SIXTEEN

2K 91 0
                                    

Pangalawang beer na ang naiinom ko pero nanatili parin akong tahimik. Ganoon din naman ang katabi ko. Actually, hindi pa nga nya nauubos ang una nyang beer. Mukhang wala syang balak magpakalasing. Sabagay, ako lang naman ang may problema. Problema sa Tatay ko, at problema sa kanya.

Kumuha ako ng chips. Madaming beer in can sa tapat namin ngayon. At ang nakaisip nito? Sya mismo. Mas maganda daw pag-usapan kung idadaan namin sa inuman. Seriously? Para syang tambay sa kanto kung magsalita.

"Hinay-hinay lang," awat nya sa akin. Dire-diretso ko kasing ininom ang beer. Tuloy ay nasa pangatlong beer na ako.

"Ilapat mo 'to sa pisngi mong namumula." Sabi nya pa sabay bigay ng ice pack sa akin.

"Hindi na," binalik ko iyon sa kanya. "Mawawala din 'to. Isipin mo nalang nagblush ako."

Nag-uumpisa ng gumaan ang atmosphere sa pagitan namin lalo na at tinawanan nya ang biro ko. Mukhang tinamaan na ako sa nainom ko ah. Nakukuha ko na kasing magbiro ngayon sa kanya e.

Maya-maya hinawakan nya ang baba ko saka nya iyon hinarap sa kanya. Sinipat nya ng tingin ang sugat sa labi ko. Medyo naiilang ako sa ginagawa nya ngayon. Nilapit nya pa talaga ang mukha nya sa akin para makita nya ng mabuti ang sugat sa labi ko.

"Stop," I said. Ang kanyang mga mata ay dumapo sa aking mata din. "Lumayo ka nga," saka ko nilapat ang hintuturo sa kanyang noo at dahan-dahang tinulak iyon.

"Grabe ka naman, tinitingnan lang e." Nakasimangot na aniya.

"Sira kaba? Baka kasi halikan kita dyan pag nagtagal kapa." Walang preno kong sinabi sa kanya. Hindi man lang ako nakaramdam ng awkward sa aking sinabi. Na parang normal lang iyon na lumabas sa bibig ko.

"B-baliw ka!" She punch my arm. Tinaasan ko sya ng kilay dahil nakita kong namula sya. Hindi ako naniniwala na sa alak iyon galing dahil hanggang ngayon, hindi parin nya ubos ang unang beer nya.

"Oo na, baliw na ako." Tumungga ako sa beer ko. "Sino ba namang hindi mababaliw kung puro problema binibigay sayo ng Tatay mo?"

Nanahimik sya. Ngayon, nawala ang kanyang pagiging masayahin at napalitan ng lungkot.

"Louise—"

"But hey, I'm used to it. Since high school, he's controlling me. But that time, sunud-sunuran agad ako. Sya nga dahilan kung bakit hindi na ako naglaro ng volleyball noon. Kaya ngayon, nakita mo galit nya diba? Pano, ayaw nya nanaman akong paglaruin nun."

"Masaya kaba sa paglalaro ng volleyball?"

"Of course," napangiti ako ng mapait. "That was my escapade nung mga panahon na nahihirapan na ako sa bahay namin."

"You're Dad is also ruthless and heartless din pala sa mga anak nya. Akala ko sa trabaho lang sya ganon."

"Ewan ko ba doon. Sana nga matauhan na sya e. Akala nyo ba masayang maging anak ng isang Attorney Conard Obesco? Tsk, hindi. Nakakasakal kaya,"

"At least magpasalamat ka parin. Kung hindi dahil sa magulang mo, wala ka dito ngayon sa harap ko at hindi mo makikila ang magandang katulad ko." Pagmamayabang nya pa.

Umakto akong parang nasusuka. Kaya hinampas nya ang braso ko at natatawang sinimangutan ako.

"Epal ka naman eh! Masyado kang basag trip," nagkrus pa sya ng kanyang braso at inismiran ako.

Sumeryoso naman ako ulit at tumungga sa beer na hawak ko. "Political Science.. yun dapat ang course na para sa akin. Hindi ko sinunod dahil eto ang gusto ko e. Future ko na kasi ang pinag-uusapan, Mysty. Tama naman ang ginawa ko diba?"

Para akong bata na naghahanap ng kakampi ngayon. Kasi buong buhay ko, mag-isa kong hinaharap ang mga problema ko sa Tatay ko. Never in my life na nagkwento ako sa ibang tao.. kay Mysty pa lang.

"Walang masama sa ginawa mo. I actually admired you because of that, Louise."

I genuinely smiled at her. She's really something..

"Kaya ayon, si Louie ang sumalo tuloy sa kursong tinapon ko. Nagkaroon pa kaming dalawa ng misunderstandings ni Louie but at the end, nagkaayos na din kami."

Bigla syang tumawa at umiling. Nakaramdam ako ng takot. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero bakit ganon ang reaksyon nya?

"Tatakbo na ba ako?" Nagtataka syang tumingin sa akin. "Para kasing anytime, pwede ka ng isuko sa mental hospital e."

Hinampas nanaman nya ako sa braso. "Sira ka! May naisip lang ako,"

"Ano naman yan? Nako Mysty, may balak kang halayin ako 'no?" Nakuha ko pang takpan ng mga braso ko ang katawan ko.

"Baliw ka, hindi 'no!" Kumuha sya ng chips at kinain iyon. "Para kasing ang hot mo kung nag abogado ka. 'Attorney Javier Louise Obesco' tapos walang emosyon kang nakikipag-usap sa prosecutor."

Mas lalo syang tumawa pagtapos nyang sabihin iyon. Ako naman ay ngumiti lang at umiling.

"Bakit Mysty, hindi pa ba ako hot sa paningin mo ngayon?"

Saglit syang tumahimik. Tumikhim pa sya at napainom sa beer na hawak nya. Sunod-sunod ang paglunok nya hanggang sa wala ng matira doon.

Eh? Kumukuha ba sya ng lakas ng loob para lang sagutin ang tanong ko? Isa pa, hindi naman ako seryoso doon, pero ang katabi ko sineryoso nya naman.

"Oy, jok—"

"Yes, Louise." She smiled seductively at me. What the fuck is that? "You're actually hot, especially right now."

Missing PieceWhere stories live. Discover now