ONE

4.3K 152 4
                                    

I am literally running at the hallway. Madaming sumusuway sa akin pero hindi ko na pinansin dahil shit na yan, late na ako! Hindi yata gumana ang alarm clock sa apartment ko. Imbis na sisihin pa yung alarm clock nagmadali nalang akong maligo at mag-ayos.

Habang tumatakbo, nakatingin pa ako sa relo ko. 5 minutes na lang malelate na—

"Sht!" I cursed. Nalaglag ang bag ko pati narin ang salamin ko. Nakita ko din sa gilid ng mata ko na may nalaglag din sya.. yung babaeng nakabunggo ko at puro papel iyon.

Matapos kong asikasuhin ang akin, ang sakanya naman ang pinulot ko. Mabuti nalang wala ng masyadong tao dito sa hallway dahil magsisimula na nga ang klase.

"Sorry Miss," I said saka ko inabot ang mga papel sa kanya.

"No, sorry din," hala ang ganda ng boses. Tumingin tuloy ako sa babaeng kaharap ko.

Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo. Yung puso ko, unti-unting bumibilis ang tibok. Ako na ang pumutol nung tinginan namin.

"Y-your eyes.." she said.

Nanlaki ang mga mata ko saka ko kinuha ang malaki at makapal na salamin ko. Shit, I forgot to wear contact lense! Natataranta ko iyong sinuot saka sya iniwan na nakatayo doon.

That's what happened two years ago.

Naglalakad na ako pauwi sa apartment. Gusto pa nga akong ihatid ni Mysty ng sasakyan nila kaso nagpumilit akong wag na. Naiilang padin ako syempre. Simula ng sabihin nya yung una naming pagkikita, hindi na ako nagsalita. Ganon din naman sya. Siguro naramdaman nyang gusto ko ng katahimikan.

Kinabukasan, ang daming abalang tao sa paligid. Confusion is all over my face until Caine approach me with this bored look in her face. She just tagged her arm on mine. Nandoon parin naman ang tingin ng mga estudyante sa amin but we didn't mind though. Normal na sa amin yung ganito. Caine is clingy din pala. Komportable naman na ako sa ganon nya. Wala narin naman ako magagawa dahil buong school year, kasama ko sya.

Pagdating sa room, we took our assigned seat. Wala man lang nagtangka na kumausap sa isa samin ni Caine and I'm glad they didn't do that. I decided to take a nap nang mapansin na hanggang ngayon, wala parin kaming Professor. Malalim na ang paghinga ko ng kalabitin ako ni Caine. I looked at her with a sharp eyes. Pero dahil sya si Caine, hindi man lang sya natinag.

"Fix your face. May laway pang tumulo," sabi nya. Agad naman akong napahawak sa bibig ko, pero wala naman e. Kukurutin ko na sana ang kamay ni Caine ng biglang magsalita na ang Professor namin.

Sa sobrang boring ng klase sa umaga, nakakatulog na tuloy ako kung hindi lang inuuga ni Caine ang upuan ko. Geez, lifesaver ko talaga yung pinsan ko na yun.

Naglabasan na ang mga kaklase ko. Bumalik lang ako sa ulirat mula sa pagkaka antok ng makita ko si Mysty at Joy, papalabas na din sa room. Wait? Silang dalawa? Minulat ko ng mabuti ang mga mata ko. Baka kasi namamaligno ako or ano e.

Missing PieceWhere stories live. Discover now