Nung una halos mahimatay ako sa nalaman dahil hindi halata. Ang simple nya lang manamit at sya ang una kong nakaclose agad. Akala ko head ng department namin yun pala mas mataas pa sa posisyon na yon ang posisyon nya!

"Tsk, tigas ng ulo,"

Hindi ko nalang sya pinansin at inabala nalang ang sarili sa aking cellphone. Madami akong nakikitang articles na naglalaman ng rumors tungkol kay Brent. Pero may isang nakapukaw ng atensyon ko. Natatawa tuloy akong umiiling habang palapit sa kanya dala parin ang phone ko.

"Oh, rumored girlfriend mo na ako," Napalakas ang aking pagtawa ng makita ko kung paano bumusangot ang kanyang mukha.

"Ang eww naman," Nilayo nya pa ang phone ko sa kanyang harap saka ngumiwi ulit.

Brent is gay. Kaya kapag ganitong may issue, hindi ko mapigilang asarin sya. Nakikita ko kasi kung gaano sya sukang-suka kapag may fake news na ganong kumakalat tungkol sa kanya.

Grabe naman ang mga paparazzi dito. Magkasama lang kaming lumabas ng airport kahapon at nagtatawanan, girlfriend na agad. Iba talaga ang lahi ng mga chismosa dito sa Pinas eh.

"So, what is your plan for your the one that got away?"

Nawala na ang inis sa kanyang itsura at napalitan ng isang mapanuksong tingin. Sa sobrang kumportable namin sa isa't-isa pati iyon ay alam nya na din. Sabagay, yung biggest secret nya nga na gay sya sinabi nya sa akin e. Biggest secret kasi hindi pa alam ng parents nya. Safe naman ang sikreto nyang iyon sa akin kaya hindi sya nag-aalala na sinabi nya sa akin iyon.

Missing PieceWhere stories live. Discover now