THIRTY FOUR

1.6K 66 2
                                    

Nagising ako sa isang tunog ng alarm clock. It's already 6AM. Our final exams start at 8AM kaya nagsimula na akong maligo at mag-ayos. Paglabas ko mula sa kwarto, nilibot ko ng tingin ang buong sala. Nagkalat ang mga beer in can doon at chips. Hindi ko man lang nailigpit kagabi sa sobrang kalasingan ko.

Pagdating ko sa school, dumiretso ako sa library para magreview ulit. Pero mukhang hindi nakiki cooperate ang utak ko dahil tanging ang nangyari lang kagabi ang nagpapagulo ngayon sa akin. Kaya padabog kong sinarado ang libro saka napasabunot sa aking buhok. Nakita kong umilaw ang phone ko sa tabi ng libro kaya sinulyapan ko iyon. Nakita ko ang text ni Joy, hinahanap ako. Pero hindi ko manlang iyon nireplyan. Tuloy ay namatay na ang ilaw ng phone ko. Nanatili parin akong nakatitig sa salamin na ngayon ay ang repleksyon kong mukha na ang nandoon.

Ang aking kulay na mata ay natatakpan na ulit ng itim na contact lense. Gusto ko lang takpan ulit. Para ngang gusto ko na ding magpakanerd muli e. Pakiramdam ko, masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko nung mga nakaraang buwan to the point na nakalimutan ko na kung bakit mas pinili kong magdisguise bilang isang nerd. Ang magkaroon ng tahimik na buhay.. Kasi simula nung pinakita ko ulit ang tunay na itsura ko, doon nagsimulang nagkagulo ang buhay ko. Pero hindi ko maitatanggi na sumaya ako kahit papaano. Ngayon lang talaga na nasasaktan ako, kaya siguro nakaramdam ako ng pagsisisi. Lilipas din siguro to.

Pagpasok ko ng room, tahimik lang akong naupo sa upuan ko. Nagtatanong na nakatingin sa akin si Caine pero hindi ko iyon pinansin man lang. Halos lahat sila, hindi ko pa nasasabihan na wala na kami ni Mysty. Hindi ko lang alam kung si Mysty ba ay nasabi na nya pero sa nakikita ko, mukhang hindi din nya pa nasasabi.

Speaking of her, nakatuon lang ang atensyon nya sa kanyang phone. Ni hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin, maging ang mga kaibigan sa tabi nya. Hindi ko nga alam kung napansin ba nyang nandito na ako. Napansin ko si Brea na kumakaway sa akin pero nung nagtama na ang paningin namin, tumayo sya saka lumapit sa akin.

"Naka contact lense ka?" Tila ba naninigurado pa sya dahil tinitigan nya ng mabuti ang mga mata ko.

Iniwas ko nga sa kanya ang mukha ko saka tumingin nalang sa bintana sa may gilid ko. Kaya din siguro nagtatanong ang mga mata ni Caine na tumingin sa akin, kasi napansin nya din siguro iyon.

"Bakit mo tinago nanaman?" Nasa harap ko parin si Brea, nakapamewang pa.

"Anong tinago ba yan?" As usual, Joy the kabute appeared beside Brea. Nagkatinginan kami saka sya napasinghap. Tsk, OA. "Ano nanamang pakulo mo, Javier Louise?!"

Hindi ko sila pinansin. Nakisali na din si Eli kila Joy na ngayon ay naiintriga parin sa mata ko. Naiwan si Joey na tipid lang akong nginitian kaya ganon din ang ginawa ko. Samantala, nang madako ang tingin ko kay Mysty, nagkatinginan pa kami ng ilang minuto. May isang emosyon ako sa kanyang nakita pero agad din iyong nawala at napalitan nanaman ng blangkong tingin. Bigla, sumikip tuloy ang dibdib ko dahil doon. Pakiramdam ko, bumalik nanaman ang sakit na naramdaman ko kagabi.

Mabuti nalang, dumating na ang prof kaya nawala na sa kanya ang tingin ko. Mas pinili ko muna ngayon magfocus sa test paper na inaabot ngayon ng professor namin sa harap. Pansamantala ko munang tatanggalin si Mysty sa isip ko.

Sa buong klase, ako ang naunang nakatapos mag exam. Nakita ko pa nga si Joy na nag 'wow' pagkadaan ko sa upuan nya. Nanatili akong poker face kahit sa loob-loob ko, natatawa ako. Paglabas kong room, sya naman ang pagkikita namin ni Wayne na ngayon ay nakatayo sa gilid lang ng pinto. Alam ko namang inaabangan nya si Mysty. Talagang lantaran na ang pagkikita at pagsasama nila dito sa school ah? Marahil ay nalaman na nyang wala na kami ni Mysty kaya malakas ang loob nya ngayon. Kanina din kasi, usap-usapan na hinatid daw si Mysty nito sa room. Nagtataka tuloy ang mga nakakita dahil ang alam nila, girlfriend ko parin si Mysty. Mabuti na lang at dumiretso akong library nun. At mas lalong mabuti na mas nauna akong nakatapos mag exam, para hindi ko na masaksihan ang muling pagsasama nilang dalawa ni Wayne.

Missing PieceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang