THIRTY EIGHT

1.7K 70 6
                                    

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Louie pagkasakay ko pa lang ng sasakyan. Mabibigat din ang paghinga ko ngayon na para bang pagod na pagod ako when in fact, wala naman akong ginawa kundi ang sumakay sa eroplano. Pasimple ko ding hinihilot ang ulo ko dahil nag-uumpisa na itong sumakit.

Huminto ang kotse sa isang flower shop. Binuksan ko ang pinto saka lumabas at dumiretso doon. Bumili ako ng isang dosenang tulips since iyon ang gusto nya.

Tahimik muli kami ni Louie na nagpatuloy sa byahe. Kahit na ang bigat na din ng talukap ng mga mata ko dahil sa sobrang antok, pinilit kong iminulat ito. Gusto kong puntahan muna ang lugar na iyon bago ako makabalik sa apartment ko.

Pagdating ay isang malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa akin. Nilanghap ko iyon at pinikit pa ang mga mata. Nang pagmulat ko, nag-umpisa na akong lumapit sa kanila...

Nanghihina akong napaupo. Nanatili si Louie sa likod ko, inaalalayan ako doon. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Bumabalik lahat ng sakit pagkatapos kong masilayan ang lapida ng Mommy ko, pati na rin ng bunso kong kapatid na si Levis..

Lahat ng hinanakit ko, pagsisisi at panghihinayang ay idinaan ko sa iyak. Nadudumihan na ang suot ko dahil pasalampak na akong naupo sa lupa, sa harap ng lapida nilang dalawa. Ang mga kamay ko ay nakahawak doon at hinahaplos ang bawat letra ng pangalan nila. Kahit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luha, nanatili akong nakatingin doon.

"I miss you.. Mom, Levis," mahinang usal ko.

Walong buwan na ang lumipas simula ng mawala kayo..

Ang kaninang hikbing lumalabas sa bibig ko ay napalitan ng isang hiyaw. Sinigaw ko lahat ng sakit dahil pakiramdam ko, hindi na ako kuntento sa pag-iyak lang. Ang mga alaala ay nag-uumpisa nanamang bumalik. Na para bang isang palabas na kusang nagpe'playback ng mga pangyayari sa aking isip.

Pagpasok ko palang sa apartment para na akong babagsak sa sobrang kulang sa tulog. Nahuhulog na din isa-isa ang mga hawak kong libro dahil nawawalan na din ako ng lakas para hawakan iyon ng mahigpit.

Ilang araw na akong puyat dahil sa exam namin. Nagpakasubsob talaga ako sa mga librong hawak ko ngayon para ipasa lahat ng iyon. Ultimo oras ng pagtulog ko, hindi ko pinalagpas at talagang inaral ang lahat ng lessons namin. Mabuti nalang at natapos na ang exam kaya makakapag pahinga na din ako. Kaso nga lang, isang natataranta at umiiyak na si Caine ang bumungad sa akin.

"What's wrong?" Natataranta na ding tanong ko. Tuluyan ko ng binitawan ang mga librong hawak ko. Maging ang bag ko ay binaba ko na din sa sahig.

"N-nsaan ba.. ang p-phone mo? Hindi ka namin macontact ni.. Louie k-kanina pa.." Napahawak ako sa phone ko na nasa bulsa lang. Binuksan ko iyon pero nanatili itong nakapatay. Deadbat na pala. Nawala lang ang atensyon ko doon ng hawakan ni Caine ang balikat ko. Medyo nanginginig na din iyon kaya mas lalo akong naguluhan at nataranta.

Missing PieceWhere stories live. Discover now