FIFTEEN

2.1K 93 0
                                    

Naglalakad pa lang ako papasok ng gate, ang dami na agad ang sumasalubong at bumabati sa akin. Isang gabi lang ang nangyari, parang naging instant celebrity na din ako katulad ni Samantha. I even have a picture taking with some of students. Nasulyapan ko si Caine na natatawa di malayo sa pwesto ko. I just glared at her.

"Can I—" Caine started to tease me but I interrupt her agad.

"Shut up," I hissed. She just smiled and laugh timidly.

Nakapasok na din pala ako sa volleyball team pagtapos ng game kahapon. At dahil nga dakilang chismosa ang karamihan ng estudyante sa school, mabilis kumalat iyon sa campus.

We stopped in the middle of walking when my Dad, Atty. Conard Obesco appeared in front of our building together with his secretary, Tito Philip. He has this serious look na kahit ang mga professors ay natatakot na batiin sya.

Alam ko naman kung bakit nya nakayang magpunta dito sa school. Kagabi din kasi, tumawag sya sa akin at pinapapunta ako sa bahay. Nagmatigas ako dahil alam ko na ang kanyang sasabihin. Mula sa kursong kinuha ko, hanggang sa paglalaro ko ng volleyball ay pinapakialaman nya. Kaya nga ako nagquit nung pang apat na taon ko na sa team nung high school pa lang ako. Dahil sa kagagawan nya. Dahil sa pananakot nya sa akin na palalayasin nya ako sa bahay. I was kid that time. May takot pa kay Daddy at hindi pa kayang tumayo sa sariling mga paa. Kaya sinunod ko sya agad at umalis sa team. Iniwan ko ang grupo na nagtataka at madaming tanong mula sa kanila.

"Javier Louise," dumagundong sa buong paligid ang kanyang boses. Tinawag nya ang pangalan ko ng pagalit ay may diin.

Ang mga tao mula sa building ay nagsi lingunan. Maging ang mga tao sa taas ay nakatingin sa may bintana, pinapanood kaming mag-ama. Caine stayed beside me. Hindi man lang sya umalis kahit na ramdam ko ang takot nya kay Daddy.

"I already talked Mr. Fernan. You're not going to play that damn sports," he said with finality.

Tama bang dito sa school namin pag-usapan ang bagay nato? Nawala na ba ang matinong pag-iisip ng Tatay ko para piliin nyang dito kami magtalo? Dito sa harap pa mismo ng building namin!

"I'm not asking for your permission about that, Dad." Nangunot ang noo nya. "Besides, I will not let you invade my decisions in my own life again. Not this time, not in this kind of situation, Dad."

He angrily looked at me and slapped me, hard. Not minding the other people whose watching us. Caine held my arm to support me because I almost lost my balance. I smiled weakly. Nalasahan ko pa ang dugo mula sa aking labi. Nasugatan yata mula sa pagkakasampal nya.

"Wow," I said. Note the sarcasm. "Dad, are you aware of your surroundings?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Mga gulat ang itsura ng mga estudyante na nakatingin at nanonood sa amin. Nakita ko pa si Mysty at Wayne na magkasama. Mas lalong nagpuyos ang inis at galit ko tuloy. Sa sobrang bigat ng damdamin ko, nagkapatong-patong na ang mga problemang iniisip ko.

"Dad, I.. I-I hate you." Nakikita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Wala na, nagawa mo na Dad. Hindi mo na maibabalik pa ang oras. Napahiya at nasaktan mo na ang anak mo.

"Just.. let me be, Dad." I'm breathing heavily right now. Pakiramdam ko, hihimatayin ako. "This is my last year, enjoying my freedom from your expectations. Pagkatapos nito, mag-aaral ako sa Harvard katulad ng gusto mo. Basta, hayaan mo lang ako sa gusto ko ngayon."

Tears rolled down from my left eye. "I'm so sick of your command. I'm getting tired arguing with you. I can't take this anymore, Dad."

That was the last words that I said bago ako umalis at naglakad palayo kay Daddy. Narinig ko ang pagtawag ni Caine sa akin maging ang pagtawag ni Daddy.

Missing PieceWhere stories live. Discover now