NINE

2.2K 108 1
                                    

Hawak ang maleta ay kasabay namin ni Caine tinahak ang daan palabas ng airport. Kung paanong nakasurvive kami sa loob ng isang linggo sa States ay, di na namin alam. Wala naman kaming ibang ginawa kundi magreview sa unang dalawang araw namin doon. The next day nagtake ng exam at pagdating ng sunday, umuwi na agad. We didn't know pa yung result dahil two weeks from now mag email sa amin ang university.

"Caine, baby!" Si Tita Ciera. Nakita ko ang paglukot ng mukha ni Caine sa pagtawag sa kanya ni Tita.

"Caine baby.." I teased her.

Nagulat nalang ako ng hinila nya ang ibang hibla ng buhok ko!

"Shut up, you dimwit." Saka nya ako iniwan sa pwesto at yumakap sa kanyang ina.

"Louise," Mommy hugged me. Sya lang din ang mag-isa na nandito kasama si Tita Ciera. Iisang sasakyan lang din ang dala nila.

Hindi na kami nagtagal pa at dumiretso na kami sa bahay nila Caine para doon mag dinner.

"Kuya," Tita Ciera, kapatid ni Daddy called him. Napatingin naman si Dad sa kabilang kabisera.

"What?"

"You're planning to enter politics now?"

Lahat kami ay natahimik. Ako ay napatitig kay Daddy na seryoso lang sa kanyang kinakain.

What? He's now planning to do that? Of all people, sya ang mas nakaka alam kung gaano kagulo ang ganong larangan ng trabaho. He even have the clients that has a case na inaabuso ang kanyang position sa gobyerno! Just what the fuck is that?!

"Since we're all here now," nagpunas si Dad sa kanyang bibig. "And to answer your question Ciera, Yes. I will be running as a senador for this election. Any objection?"

"Conard," My Mom called her. Worried is evident in her eyes.

Halatang hindi nya gusto ang binabalak ni Daddy. Lahat naman kami tutol sa kanya. Pero hindi na ako naglakas pa ng loob na magreklamo. Pagod na akong makipagtalo kay Daddy. The fact that he's controlling our life for the sake of his own needs and wants is such an stressful conversation for me. Heto pa kayang nalaman namin?

"Luna, just support me on this," Hindi sya nakikiusap kundi nag-uutos. Hindi makapaniwalang tumingin si Mommy kay Daddy. As if naman papakinggan ka nya Mom? Kami ngang mga anak nya hindi nya din pinapakinggan e.

"Kuya Con," Tita Ciera pleaded. "We know how politician works. We're just hoping that you will be not belong to them."

"Of course, I know what I'm doing."

That was the end of our family dinner.

Nagpapahinga na ang lahat sa bahay namin ng lumabas si Louie at tumabi sa akin dito sa garden. Nagpapa antok kasi ako. Bukas pa ako makakauwi sa apartment dahil hindi ako pinaalis ni Mommy at dito nalang daw muna ako matulog. Pinagbigyan ko na din sya dahil alam ko kung gaano sya ka problemado sa nalaman nya ngayon kay Daddy.

Tahimik lang kaming nakaupo. Nilapag nya ang dalang dalawang baso ng gatas. We used to do this kapag hindi makatulog. We will talked random things, laughed at each other and having a deep talks at the end. But now? We're just staring at the sky, nagpapakiramdaman.

"What's with the nerd look at school, Ate?"

I looked at him. He's still staring at the sky but I know he's waiting to my answer right now. I took a deep breath. Not minding our problems to each other right now.

"Why? Are you ashamed by me?"

"How can I? You're my sister." That words is like potion that makes my problem vanished in a short span of time. Well, yun ang nararamdaman ko ngayon.

"And tomorrow, if you're planning to disguise yourself as a nerd that you used to be.. Don't. Ian, my friend from your department tells me na usap-usapan ka doon. Na you're from a well-known family."

Really? That sucks. I have this feeling that my quiet life turns to be miserable one tomorrow. As much as I wanted to be a nobody at campus, may mga nangyayari talaga na hindi umaayon sa gusto ko.

"Lou," we know that I always called him that. Everyone in this house often call him 'Louie' but that's not what I wanted to call him. So I settled myself calling him 'Lou'

"Alam kong nagkulang ako bilang Ate mo," huminga ako ng malalim saka tumingala ulit sa langit. "Pinabayaan kong mangyari sayo ang ganito. Na dapat, ako ang sumasalo sa lahat ng gusto ng Tatay natin.."

"As much as I wanted to go back at the time na nagkakagulo kami ni Dad dahil sa kurso na yan, believe me.. I will take that damn course kung alam ko lang na ikaw ang magdudusa ng ganito."

Mahal ko ang mga kapatid ko. Mas mahal ko pa nga sila kaysa sa mga magulang namin. Noon, lagi kaming naiiwang tatlo sa bahay dahil nasa trabaho madalas ang magulang namin. Kaya marami kaming memories na masasabi kong hinding-hindi ko makakalimutan. I always look after them since ako ang pinakamatanda. Lagi ko silang pinagbibigyan sa lahat ng bagay, lagi akong nagpaparaya at lagi kong inuuna sila kaysa sa sarili ko mismo. Lalo na kay Louie dahil nung bata kami, sya ang mas sakitin. Kaya nagiging instant nurse nya ako pag nagkakasakit sya. Halos ako ang tumayong magulang ng dalawa nung mga panahon na nakalimutan yata ng magulang namin na may anak pa sila.

Ngayon, mukhang ang dati naming closeness ni Louie ay naglalaho na at napapalitan na ng galit at poot. I don't want that to happen to us because it's really damn hurts. His joyful eyes when he looks at me, now has change as a hatred in it.

"I'm sorry for all the trouble that I caused to you, Lou. Ate is hurting right now because seeing her brother suffer like this-"

"I am the one who should say sorry," I looked at him with a tearful eyes. Nakayuko lang sya habang kinukotkot ang kanyang kamay. Lou.. "I'm being a jerk to you when all your life, kami ang lagi mong iniintindi."

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. His green eyes looked at me. Umiiyak din sya ngayon katulad ko. Is this a good sign? Na magkaka ayos na kami ng kapatid ko? Akala ko puro kamalasan na ang mangyayari. Nagpapasalamat tuloy ako na kahit papaano, nabawasan ang mga problema ko sa buhay.

"Honestly," parehas pa kaming suminghot. Nagkatinginan tuloy kami at nagtawanan. "Ate, seryoso. I'm starting to enjoy this course."

"Lou, wag mong pilitin ang sarili mo."

"No, totoo Ate. At first, I thought I will not be happy but now? Nakikita ko na ang sarili kong nagiging masaya sa kursong yun."

Hindi naman sya nagsisinungaling dahil kita ko sa mga mata nya ang saya habang nagsasalita sya. Walang halong pagpapanggap na nangyari. Napangiti na din tuloy ako sa nakita. At least wala na akong alalahanin sa kapatid ko ngayong nakikita ko na masaya na pala sya sa kursong akala ko, magpapahirap sa buhay nya.

"Kaya Ate, wag ka ng mag-alala pa sa akin. Babawi ako sa pagiging bastos ko sayo, Promise."

Naalala ko nanaman tuloy ang pagtawag nya sa akin sa pangalan ko. Tumayo ako at agad syang piningot. Napatayo din sya at napa 'aray'

"You dimwit, oo nga pala!"

"A-ate! Masakit!" Hawak nya ang kamay kong nakahawak padin sa teinga nya.

"Ata Ganda, Kuya Pogi?" Napatingin kami kay Levis na nakapajama na ngayon at nagkukusot ng mata. Magulo pa ang buhok nya na halatang na alimpungatan mula sa pag tulog.

"Bunso," we called him. Pumunta naman sya saka sya kumandong kay Louie.

"Are you two.. bati na?" Ang cute nya sa suot nya ngayon. Naka spiderman na pajama kasi sya at sando.

"Yes kid," I said. He suddenly jump and say 'Yehey!' Kaya nagtawanan kaming dalawa ni Lou.

This is indeed a good night, Isn't it?

Missing PieceWhere stories live. Discover now